Kabanata 5: Breathe
Halos buong linggo yatang bumagabag sa isip ko ang inasta ni Ysmael. Pinasauli ko na lang rin kay Aiah ang calculator niya. Ayaw ko namang ako ang magsauli at baka masipa ko lang siya. So, I'm actually doing him a favor!
Hindi ko tuloy napigilan na ikwento ang lahat-lahat kay Eleana. Nagulat siya pero ngayon inis na rin siya kay Ysmael dahil siniraan ko talaga!
Buong linggo rin naming ino-observe ang mga kilos ni Aiah kapag kasama ko siya. Ewan ko ba, ang lakas makahawa ng pagkamalisyoso iyong Ysmael na 'yon!
"I don't think he likes you, Sis." Eleana said while we are secretly observing Aiah and Liezel discussing something about our business project.
Natapos na ang proposal defense namin hanggang sa nag-conduct kami ng business project, ito pa rin ang nasa isip namin. Ang conclusion namin? Friendly at caring lang talaga siya sa lahat.
Kasalukuyan kaming gumagawa ng write up sa business na naisagawa kahapon. Sabado ngayon at nandito kami sa study room nina Aiah na nasa ikalawang palapag ng bahay.
I put my index finger infront of my lips. "Kahapon mo pa yan sinabi sa akin, tumahimik ka na baka marinig niya tayo."
She sighed and rolled her eyes at me. "Oo na."
Binalik ko na ulit ang mga mata ko sa tinatype ko sa laptop. Natigil lang ulit ako nang may binulong si Eleana sa akin.
"Hindi naman kaya bakla 'yan? Tingnan mo kasi tumatawa siya habang takip ang bibig."
Pinandilatan ko siya at binalik ulit ang mata sa laptop. "Hindi naman siguro."
"Sis, tingnan mo kasi," pagpupumilit niya pero nang mapatingin ako kay Aiah sumakto naman na may kumatok sa pintuan kaya pinuntahan niya ito.
"Sir, malapit na pong matapos iyong pinapaluto niyo kay Manang Sela kaya sinabihan niya po akong mas mabuting maghintay na kayo sa baba..." Rinig kong sabi ng katulong nila.
"Sige po, Ate. We'll just fix our things." Sagot niya at sinarado na ang pinto.
"Oh guys! Narinig niyo naman siguro iyong sinabi ni Ate. I-save niyo na 'yung mga work niyo. Ang mahuli, makakakita ng multo!" pagbibiro niya habang binubuksan na ang pintuan.
Tumili naman sina Eleana at Liezel na dali-daling sumama kay Aiah palabas.
Umiral na naman 'yung pagbibiro niya!
I shook my head and doubled check if I had saved my work.
"Gago talaga si Aiah," sambit ni Casner na natatawa.
"Sinabi mo pa," I replied.
Sabay na kaming lumabas ni Casner sa study room at tinungo ang grand staircase. Naabutan pa namin na nakatingin sina Eleana sa malaking picture frame na nakasabit sa wall. It was a family picture. Mukhang kinuhanan lang ito noong mga nasa junior highschool kami.
"Nag-te-training si Kuya mangabayo every weekends."
Wow ha? May ganoon pa lang nalalaman iyon.
"Ang bongga ha! As in 'yung totoong kabayo, Aiah?!" Liezel asked like she was shocked.
Nag-iba ang pandinig ko sa tanong ni Liezel.
Napangisi si Aiah sa kanya. "Why? Is there another horse you're thinking?"
Liezel gasped while Eleana chuckled. Liezel tried to defend herself while stuttering. Maybe, we were thinking the same!
"W-wala! Alam niyo 'yon? 'Di ba may maliit din na kabayo..." she paused as she struggle to think what she will say.
![](https://img.wattpad.com/cover/219184763-288-k878547.jpg)