Cinco: Zetty and Ams

8 3 0
                                    

"Ikaw nanaman?! Yung totoo?! Sinusundan mo ba ako ha?!"

Naka-labas na kami ng department store nang bulyawan ko siya sa harapan ng maraming tao.

"Sorry na, oh." Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. Umismid na lamang ako at nagtuloy na sa paglalakad. Bwiset naman, oh! Bakit nandito nanaman yan!

Humabol sakin si Ame at binulungan ako, "Ay jusko, beh. Pano mo nareresist yung ganyan kagwapong nilalang?! Ang gwapo nga talaga ni Zetro sa malapitan. Nakakalaglag panty eeee--!" Hindi na niya naituloy ang balak sabihin nang lumayo ako at pumasok sa isang restaurant dito sa mall. Bwiset talaga.

Nag-order na ako at naghanap ng bakanteng upuan, apat na upuan iyon at doon na lamang ako umupo. Nakabuntot padin sakin si Ame, katulad ko ay nag-order nadin siya. Umupo siya sa harapan ko.

"So, kwento mo na yung nangyari." Pangungulit niya sa'kin.

I rolled my eyes, "Ayoko."

"Sige naaaaa!" Biglang napalingon ang ibang tao nang sumigaw si Ame. Argh! Ang kulit! "Pasensya na po, hehe." Paghingi nito ng paumanhin sa kanila.

"Ano?"

"Oo na, sige! Ang kulit-kulit mo, tsk!" Ngumisi nalang ito sa'kin at sinenyasan akong umpisahan na ang pagkukwento.

"Kung hindi dahil sayo, hindi sana kami magmemeet." Pagsisimula ko.

"Lah, ako nanaman?!"

Tinignan ko siya ng masama, "Pwede bang makinig ka muna?" Inis kong sabi sa kaniya. She smiled and zip her mouth then she cleared her throat bago siya tumango sakin para ipagpatuloy ang pagkukwento.

Bumuntong-hininga ako, "Noong nasa bar tayo, ikaw ang unang nalasing. Dahil trip mo yung mga lalaki sa kabilang couch that time, tumayo ka at kumandong sa isa." Napansin kong lumaki ang mga mata niya pero hindi siya nagsalita.

"At dahil ako ang matino sa ating dalawa, kinuwa kita mula sa pagkakakandong mo sa lalaki at pilit na pinapauwi, pero alam mo ba kung anong ginawa mo?" Inis kong tanong. Umiling lamang ito, "Pinahiya mo ko! You told them that m-my flower p-powe---that thing! Ay hindi pa nadidiligan for 18 years!"

"Really? Omg! Hahahahaha! Totoo naman, eh! Hahahaha!" Tawang-tawa ang bruhilda pero agad din iyong natigil nang muli ko itong samaan ng tingin. Itinaas pa nito ang dalawang kamay bilang pagsuko, gaya ng ginawa ng bwiset na Zetrong yon kanina.

"And then?" Tanong nito habang nakasandal ang ulo sa dalawang kamay na nakapatong sa mesa.

"And then you passed out. Nilagay kita sa passenger's seat at dumeretso na ko sa driver's seat, ready ko na sanang patakbuhin yung kotse mo pero may biglang humarang, si kupal. Tinanong niya kung gusto ko daw ba ng tulong pero hindi ko siya pinansin at nagdrive nalang hanggang sa makarating sa condo mo."

"Ay iba den! Lakas ng appeal, ah? Sana all!"

"Itutuloy ko pa ba?" Banas na tanong ko dito.

"Oo naman, 'no."

"Psh. So yun, nung makarating ako sa condo mo, hindi ko mabuksan kasi humaharang yang katawan mong parang lantang gulay sa harapan ko. Balak na sana kitang bitawan non at ihiga sa semento kaso may humawak sayo e."

Nagulat siya at agad akong pinalo ng mahina, "You're so bad! I hate you! Pero sino ba yung humawak sakin?! Omg! Baka hinipuan ako, ah!"

Umirap ako dito bago nagsalita, "Si Zetro. At kung hinipuan ka man niya, wala akong pakealam."

Imbes na mainis sa sinabe ko ay nagulat pa ito at ngumiti ng napakalapad, kamukha niya tuloy si joker. "You mean, hinawakan ako ni Zetro?"

"Oo."

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now