KABANATA 1

19 8 10
                                        

First Day

"You're off to great to great places. Today is your first day! Your mountain is waiting, so get on your way! "

            -Dr. Seuss

The sound of my alarm clock woke me up. I'm excited and bit nervous at the same time.

Kagabi ko hinanda yung mga gamit na dadalhin ko sa first day, di kasi ako nakatulog.

Pagkatapos ko maligo nagsaing ako at nagluto ng sunny side up and hotdogs. Ginising ko na si Bliss para maligo tulog mantika kasi yun eh.

Hinanda ko na ang lamesa sakto naman na kalalabas lang ni Bliss sa banyo.

"Dalian mo na baka malate ako gusto ko pa naman sa harap umupo" singhal ko sa kaniya

"Yes naman!Magsisipag siya mag-aral" tukso niya

Parang tanga lang kaya inirapan ko na lamang siya.

*******

HUMSS 4

Pumasok na ko sa room na yun medyo madami ng tao pero may vacant sa harap. Sa may aisle ako ng second row umupo para kita ko yung sulat sa board.

Nag cellphone muna ako wala pa kasi akong katabi kaya wala akong makausap.

May tatalong lalaking pumasok, kaklase ko pala sila what a small world. Nakilala ko sila noong enrollment.

"Kaklase pala natin si Isabella pre" rinig kong sabi ni Oliver

"Hello" bati sa akin ni Damon

"Hi" nahihiya kong bati

"Tabi sana kami sayo kaso nasa harap ka di kami makakatulog" nanghihinayang na sabi ni Seth

"HAHAHAHA tulog nanaman nasa isip mo pre" tawa ni Damon sabay hawak sa tiyan

"Oks lang magsisipag kasi ako ngayon" sabi ko sa kanila

"Tama yan kapatid" sabi ni Damon sa akin sabay thumbs up

Iniwan na nila ako para umupo sa last row.

Nasa wendy's ako ngayon kakatapos lang ng enrollment, naghiwalay muna kami ni Bliss. May tatlong lalaki naman na lumapit sa kin para ata makiupo puno na kasi yung ibang table tsaka mag isa lang naman ako dito.

"ate pwede makiupo" magalang na sabi ng isa sa kanila.

Tiningnan ko silang tatlo. May itsura sila in fairness isang mestizo tsaka dalawang moreno payat yung isa pero may konting muscles. Nakasuot silang tatlo ng maong pants tsaka t-shirt na neutral colors.

"Ok lang" sagot ko sa kanila sabay lahad ng upuan

"Finally makakain na rin" ani ng morenong lalaki

"Patay gutom amp*ta" asar sa kaniya ng lalaking mestizo na may malalim na dimples sa magkabilang pisngi.

Di ako mahilig sa lalaking may dimples mukha kasi silang inosente na parang di mabasag pinggan but damn ang pogi niya talaga. Don't get me wrong ahh I don't have a crush on him I'm just complementing him.

*******

Tapos na ang klase wala nga kaming masyadong ginawa, puro introduce yourself o di kaya'y gagawa ng KWL chart.

15 mins walk lang mula UST papuntang condo kaya di na ako nag commute sayang pamasahe. Dapat sabay kami ni Bliss ngayon kaso di pareho schedule namin STEM kasi strand niya.

Pagkarating ko sa condo nagpahinga lang ako saglit tsaka nag half bath. I'm now wearing my pajamas, dumiretso na ko sa may sofa para i-check yung social media accounts ko. May mga notifications kaya binuksan ko agad

Oliver August Del Rosario sent you a friend request Accept  Delete

Dianna Ramos

sent you a friend request
Accept  Delete

Damon Tiu
sent you a friend request
Accept  Delete

Mikayla Deniz Cervantes
sent you a friend request
Accept  Delete

Kaklse ko silang apat kaya inaccept ko na. Pagkabugas ko ng messenger nakita ko yung bagong gawa na group chat ng section namin.

Humms 4

Esmeralda Martinez: Hi guys

Oliver August Del Rosario: wazzap classmates ako nga pala yung pogi niyong classmate

Seth Jacob Thompson: ang kalat mo oli😒

Oliver August Del Rosario: Walang mali sa pagsasabi ng totoo.

Dianna Ramos: Di ka naman nagsasabi ng totoo eh @Oliver August Del Rosario

Damon Tiu: Sunog🔥


Medyo mahaba na yung convo nila kaya nakakatamad na mag backread buti sana kung may nag-aaway sa chat baka sinipag pa ko.

Nanood muna ako ng documentary sa youtube since wala naman akong ibang gagawin.

"Kamusta first day mo?" Tanong sa 'kin ni Bliss, nandito na pala siya di ko napansin agad "ayos lang naman, typical na first day lang wala namang bago. Ikaw?"

"May crush na agad ako sa classroom namin. He's so gwapo talaga" kinikilig niyang sabi "ma-inlove ka na kahit kanino huwag lang sa blockmate mo" paalala ko sa kaniya.

"Alam ko naman yun, crush crush lang naman..." nakanguso niyang sabi

"Hoy inday mag saing ka nalang aral muna kasi bago landi"

"I can do both naman kasi, multitasker kaya ako HAHAHA" aniya

"Sumbong kita sa mama mo" pananakot ko

Pabiro n'ya muna akong inirapan bago pumuntang kusina para magsaing. Mabuti naman at naisipan niyang magsaing, kanina pa talaga ako nagugutom.

I just contiuned watching the documentary habang nasa kusina pa si Bliss.

Kung sino ang hindi magluluto siya ang maghuhugas ng mga pinagkainan, that's our rule in this house.

A Dream Come TrueWhere stories live. Discover now