KABANATA 2

7 2 8
                                    

Open Party

Ang bilis ng panahon, parang dati lang wala pa akong masyadong kaibigan dito pero ngayon ka-close ko na mga classmates ko.

"psstt sab"

"Bakit? Nagtataka akong lumingon kay Mira"sama ka sa 'min sa Sabado may open party." Aya niya sa 'kin "Pwede ba yung 18 below doon?" takang tanong ko, di pa nga kami pwede mag bar kasi di pa kami nag 18.

"Open party naman yun kaya pwede. Sama ka na, promise di ka namin pababayaan and mage-enjoy ka" kumbinsi niya sa akin.

"Titingnan ko muna kung may gagawin pa ko." Napasimangot siya sa sagot ko.

"Wala namang masyadong pinapagawa 'yung mga prof tsaka sabado naman yun. Please..." nag puppy eyes pa siya sa'kin.

Napabuntong hininga nalang ako, ang kulit kasi n'ya. Pero may point naman s'ya walang masyadong pinapagawa 'yung mga prof namin so hindi ako busy.

"Sasama na ko, sa boys na ko sasabay papunta" She looks satisfied and happy at my answer.

"Promise di ka magsisisi" she winked at me and left.

"Sabay ka daw sa amin sa sabado?" tanong ni Seth

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla bigla nalang kasi sumusulpot kabute ka gurl?

"Oo sunduin niyo nalang ako sa condo... pwede naman kasi magtanong ng hindi nang gugulat diba" singhal ko sa kaniya

"Chill bruhh"

Pinaalis ko na siya, palagi siya nalang biglang sumusulpot, ang sarap sapakin.

Break time na, sa boys muna ako sasabay.

"Tara na" pagaaya sa akin ni Damon

"Papunta na po"

May baon ako ngayon, I cooked rice,bacon and nuggets, ilang mantika din yung tumalsik sa'kin habang niluluto ko yan.

Tumingin ako sa pila, malapit na sila maka-order. Hinintay ko muna sila bago ako kumain.

"Ang sarap naman ng baon mo pwede humingi?"

Alam ko na agad kung sino yun, the one and only Oliver August Del Rosario.

Binigyan ko silang tatlo ng tig-iisang nuggets. It's unfair naman kung isa lang bibigyan ko, kaya minsan dinadamihan ko ulam ko kase alam kong manghihingi sila.

"Sab diba sasama ka sa open party" tanong sa'kin ni Damon "yeah..." sagot ko "Babantayan ka namin" biglang sumeryoso si Oli.

"Don't worry guys, di naman ako iinom ng marami."

"Babantayan ka pa rin ni... Seth" natatawa niyang sabi

"Bat ako? Ikaw nag sabi na babantayan si Sab edi ikaw magbantay" sagot ni Seth

"Guys, I'm perfectly fine kung walang nagbabantay sa'kin nandyan naman sila Mira. Just enjoy the party don't mind me" sabi ko sa kanila.

"Basta huwag kang lalayo" concern is evident in Damon's voice.

I just rolled my eyes at Damon."Yes po mga kuya, huwag kayong mag alala didikit na lang ako kay Mira" sarkastiko kong sabi sa kanila.

They just nodded and changed the topic.

I appreciate their concern , nagbibiro lang ako na kunyari ayaw ko but I really appreciate it. They're like a big brother to me.

******

Pagkauwi ko sa condo naabutan ko si Bliss na seryosong gumagawa ng assignment. Di niya nga napansin ang pagdating ko masyado s'yang focus sa ginagawa.

A Dream Come TrueWhere stories live. Discover now