Chapter 5

10 2 0
                                    

CHAPTER 5

NO OTHER (WALANG IBA)

WRITTEN BY: KIMSGENS

Hazel Zalde POV

Halos dalawang buwan nadin pala ang nakakalipas nung magsimula akong nagtrabaho sa Mouse Rabbit.

Sa dalawang buwan naka 24k na agad ang nakukuha kong sahod dun, ang hindi alam ng kuya ko na 12k ang nakukuha kong sahod sa isang buwan, ang alam n'ya lang ganun padin ang sahod ko, kaya 1k padin ang hinihingi n'ya sakin para sa bisyo n'ya. Mas ok na ang ganito.

"Hoy! Hazel nakatulala ka nanaman d'yan." Sabi ni Donna at hawak n'ya sa balikat ko, si Donna nga pala s'ya ang sinasabi ko na friendly, kaya ngayon close na kami, pwera lang dun sa babaeng panget na ang sama sama ng tingin sakin, hanggang ngayon ganun padin ang tingin n'ya sakin kala mo naman maganda.

"Ha, wala may iniisip lang ako." Sabi ko. "Alam mo Hazel, simula nung pumasok ka dito laging nandito nadin si Sir." Sabi n'ya. "Huh? Bakit hindi ba s'ya laging pumupunta dito?" Sabi ko. "Sa isang week kase isa o sa dalawang araw lang s'ya pumunta dito, ngayon naman 4days na sa isang week." Aniya. Wala naman akong pake d'yan sa lalake nayan. "Baka binabantayan lang 'tong shop?" Sabi ko. "Baka nga." Aniya, at tumingin sakin. Ano nanaman bakit nanaman s'ya nakatingin sakin? "Alam mo Hazel, pwede ka maging artista sa ganda mo na yan, nagtratrabaho ka lang sa isang coffe shop." Aniya. "Ok na ako dito sa trabaho ko, at ayoko maging artista hindi ako marunong umarte." Sabi ko. "Stan mo na lang ang SUPER JUNIOR, mga pogi at talented 'yung mga 'yun, lalo na si Oppa SiWon ang pogi pogi n'ya tapos si Kibum, Donghae, Heechul ah, basta lahat sila ang popogi nila lalong-lalo na si ShinDong Oppa napaka talented n'ya" Aniya, ayan nanaman s'ya sa pag fafangirl n'ya, baliw na baliw talaga s'ya sa Super Junior na 'yan.

Nakita ko si Sir David na palapit dito, kaya sinabihan ko si Donna na pupunta lang ako sa cr, for sure guguluhin lang ulit ako netong kumag na 'yan, kada punta n'ya dito lagi n'ya akong ginugulo. Wala pa naman ngayon si Israel dito nasa school.

"Hoy, san ka pupunta?" Sabi n'ya. Sasagutin ko ba 'tong kupal na 'to? Hays.. bahala na nga.

"Pupunta lang ako sa cr, sama ka?" Biro ko, at tumawa.

Bwisit 'tong lalake na 'to, sumunod talaga. "Wait lang Sir, bakit sumunod ka talaga?" Sabi ko. "May sasabihin ako, Boyfriend mo ba yung lalake na nagtratrabaho dito?" Aniya. Mukha ko bang boyfriend 'yun si Israel? Hindi sa pagtatanggi, pogi din naman si Israel. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya. "Hindi po Sir, Kaibigan ko lang s'ya." Sabi ko,

"Eh, bakit kung kumilos kayo daig n'yo pa ang magkasintahan." Sabi n'ya, huh? Normal lang naman yung pinaggagawa namin ni Israel. "Teka, bakit mo ba 'yan tinatanong?" Sabi ko. "Bawal mag trabaho ang magkasintahan dito." Sabi n'ya, may rules din pala dito sa shop, na bawal maging magkasintahan ang magktrabaho. Daming alam, eh, si Israel lang naman yung lalake dito, pa'no ako magkakajowa dito? Atsaka nakafocus lang ako sa mga kapatid ko.

Gabi na dumating si Israel dito sa shop, hindi ko alam kung bakit pa s'ya pumunta dito eh, day off n'ya naman.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Susunduin ka." Aniya, dami namang alam nito, may pa sundo sundo pang nalalaman, at hinawakan n'ya naman ang dalawa kong pisnge.

"Nag abala ka pa, eh kaya ko naman umuwi mag-isa." Sabi ko. "Ang sweet naman ni Israel." Singit ni Donna, "Sana all, may nagsusundo." Sabi nya,  anong sweet don sa pagsundo n'ya? "Aish! Tumigil  ka nga d'yan Donna." Sabi ko, tinignan ko naman si Israel at nakangiti lang ito. "Teka lang, magpapalit na ako." Sabi ko, at pumunta na ako sa cr.

Pagkatapos ko mag palit, lumbas na ako, nakita ko naman si  David na naka upo sa lamesa, tinignan ko lang  s'ya. Tsk! Porket s'ya yung boss dito inuupuan n'ya na yung lamesa na pinupunasan ko araw-araw.

Nilapitan ko na si Israel nang magsalita naman si David, ayaw ko talaga s'yang tawagin na boss or sir, remember pinatanggal n'ya ako sa trabaho ko sa mall.

"Umamin nga kayo, kayo ba?" David.

Niyakap ko si Israel at sabi nang "Magkaibigan nga lang kami, kanina mo pa 'yan tinatanong. Ulet ulet?" Sabi ko na parang hindi s'ya yung nagpapasahod sa'kin.

"Sir. Magkaibigan lang po talaga kami ni Hazel simula pagkabata." Sabi ni Israel.

Hinila ko na si Israel palabas nang shop "Dalian mo Israel hinihintay na ako ng mga kapatid ko." Sabi ko.

Ang tagal namin naghintay ni Israel ng Jeep hanggang ngayon wala pading mga space na upuan ang dumadaan. "Bakit puro punuan ang mga jeep? Hayssss. Sumasakit na yung mga binti ko sa kakatayo." Sabi ko. "Mag Taxi na lang tayo?" sabi ni Israel. Wow, richkid. May pa taxi pang nalalaman."Ayoko, hindi ako sanay sa mga de-aircon na vehicle, gusto mo ako magsuka?" Sabi ko.

May kostye na kulay black Audi ang brand. Yawa. Ito nanaman yung boss namin na insecure samin ni Israel, pinunta n'ya ang kotsye n'ya sa tapat namin at binababa ang salamin at sabi na "Hatid ko na kayo." Sabi n'ya. "Talaga po Sir." Sabi ni Israel na tuwang tuwa, perstaym makasakay sa Audi? "Ayoko." Sabi ko at nag cross arm. "Hay, halika na dito Hazel." Sabi n'ya at hinatak ako papasok sa kotsye. "Thank you nga po pala Sir." Sabi ni Israel. Hindi pa nga pala alam ni Israel na si David yung nag patanggal sakin sa trabaho ko sa mall.

Srsly yung nagpapasahod samin ni Israel yung nag dra-drive samin pauwi, mukha s'yang poging driver. Ayan ka nanaman Hazel.

"Ang tahimik mo na talaga Hazel,
Hindi kana tulad nang dati." Sabi sabi ni Israel. Ogags ba 'to pa'no ako magdadaldal e, nahihilo talaga ako sa mga de-aircon na mga vehicle, hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

"Wait lang, buksan mo yung bintana." sabi ko, feeling ko masusuka na ako, at agad naman ito binuksan ni Israel. "Bakit, Nasusuka ka?" Sabi n'ya, tumingin naman si David samin. "Anong problema?" Sabi ni David, "WALA!" Sabi ko, "Hehehe, Sir hindi po kasi sanay si Hazel sa mga vehicle na de-aircon." Sabi ni Israel. "Really? But last time nakasakay na s'ya dito, hindi naman s'ya nahihilo." Sabi ni David. "Ha, Ano po Sir? Si Hazel nakasakay na dito?" Sabi ni Israel.

"Diba magkaibigan kayo, dapat sinabi n'ya sayo 'yun." Sabi ni David at ngumisi, yawa yung dimple n'ya lumabas, kitang kita ko sa salamin. Sa totoo lang acttractive ako sa mga tao na may dimple.

Nilabas ko na yung ulo ko sa salamin at nag suka, tatlong beses ako nag duwal, hindi manlang hininto yung kostye, baliw talaga 'to.

Si Israel naman hinihimas himas yung likod ko, inabutan naman ni David nang tubig si Irael para ipainom sakin.

"Sir. David bababa nalang kami dito ni Hazel, malapit na rin naman yung bahay namin dito. Nahihilo talaga s'ya sa aircon." Sabi ni Israel, tinabi naman ni David sa may gater yung kotsye n'ya. Nauna nang bumaba si Israel at si David din bumaba? Pinagbuksan ako ng pinto ni Israel at pinaakbay n'ya yung kamay ko sakanya, nakita ko naman si David na nakatingin samin.

Naka-akbay padin ako kay Israel hanggang sa makarating kami sa bahay ko, tinitignan kami ng mga tao nung naglalakad kami at nagbubulungan sila. Ewan ko sa mga tao na 'yun kung ano man ang inisiip nila, ang mahalaga nandito na ako sa bahay, makakasama ko na yung mga kapatid ko.

"Sabay tayo pasok bukas ah, Hazel." Sabi ni Israel. "Sira ulo kaba? Day off mo padin bukas." Sabi ko. "I mean, diba papasok ako sa school bukas, then ikaw naman papasok sa shop, kaya sabay na tayo pumasok bukas." Aniya at hinawakan ang magkabilaan kong balikat at niyugyog n'ya ito. "Oo na, alam mong nahihilo ako bakit mo ako niyugyog?" Sabi ko, sabay pektus sakanya. "Baka kase hindi ka pumayag." Aniya, at hawak nanaman sa kabilaan kong pisnge. Ewan ko dito sa lalake na 'to napakamanhid, ni hindi man lang umaaray pag sinasaktan ko.

No Other (Walang Iba) Where stories live. Discover now