Chapter 2

13 3 0
                                    

CHAPTER 2

NO OTHER (WALANG IBA)

WRITTEN BY: KIMSGENS
-

Hazel POV

"Wait lang kuya, h'wag mo kunin lahat ng sahod ko." Pag-aagaw ko sa kuya ko ng pera ko. Ganito sya lagi tuwing sahod ko. Tuwing sahod ko din sya umuuwi para kunin ang kalahati ng sahod ko para sa bisyo nya. Hindi na lang kasi sya magtrabaho. Bwisit talaga 4k lang sahod ko sa pagiging janitress ko tapos kukunin nya pa ang kalahati pina-paral ko pa sila Hailey at Joshua, pano na yung baon nila? Putragis talaga oh.

Kinuha na ni kuya ang 2k sa sahod ko at umalis na. Hindi ko nanaman mapatigil yung iyak ko napapahagulgol nalang ako. Pinuntahan naman ako ni Hailey para yakapin at nakita kong umiiyak din sya. "Bakit ba ganon si kuya Jefferson ate? Lage ka nya nalang sinasaktan." At hagulgol nito.

"Tama na ang dramahan papasok kapa, maligo kana." Sabi ko at punas sa mga mata kong lumuluha.

Ako na ang naghahatid kay Hailey dahil 9am-12nn lang naman ang pasok nya at si Joshua naman ang susundo sakanya dahil pang-umaga ang pasok ni Joshua.

Pagkatapos ko ihatid si Hailey diretsyo pasok na din ako sa trabaho ko.

Pagpunta ko sa may locker ko kinuha ko na ang uniform ko at nag palit sa CR. Kulay brown at parang polo ang uniform namin at ang pantalon naman kaparehas lang din sa kulay ng polo.

Pagkatapos kinuha ko na ang cart at nag libot-libot na ako sa mall para maglinis.

Ewan ko sa mga tao na 'to kakain nalang ng ice cream tumutulo pa, kaya sinusundan ko ang dalawang bata at ang mga magulang nila. Para linisan ang mga tumutulo nilang fucking ice cream.

Puta, nahihirapan na ako ah sa pagmomop ha. Kaya hindi ko na sila sinundan at itinuon ko ang pagmomop ko sa ibang direction.

Nandito ako sa malapit sa escelator ng mall para kunin din ang mga basura. Nang may mga tao na paakyat sa floor at may nakita akong lalake na mumukhaan ko. Hindi nga ako nagkamali bakit nandito din 'tong kupal na lalake na 'to naka shades pa talaga sya e, hindi naman maiinit dito sa mall.

Habang umaakyat sya tumalikod ako baka singilin ako nito ako dahil  kagabi.

Tumingin ako sa likod para tignan king wala na ba sya. Bumalik ako sa paglalagay ng plastik sa basurahan. Nang may narinig akong boses galing sa likuran ko. "Dito ka pala nag tratrabaho." Aniya.

Bwisit. "Hindi ko pa sahod ngayon, wala akong pang-ibabayad sayo sa nangyare  kagabi." Sabi ko. Sa gulat ko sa kanya ayan ang nasabi ko. Tumawa lang sya.

"Tyaka mo na ako bayadan pagsahod mo na." Aniya.

Wtf? Ha? Hindi ko naman ginusto na bilhan nya ako ng mga pagkain sa Jollibee yawa.

"Sorry pero.. pinagbabawalan sa trabaho namin na makipagdaldalan sa oras ng trabaho." Sabi ko at iniwanan ko na sya.

Pumunta naman ako sa 2nd floor ng mall kung saan nandito ang mga restaurant ganon padin ginagawa ko nag momop.

Ewan ko ba ngayon hindi naman linggo pero ang daming tao. Hindi pa natutuyo yung pinagmomopan ko tinatapakan ulit nila kaya putik nanaman. Nag labas na ako ng wet sign para knows na nila na basa yung lugar na'yun.

Nag straight body ako at inunat ang katawan ko feeling ko kase makukuba na ako sakaka mop at sumandal muna sa barricades.

At nakita ko nanaman 'tong lalake na'to tinawag nya ako ng "psst" at lumingon naman ako na uto-uto.

No Other (Walang Iba) Where stories live. Discover now