Buko Juice (One Shot)

0 1 0
                                    

"Ate, tatlo nga pong buko juice." sabi ni Niño kay Ate Wanda.

"Oh, ayan na libre niyo ha for the day. I'm saving money to buy the latest album of my fave Kpop group, you know naman that siguro, so di ko muna kayo malilibre ng milk tea mga sis" wari naman ni Fiona sa amin habang kinukuha ang pera sa wallet niya para ipambayad.

"Thanks sis!" reply ko naman habang ngiting- ngiti. Inabot na sa amin ni ate yung juice. Sarap talaga.

Ambait talaga nitong si Fiona bestie samin ni Niño. Alam niyo ba iniispoil kami nito masyado lalo na sa foods. On diet daw siya, kaya kami na lang daw bubusugin niya. Well, wala naman kaming problema ni Niño dito. At times, naman kami naman ang nanglilibre. Syempre, dapat di lang kami receive ng receive, give back din noh pag kaya.

Kaming tatlo ang pinakamagkakaclose sa section namin. Why? Kasi birds of the same feather flock together. We're all happy go lucky people sa buhay. Madaldal din at fun in all sorts charot.

Si Niño, or you can call Niña na mas preferred niya, ay ang aking bestie na pinsan ko rin. Simula elementary ay kaklase ko na iyan. Sabi kasi nila mama, bantayan daw ako nan. Di nila alam, ako ang nagbabantay jan kay Niño. Antalas nang tumingin sa mga gwapo. Anlakas din magpapansin. Kapagod sawayin kapag may napaginteresan. Kahit ganon, ang smart nan noh. Fluent din yan sa English. Sanaol.

Eto namang si Fiona, ambait neto as in super. Mukha lang siyang mataray kasi sosylain tas may resting face daw siya na pang-off sa marami. Fan na fan itong Kpop. Many times na kaming tinry hawaan nito ng mga hilig niya pero di umeffect kaya yun supporter na lang niya kami sa pagfafan- girl niya. Wala namang masama dun oy. Ang gastos nga lang lalo na tuwing may concert sa bansa yung mga bet niyan hays.

Ako naman ang reyna chos. Ashley is what you can call me. Ako ang pinaka normal samin joksss. Lahat kami abnormal, joks rin. Ako ang moderator ba, ano? Tuwing nagaaway sila Fiona at Niño like nung kung sino ang pinaka-hot daw sa Kpop group, ako yung tiga sabi o sigaw na "Lahat sila may abs, oki. Wag na nating irank. Kahit sino pwedeng first mga sis. It's all up to you, yourself, and you kung sinong bet niyo. No to away tayo. Grade twelve na tayo, last year na natin oh."

Aside from that, ako ata pinaka bonak sa amin. Haysss

Si Fiona kahit busy yan lagi sa updates concerning yung mga Kpop boys niya, basic lang jan mga quizzes. Si Niño, as i've said earlier masipag. Bakit wala sa genes ko yung kasipagan nito? Magpinsan naman kami hmp.

Ang gusto ko lang naman matapos ang highschool then college para makapagnurse na ako. Ang cute kaya maging nurse. Helpful sa tao, ansarap kaya sa feeling ng may natutulungan ka. Sumasaya ka rin.

"Hays talaga antagal bago magcomeback nito" habang naglalakad kami paalis ng canteen, todo dutdot si Fiona sa phone niya.

"Gurl, sa April daw ah. Malapit na. Atat much. Di ka naman nun kilala" Singit ni Niño sabay higop sa juice. Napatigil tuloy si Fiona sa ginagawa at inirapan ito.

"Oh, yan na naman kayo shhh" pag-iiba ko ng mood habang inaakbayan sila kasi ako ang pumapagitna.

"Yan na sis. Sori na din Fio" ala malambing naman na pagsasalita ni Niño. Sweet yiee. Kung di lang iba ang gusto nitong pinsan kong to, matagal ko nang inasar itong dalawa.

"Yan na, apology accepted" sabi ni Fiona na ngayon ay tinago na sa bulsa ang phone at ngumiti na rin sa wakas.

"Yan, sisters forever" dagdag ko naman tapos mas hinigpitan pa ang akbay sa leeg nilang dalawa. Matangkad sila pareho eh. Ako sakto lang, ewan, basta tama lang.

"Oh gosh, paakyat na si Mam oh. Look." Biglang sigaw ni Niño.

Si Mam Panginiban nga paakyat na. Next subject namin yon.

Buko Juice (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon