Ivo's pov:
Sinundan ko si Althea dahil dama ko na nabadtrip siya sa naisagot ko, habang naglalakad biglang napaupo si Althea, pagkalapit ko, agad ko siyang inalalayan para tumayo pero laking gulat ko ng makita Kong dumudugo Ang kanyang ilong at biglang nawalan ng Malay, marahan ko siyang ihiniga tapos tumakbo para kunin Ang Susi ng kotse ni Judah.
Dali Dali Kong dinala si Althea sa maliit na ospital saamin.After 30 mins. Dumating Naman Sina Glen, Venus at Judah,
Anong nangyari? Tanong agad sakin ni Judah Kaya sinabi ko Ang nangyari.
Magtatanong pa Sana si Venus ng lumabas Yung doctor at tinanong Kung Sino samin Ang kapamilya ni althea, sasagot na Sana ako ng dumating Ang Lola ni Althea at siya Ang kinausap ng doctor.Pumasok sila sa opisina ng doctor Kaya Hindi na namin narinig Ang pinag-usapan nila.
Sobrang kaba Ang naramdaman ko ng lumuluhang pumasok sa kwarto ni Althea Ang Lola Niya.
"Mga anak, magsiuwi na muna kayo ha. Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo, salamat sa pagdadala Kay Althea dto sa ospital ah." Sabi ng Lola ni Althea Kaya nagsiuwian na kami, gusto ko pa sanang itanong Kung bakit o anong dahilan bakit nahilo si Althea pero isinantabi ko na muna iyon.Pag-uwi ko sa bahay, may Nakita akong magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng kumbento, pagpasok ko ay agad bumungad si Tita na kapatid ni Papa.
Naka-upo ako sa guard house ng school habang nagdedesisyon sa alok ni tita ng makita ko si Althea papasok sa school Kaya pinagpaliban ko na muna Ang pagdedesisyon,
Oo nga pala, nagising din si Althea kinabukasan matapos siyang mawalan ng malay, ng tanungin namin, Sabi Niya pagod Lang daw.
Naglalakad kami ni Althea sa lobby ng makasalubong namin Sina Judah at glen,
"Yow's Ivo may quizbee competition ngayon sa gym and take note, malaki Ang prize."
Pagkasabi ng dalawa sa prize, tumungo na kami sa gym para sumali, and as expected Ako Ang nanalo, Kaya ayun, napasubo ako pagdating ng lunch break, si Althea ba naman Ang nangikil na magpalunch daw ako, tinulungan pa ni glen at Judah, Kaya Napa oo nalang ako.Althea's pov:
Ang sarap talaga kumain kapag libre no, (buuuurrp) hahahahahahahaha, tawanan kami Nina Judah at glen nung dumighay si Judah ng napakalakas.
"Oo nga eh, dapat dalas dalasan mo Ang panglilibre Ivo para tumaba Naman si Judah" Sabi ni glen sabay tawa ulit ng malakas.
Si Ivo Naman, nakabusangot Lang,
"Grabe kayong tatlo, Ang papayat niyo pero Yung kinain niyo, good for ten persons, ubos agad Yung premyo ko," naiiyak na Sabi ni Ivo pero kami tawanan Lang.Kinahapunan, Nakita ko si aries na may kasamang babae, mukhang masaya si aries na kasama Ang babaeng yun, medyo nasaktan ako kasi Kaya pala Hindi na ako pinapansin ni Aries. Mukhang girlfriend Niya Yung kasama Niya, Ang sweet nila tsaka bagay sila sa isa't-Isa, nasaktan ako ng bahagya sa nakita ko, bat as a friend kasi Hindi na yata ako naalala ni aries, pero masaya Nadin kasi nakikita Kong masaya siya. (Skl Yung nalaman ko about Kay aries, hehehe)
kinabukasan, Naglalakad ako sa lobby ng school ng biglang may sumigaw sa may basketball court at may tumugtog ng gitara, sa intro palang, Alam ko Nang love song yun, paglingon ko sa direksyon nung tunog ay nakita ko si Ivo, na naka-upo at sa tabi Niya ay si Judah na siyang naggigitara, at siya namang pagumpisa ni Ivo na kantahin Ang kantang "good morning beautiful day"
Nasa kalagitnaan sila ng pagkanta ng biglang cut at nagiba Yung tugtog nila, kinanta nila Yung "la la I love you" daw Ang title Sabi ni Ivo pero medyo rinevive Lang daw nila.So yun nga, habang kinakanta iyon ni Ivo ay siya namang paglingon Niya sakin sabay dahan-dahan na lumapit sakin, palapit ng palapit hanggang ilang pulgada na Lang Ang pagitan ng aming mukha.
Akmang hahalikan na Niya ako ng bigla niyang tinangal Ang sumbrero nya tapos umatras at iniabot saakin saka nanghingi ng donations, ng tanungin namin Kung para saan, Sabi nila pang bili daw ng instruments, nabanas ako sa pag aakalang hahalikan Niya ako pero naudlot, sheyt bitin. andun na eh, binawi pa. Nakakabuset talaga.
Simula ng araw na yun ay lagi na silang kumakanta sa school para manghingi ng donations, bentahe Naman Yung kagwapuhan, galing maggitara at kumanta ng dalawa Kaya maraming nagbibigay sa kanila ng donations.
Yehey, ambilis ng panahon, prelim exam pala namin ngayon. Don't worry, nakapag review nako para sa exam. After the day, kinabukasan, tuloy Ang exam at kinahapunan. (Riiiiiiiiiiiiiiiiing)
Yehey!!!! Exams done!!! Lumabas na kami ng kanya-kanyang room ng may tumutugtog sa may open court, lahat Naman kami echosera, kaya puntahan kaming lahat sa may court,
Nakita ko si glen na tumutugtog ng drums, si Judah Naman sa piano, dadalawa Lang sila pero may naririnig akong tumutugtog ng gitara, asan Kaya yun, hinahanap ng mata ko si Ivo sa paligid ng court pero Hindi ko siya mahagilap, ng magstart na Ang first song nila, "itong unang kanta ay inaalay namin sainyong lahat bilang pasasalamat namin sa inyong pagtulong, nakabili kami ng isang piano at drum sets para sa simbahan" saka kumanta ng isang gospel song, Pagkatapos ay kumanta pa sila ng tatlo pang kanta. Si Ivo, diko parin nakikita, bago Yung panghuli nilang kanta, narinig ko si Ivo na nagsalita, "ahm, ehem ehem, hello po sainyong lahat. Marami pong salamat sa pakikinig at pagsuporta, and I would like to offer a song for someone."
Then tumugtog na sila at kumanta na nga siya. Yung kanta, Alam ko to, (she's not just a pretty face -shania Twain)
Galing talaga kumanta ni Ivo pero nalungkot ako kasi nga diko parin siya nakikita, uuwi na Sana ako ng pag-ikot ko biglang nanlaki mga mata ko. Si Ivo, nasa likod ko, "all the time Althea nandito nako, hinihintay na lumingon ka, pero all those time, Hindi ka lumingon", (saka sumimangot at tinapos Yung kanta), inaya Niya akong umuwi saka ako inakbayan at nag umpisang maglakad papunta kina glen at Judah bago ako hinatid sa bahay.
Si kapre, nagiging pogi, cute, gwapo sa paningin ko, Yung pag busangot Niya, Ang cute tignan, Yung mga ngiti niya, sheyt nakaka gaan ng pakiramdam, Yung mga mata Niya, may pag kabrown, Yung medyo matangos niyang ilong, Yung buhok niyang laging nakaayos at Yung matamis na Amoy ng kanyang pabango (sniff sniff, hmmmmm, yummeey).
Nasa kalagitnaan ako ng aking imahinasyon ng tawagin ako ni Lola para kumain kaya naudlot Ang aking imahinasyon.
Habang kumakain ako, diko mapigilang ngumiti habang iniisip si Ivo, pero napalitan iyon ng lungkot ng Sabihin ni Lola na handa na raw lahat para sa check-up ko, at si nanay na raw Ang bahala sa lahat ng gastusin, napatanong nalang ako sa sarili ko Kung saan kukunin/kinuha ni nanay Ang pera at diko rin maiwasang nalungkot sa kalagayan ko.End of chapter 4...
YOU ARE READING
My Commoner Man
RomanceYung Nagmamahalan Kayo, pero magkasalungat Ang inyong mga pangarap? O Yung magkapareho Kayo Ng pangarap? Si Althea ay isang simpleng babae na Ang tanging pangarap ay simple at tahimik na buhay, pero Ang mga pangarap na Ito ay mababago nang dahil Lan...