Kabanata 2: Suspicious
"Oh my God, Polaris! Saan ka ba nanggaling?!" histerikal na sigaw ni Eleana sakin sa labas ng classroom. Napatingin tuloy ang iba na nasa loob.
Inayos ko ang buhok kong hanggang balikat. Gulo-gulo iyon dahil sa ginawa kong pagtakbo kanina. Naiinis na nga ako pero sinubukan ko pa rin maging kalmado.
"Calm down, Eleana," sita ni Aiah. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang mapatingin siya sa akin.
"Pumunta akong Main Lib. Wala naman kayo doon." I replied coldly.
Namilog ang mata ni Eleana. "Seryoso ka, Polaris?"
Napaawang naman ang labi ni Aiah pero agad namang nakabawi. "Ano? Bakit ka nagpunta doon? 'Di ba sa library dito ang usapan?"
I sighed. "Sinabi mo sa akin kanina na pupunta ka doon."
Aiah shot me his confused look and he chukled a bit.
The nerve of this guy! Nakuha pa niyang matawa samantalang ako, halos mamatay na sa kaba kanina! Huh, kung tatanungin nila ako kung anong ginawa ko doon, hinding-hindi ko sasabihin ang totoong nangyari. They'll just tease me until I die with embarrassment.
He lifted a finger. "Teka... teka... sinabi ko nga, pero hindi naman doon ang usapan."
I gritted my teeth and narrowed my eyes at him trying to figure out what he said earlier. I gently closed my eyes as I try to inhale. You're so stupid, Polaris! Nagsayang ka pa ng pamasahe!
"Akala talaga namin umuwi ka dahil antok na antok ka. Hayaan mo, ite-text ko na lang 'yung plano at kung kailan tayo gagawa." Dagdag pa ni Aiah.
"Oh my God, Polaris! Eh anong ginawa mo roon?" tanong ni Eleana na natatawa na rin.
Unti-unting lumuwag iyong pakiramdam ko habang nakatingin sa dalawa. Ako naman pala talaga ang may kasalanan. Ang tanga ko kasi!
Sakto namang paparating ang Prof namin sa time na ito kaya hindi ko na nasagot si Eleana.
Nagsimula na ang lecture pero tuluyan nang lumipad ang utak ko kung saan-saan. Inisip ko 'yung pamasahe ko na nasayang kanina. Kinailangan ko pang bayaran iyong tatlong upuan ng tricycle para lang makasakay ako kanina dahil nagmamadali ako. Eh, pang lunch ko na 'yung value noon, e! Kung hindi lang urgent 'yung pagsakay ko kanina, hindi ako papayag na magbayad ng ganoon kamahal! Kapag nakita ko ulit 'yung oportunistang tricycle, kukunin ko 'yung plaka at irereport sa opisina nitong school o kaya ireport na din sa pulis!
Isa pa, inisip ko rin iyong nangyaring katangahan ko sa library kanina. Hindi naman siguro mukhang gaganti iyong kapatid ni Aiah, ano? Kung may balak man siya, dapat siguro maging mapagmatiyag ako!
"Uy, tapos na ang klase, ah. Wala kang balak umuwi?" Aiah snapped me out of my thoughts.
Napatingin ako sa paligid, nagsisimula na ngang umalis ang ilan. Ang tagal ko naman yatang nag-isip, ah?
Tumayo na ako at inayos ang bag. "Saan si Eleana?"
"Nasa CR, nagpaganda daw saglit. Hintayin mo." Aiah responded. He nervously looked at me like he want to tell me something.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Nagi-guilty siguro ito sa akin. Dapat lang, ano!
I saw him swallow hard. "Sorry not sorry, kanina, Polaris."
I chuckled. "Seriously, sorry not sorry?"
He shrugged. "Kung natatandaan mo, you are partially at fault too."