Siete: Party

8 3 4
                                    

"Tuloy po kayo."

Patuloy ang pagbati ng mga guard habang papunta kami sa loob ng mansyon nila Achi kung saan gaganapin ang celebration ng birthday niya.

'Bakit ba kasi ako kinakabahan?! Hindi naman ako ganito noon, ah?! Tsk!'

"Let's go." Bulong ni Ame sakin at tumango nalang ako. Para bang umatras ang dila ko bigla.

At gaya ng inaasahan ay naroon ang nga bigatin niyang bisita. Parang a-attend lang ng Oscar ang mga ito dahil sa pabonggahan ng mga suot.

"Dress pala, ha? Sige, kung magdedress ka, edi mukha ka ng basahan ngayon!" Ayan nanaman, nagiging nanay nanaman si Ame.

"Psh, pasensya na okay? Hindi ko naman sinasadya!" Mahina kong asik nang tuluyan na kaming makapasok sa mansyon.

"Welcome, ma'am." Sabi ng nadaanan naming nagseserve ng mga drinks. Tumango nalang ako dito at ngumiti.

Umupo ako sa upuan na nakapalibot sa mesa. Pati upuan at mesa ay napakabongga. Jusko po, ang yaman talaga ng boy best friend ko. Pero ang kuripot pagdating sakin, bwiset talaga.

"Ah, miss?" Napalingon ako sa matangkad na lalaki na nakatayo sa gilid ko habang nakangiti at nakalahad ang kanang kamay. Napaka-gwapo, potek! Naka-brush up ang buhok nito at nakasuot ng white dress shirt at blue na tuxedo, kulay dark brown ang buhok niya, ganoon din ang mata niya. Matangos ang ilong at manipis ang labi na may pagka-pinkish. He has this fair skin na talaga namang bumabagay sa kaniya.

Syempre hindi ako papakabog, 'no! Nakipag-shake hands ako dito bago ngumiti, "Ah, hello."

"I'm Yuri, by the way."

Ngumiti ako sa kaniya bago nagsalita, "Elise."

Binawi ko na ang kamay ko at umupo naman siya sa tabi ko. Narinig ko pang bumulong si Ame. "Aba, nakakuha agad ng boylet! E di, ikaw na girl! Punta muna ako doon sa may mini bar at kukuha ng maiinom natin, ha?" Tumango nalang ako dito at umalis na siya.

"So, ngayon lang kita nakita. I mean, I'm friends with Achi, ikaw din ba?" Napalingon ako kay Yuri nang magsalita siya.

Tumango ako at ngumiti, "Ah yes, schoolmate ko din siya simula elementary."

"Oh! That's nice! I hope we can get along and be friends also."

"I would love to."

Napangiti ito sa sinabi ko at kinuha ang phone niya sa bulsa, may kinalikot siya dito at inilahad sakin ang phone niya.

Tumaas ang kilay ko, "Can i get your number?" Tanong nito, ang isang kamay ay nasa batok, nahihiya.

I bit the insides of my cheeks to stop myself from smiling, mamaya isipin pa nitong masyado akong nasisiyahan siyang kausap. Kukuhanin ko na sana ito ngunit may biglang kumuha nito sa kamay ni Yuri.

Agad kaming napatingin kung kaninong kamay iyon at nakita si Zetro na may masamang tingin sa phone. Ano bang ginagawa ng phone sa kaniya at ganiyan siya kung makatingin? Napaka-abnormal talaga kahit kailan.

He's wearing a white dress shirt and black tuxedo, ang ganda ng pagkahubog nito sa katawan niya. Siguro araw-araw itong nag-g-gym? His hair was fixed on one side at may ilang hibla ng buhok na nahulog sa may noo niya. He looked so freakin' hot, omfg! Ngayon ko lang din napansin, kulay black ang buhok nito at mayroon din siyang dark brown na mata tulad ng kay Yuri. Matangos ang ilong at maganda ang pagkahubog ng labi. Seryoso itong nakatingin sa'kin at nawawalan ako ng hininga kapag ipinagpatuloy ko pa ang pakikipagtitigan sa kaniya, kaya naman ay ako na ang naunang lumihis ng paningin. Mas dumoble ang kaba ko kaysa kanina, shit!

𝒆𝒉𝒖 𝒈𝒊𝒓𝒍Where stories live. Discover now