Isa

7 0 0
                                    


Luluwas na kami ng siyudad para manirahan sa probinsiya. Dahil buntis ang mommy ko, at dahil sa kagustuhan na rin ng daddy ko. Wala kaming choice ni Lala, nakababata kong kapatid na babae, kundi iwan ang buhay sa siyudad para manirahan sa probinsiya, kahit pansamantala... sana.


Ako si Sam, short for Sampaguita, 13 na ako, Grade 8 na nga eh. 'Yung kapatid ko, si Lala, Ilang talaga pangalan no'n. Pangalan pa lang mahahalata mong galing sa pangalan ng mga bulaklak 'yung pangalan namin ng kapatid ko. Si Daddy kasi isang botanist, mahilig siya sa halaman tapos sa kalikasan kaya 'yun ang trabaho niya. Si Mommy isang mananahi, yung sikat na mananahi. Fashion designer ata siya eh, pero tawag ko mananahi. Eh kasi naman 'yung ang lagi niyang ginagawa, nagtatahi.


'Di tumigil sa pagtatrabaho ang daddy ko pero mas maganda raw kung sa probinsiya kami manirahan. Para sa ipapanganak ni Mommy na kapatid namin. Pangalan niya nga Sebastian, kami ni Lala ang pumili no'n. Wala na kasi kaming maisip na pangalan ng bulaklak na babagay kay Seb kaya 'yan na lang.


.


Masaya ako tuwing nasa loob kami ng sasakyan at nakikinig sa musika tapos kumakanta nang malakas.


Ang sarap sa pakiramdam na isagaw at ilabas yung emosyon ng kanta. Lalo na kung malungkot ka...


"Sam!" Nabasag ang pag mumuni-muni ko dahil sa sigaw ni mommy.


"Po?" Tanong ko.


"Are you sad? Honey, okay lang puwede naman tayong bumalik sa QC kung masyado kang malungkot." Sabi ni mommy.


"Hindi po mi. Nalulungkot pa rin ako pero naaalala ko lang yung mga kantang kinakanta namin nina Estelle, Jeriko, at Nancy. Nakaka-miss lang." Sabi ko.


"Normal lang na malungkot, Sammy. Basta hindi sobrang lungkot. Talk to me ha?"


"Opo, mommy. I tell you everything naman ah diba?" Sabi ko.


"Hay nako, ako naman? You always keep secrets from me, Sammy bear ha." Sabi ni Daddy.


"No! Ate Sam tells everything to me! Hahahaha!" Sabi ni Lala.


"Sinasabi ko naman sa inyo lahat, pero hindi lahat. Eh... Oo, basta 'yon." Napatawa na lang ako.


"Ate Sam! Yung favorite song mo oh! Your Universe ni Nico Blanco!" Sigaw ni Lala.


"Lala, Rico hindi Nico! Ilang beses na 'yan! Paulit-ulit ka?" Sabi ko.


"Eh nakakalimutan ko eh. Ba't kasi Rico pa pangalan puwede namang Nico na lang. Mas madaling tandaan. Duh." Sambit niya.


"Alam niyo ba, yung banda ni Rico, yung Rivermaya, paboritong pakinggan ni Lolo Tonio. Na-discover ko yung kanta tapos tinanong ni Lolo Tonio niyo kung sino yung kumakanta tapos ayun, lagi niya nang pinapakinggan. Nalungkot nga siya noong umalis ng banda si Rico." Kuwento ni Daddy.


"Okay." Sabi ko.


"Okay? Okay ka lang ba Sam?" Tanong muli ni Mommy.


"Gutom na 'ko! Daan tayo sa drive-thru! Please!" Sabi ko.


"Ako rin gutom na!" Sigaw ni Lala.


"I guess si baby rin gutom na. He's kicking!" Natuwa si mommy. Pinatong ni Daddy yung kanang kamay niya sa malaking tiyan ni Mommy.


"Wait... Ako lang ba nakarinig?" Tanong ni Lala.


"Ha? Ano?" Tanong ko.


"He? Lakaki? LALAKI SI BABY? OH MY GOD!!!" Masaya niyang sigaw.


Sa Kanto ng Bougainville StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon