Kabanata 3: Injury
I still couldn't forget what the old woman told me yesterday. When I was a kid, I once dreamed to be a doctor but it quickly vanished when Auntie told me that I should take up law after college. Almost everyone in our clan, expects me to be. So why bother take another path?
Bumuntong hininga ako ng malalim at ipinunas ko ang sapatos kong medyo basa ang gilid sa doormat ng aming classroom. Malakas ang ulan magmula kaninang madaling araw pero hindi naman sila nag-suspend ng klase.
"Oh? Ang bilis mo naman 'yatang nag-recess?" Tanong ni Aiah sa akin na nakaupo sa teacher's table sa harap. Mag-isa lang siya kaya malakas ang loob na maupo roon.
"Hindi, hindi ako gutom." Simpleng sagot ko at lumapit sa teacher's table.
"Anong ginagawa mo? Bawal umupo diyan sa teacher's table, ah." Usisa ko sabay sulyap sa sinusulat.
I wonder when he will stop being this studious.
He shrugged. "Wala pa naman si Sir Kevril, eh. Tsaka, mabait naman 'yon 'di ako sisitain."
"Porke't mabait, ganyan ka na."
He stopped writing and glanced up to me, and then he eyed me meaningfully.
"Wow, pinagtatanggol niya." He teased.
I glared at him while I sat on my chair. "Hindi 'no. Sinasabi ko lang sa'yo na bawal umupo diyan."
"Hindi nga? Gusto mo na ba siya?"
"Hindi Aiah, kaya tumigil ka."
He chuckled. "Okay, sabi mo eh."
I was about to open my textbook when I felt a vibration beside my chair.
I looked at Aiah. "Aiah, nag-va-vibrate yata phone mo."
"Can you please get it for me? Nandiyan sa maliit na bulsa."
I glared at him. How bossy!
Kinuha ko ang mamahaling phone niya at biglang nanigas ako nang masulyapan ko kung sino ang tumatawag. It was his brother. Nakasave ito bilang Kuya Ysmael.
I bit my lower lip and bravely handed the phone to Aiah.
"Thanks," he said.
Umupo na muli ako at nagkunwaring magbabasa. One line and I can't process what it means.
"Hello kuya Mael?"
"Ha? Yung laptop mo?" Aiah asked.
Ewan ko pero bigla akong ginapangan ng kaba. Hindi kaya nasira ko talaga yung laptop niya kahapon? If yes, saan naman ako kukuha ng pambayad?!
I swallowed hard while hearing Aiah's conversation with his brother. I even held my breath.
Aiah chuckled. "Ah, akala ko nakalimutan mo. Buti charger lang nakalimutan mo, Kuya..."
Napabuga naman ako sa hangin nang sabihin ni Aiah iyon. Mabuti na lang talaga!
"Okay, shall I bring it you?"
"Oh okay, okay."
Nagpatuloy na lang ulit akong magbuklat ng pahina sa textbook namin para may pagkaabalahan.
"Anong nirereview mo, Polaris?" biglang tanong ni Casner na kasusulpot lang sa tabi ko. Tinitingnan niya ang binabasa ko.
Winasiwas ko ang kamay ko sa ere at naglipat ng pahina. "Hindi, tinitingnan ko lang."
"Scam! Sasabihing hindi tapos biglang magha-highest sa quiz at exam," pang-aasar nito.
Natawa ako at nag-angat ng tingin. "Hindi kaya. Totoong hindi pa ako magrereview."