IV

3 1 0
                                    

Wala ako sa sariing napatulala sa papel na nasa table ko. Hindi alam ang isusulat at nawawalan ng gana.

“Ano pa kaya ang magandang proposal?” tinaas ko ang paningin atsinalubong ang nakangiting mata ni Arvan. Oo nga pala, gagawa kami ng proposal saschool para saisang subject.

“a place to sleep?” pang aasar nya.
“Activity” komento ko at agad naman syang napaisip. Naubos ang oras naming kung anong activity yung pwedeng I offer sa school.

“Sabay na tayo” lapit sa amin ni Arvan. Right, inaya nga pala ito na lagi na sa amin sasabay tuwing break time. Nakasunod naman sya sa amin. Hindi kasi naming kaklase si Lena kaya samin sya ni Shak sumasama.

“Pabor  na pabor sa kanya yung offer ni Lena” bulong ni shak. Napairap naman ako sa pinahihiwatig nya.She just chuckled to my response. unfortunately, absent si wyea kaya kulang kami. May problema na naman siguro sa kanila.

“bakit ba wala kang gana ngayon, celly? ang tamlay mo” Sinilip ko si Lena at Arvan sa unahan.Nakapatong kasi ang ulo ko sa lamesa. Magkatabi si Lena at Arvan sa unahan ko at si Shak naman ang katabi ko.

kita ko ang pag aalala ni Arvan. Palihim akong napairap at dumapo ang mata sa katabi ko nabusy sa mga pagkain. One reason kung bakit hindi tinataboy ni Shak si Lena kahit ayaw nya ditto ay dahil marami itong binibigay na pagkain sa amin. ewan ko ba si Shak, mapera naman sya pero gusto nya laginh libre.

“Wala akong gana lena. Clinic lang ako” tumayo ako at tiningnan si Shak. tinaasan lang ako nito ng kilay.

“okay ka lang? Samahan na kita” biglang napatayo si Arvan kaya kinabahan ako. Nakita ko ang paghawak ni Lena sa braso ni Arvan.

“Hindi, wag na Arvan. Hindi naman kita kailangan. Tutulog lang ako doon” nakita ko ang pahagyang pagkagulat ni Lena sa sinabi ko at ang sakit na gumuhit sa mukha ni Arvan.

Im sorry Arvan, but Im not comfortable around you.

“O-Okay” matamlay itong na paupo.

Hinigit ko si Shak at hiniyaan naman nya akong higitan sya. Bago kami makaalis sa table ay nasulyapan ko ang malawak na ngisi ni Lena sapagkat maiiwan silang dalawa ni Arvan doon.

“Bye!” malawak ang ngiti at masiglang kumaway sa amin.

“Laki ng problema mo kay Arvan ah” natatwang saad ni Shak habang naglalakad kami sa pasilyo.

“Tsk.Palagi kasing nakabuntot sa akin. Sakae wan ko!” naiinis kong sabi. Natawa lamang si Shak.

“Kasi nagbibigay motibo? Eh ano naman, edi agawan kayo ni lena” napairap ako sa sinabi nya.

“Hindi pa naman kasi kami close, tapos ganon na sya maka akto. and he is not part of our group pero pirme at komportable syang umupo sa atin. Saling pusa” Shak laughed at me.

“Ang sama ng ugali mo! Inaya kaya sya ni  Lena” tumango lamang ako.

“Hindi sya ang tipo ni Lena. Si Vior ang tipo nun” saad ko sa kanya na kinibit-balikat nya lang.

“Hindi natin alam, malandi ang isang iyon” inirapan ko sya sa sinabi nya. Plastic talaga nya kay Lena.

Napamulat ako ng mata at agad bumungad sa aking nakakasilaw na sinag ng araw.
Nananaginip na naman ako.
Nakaupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Bumaba ang mga mata ko sa kamay ko. I’m wearing a school uniform na ngayon ko lang nakita.

“Hi” napalingon ako sa nagsalita at nagulat ng Makita na naman sya.Magkatabi pala kami sa ilalim ng puno. Tulad nya ay may suot din syang school uniform na terno sa akin.

“This is the uniform of one of the prestisge school in Japan” tumingin ako sa kanya nagtataka.

“Hmm, kaya tuwing makikita tayo sa panaginip ko iyan ang suot mo” saad nya na nakangiti. tinaasan ko sya ng kilay.Nakokontrol nya ang lugar na ito?

“Panaginip mo?” tanong ko pero hindi nya ako pinansin. Nakatingin sya sa kawalan at nakahawak sa baba, nagiisip. Mula sa kinauupuan ko ay mas nakikita ko kung paano nadepina ang panga nya at perpektong hugis nito. Kumalabog ang puso ko at napatulala sa kanya. Nagulanta ako ng harapin nya ako at ituro.

“Alam ko na,ikawsi Yssabella. Yun na lang ang pangalanmo”

Yssabella? Nababaliw na ba sya? iniisip nya ba na isa lang ako sa mga panaginip nya at imahinasyon. tiningnan ko sya,namamangha.

“Hindi iyon ang pangalan ko. May sarili akong pangalan” hindi naman sya makapaniwalang tumingin sa akin.

“At hindi mo ako imahinasyon, ikaw ang nasa panaginip ko.
Trespasser!” dinuro ko sya na kinalaki ng mata nya.

“Oh?”

“Cellina Marie Careillion ang pangalan ko at hindi Yssabella” mas dinuro ko sya kaya napa atras sya ng konti.

“Nasa panaginip mo’ko? Kung ganon, kaya mo rin ba kontrolin meron ditto?” tanong nya na kinataka ko. Binaba ko ang hintuturo ko.

“Katulad nung uniporme,ako nakaisip nyan” pagpapatuloy nya.
hindi ko alam kung paano nya iyon nagawa kaya napatingin lang ako sa kanya.

“Tignan mo. Nagagawa kong kontrolin ang meron ditto kahit papaano,pero ikaw hindi” binigyan nya ako na nakakainis na ngisi.

“imahinasyon lang kita. you only exist in my dreams” saad nya nang kinailing ko.

“Totoo akong tao, ikaw ang hindi totoo” pagtatanggol ko sa sarili.

“Totoo ako” pang aasar nya. inirapan ko naman sya.

“Kung totoo kang tao, anong pangalan mo, ha?” umiwas sya ng tingin at medyo kinabahan.

“S-Sandy?”

“Oh, hindi ka sigurado!anong apelyido mo?”pang uusisa ko at mas lalo syag hindi makatingin parang hindi alam kung sasabihin nya ba or hindi.

Pagkamalan nya pa akong hindi tao, eh ano ako? Hayop? Tinry ko kontrolin ang lugar tulad ng pagkontrol nya sa damit naming, ngunit parang hindi nga sa akin itong panaginip. sa totoo lang hindi koalam kung Im capableof dreaming kasi wala naman akong naaalala na nanaginip ako, itong lugar palang ito ang naaalala ko.
hindi sya makasagot kaya tumaas ang kilay ko.

“Oo na, oo na! totoong tao kana. hindi mo na kailangan malaman apelyido ko” pagsuko nya.

“Kasi imagination lang kita?na hindi ka naman talaga totoo?”

“Hindi no! Totoong tao ako. Ako nga si sandy, diba. ayoko lang sabihin sayo buong pangalan ko, baka i-search mo pa ako eh” depensa nya.

Bakit sikat ba sya? Yabang naman nya! Wala akong pake kung sikat sya no.

“Pero panaginip ko’to, matagal ko na nakikita ang lugar na ito sa panaginip ko at nito ko lang ikaw nakita” wala naman akong imik sa sinabi nya.

“Trespasser!” nagulat ako sa sinabi nya at dinuro nya ako.

“Hindi no!” hinawi ko ang daliri nya. Ako pa nasabihan, hmmft. inis akong napabuntog hininga.

“m-malay mo, parehas lang tayo ng panaginip. p-parehas lang yung lugar” depensa ko.

“Huh? pwede ba yun?”

“E-ewan. malay m-mo lang” saad ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nasa panaginip nya at napapanaginipan sya. Basta ang mahalaga ngayon, kilala kona sya at hindi ko sya imahinasyon o gawa gawa lang ng utak ko kasi totoong tao sya! We met in dreams!

PoppyWhere stories live. Discover now