Panimula

6 0 0
                                    

.

"After 10 years magkikita tayo ulit. Dito! Dito sa Bougainville Street! Tapos magpapaunahan tayo kung sinong pinakamabilis maka-bike papunta sa sa kanto ng Santan Street!" Tumawa si Jeremy.


Nakahiga kami sa silong ng mangga. Sa malaking bangketang gawa sa kawayan.

"Weh? So, magkakilala pa rin tayo after 10 years? Sa malayo na ako nakatira pag ganun." Sabi ko. Nakalagay ang aking mga kamay sa likod ng aking ulo para maging sandalan ng ulo ko. Ganun rin si Jeremy.


"Sa bagay. Aalis rin ako. Pupunta ako sa..." Huminto siya sa pagsasalita saka nag-isip. "Sa New York? Tama ba ako? New York? Tapos sa Amerika!"


"Tangek! Yung New York sa Amerika 'yon! Di mo alam? Oo, halata." Sabi ko.


"Oy, alam ko. Sinabi ko lang 'yon para alamin kung alam mo yung alam ko."


"Ha? Handami mo nang sinabi."


Sabay kaming tumawa.






"10 years from now, ako na yung gumagawa ng mga drawings sa pambatang libro." Bulong ko sa sarili.

.


"Magiging Engineer rin ako." Bulong ni Jeremy sa sarili.


.


"Promise 'yan ha?" Sabi ko.


Tinuro ko ang daliri sa kanya.


"Oo, pramis, sagad, period. No erase. Locked." Sabi niya. Pinindot niya ang daliri ko tulad ng sa movie na E.T.



.


.



xxx

Sa Kanto ng Bougainville StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon