Prologue

76 19 4
                                    

Note: That picture is not mine. Ctto.

Isang oras na kaming nag memeeting kasama ang Medical Center Chief ng San Antonio Medical Center. I'm not a medical staff. Admin staff ako sa hospital. Pinaguusapan ngayon ang stratehiyang gagawin patungkol sa Pandemic.

Wala pa namang positive patient dito sa Bayan ng San Antonio pero mas mabuti ng handa kaysa sa magpanic ang lahat at mas lumala ang sitwasyon.

Isang taon na akong nagtatarabaho dito sa Administrative Office. Ang sabi ng iba ay swerte nga daw ako dahil pagkatapos kong mag graduate ay nakakuha agad ako ng permanenteng posisyon sa gobyerno. Business Management ang course ko. Pero dahil sa pagpasa ko ng Civil Service ay nakapag apply ako dito sa hospital.

"We need to secure the other patient's safety Sir." pilit na pagpapaintindi ng head nurse.

"I can see your point Mrs. Terol. Pero sa ngayon na hindi pa dumadating ang fund para sa Quarantine building. We'll vacate the 4th floor of the other building. Doon muna natin iaadmit ang mga (Person under Monitoring- PUMs and Person under Investigation- PUIs na pasyente"  Pag ulit niyang sagot sa head nurse.

Dismayado si Mrs. Terol sa desisyon ng Medical Center Chief. halos tatlong araw na rin kasi ang nakalipas noong inannounce ng DOH Central office ang unang nag positive sa Corona Virus. Bali-Balita na rin na pwedeng isailalim ang bansa sa Lockdown, kagaya ng ibang bansa na may positive cases.

Madami ding naagppanic buying. Nag-aalala na rin ako sa pamilya ko sa kabilang bayan. Halos apat na oras din kasi ang layo ng San Andres dito kaya umuupa ako. Kaisa-isa akong anak na babae sa apat na magkakapatid. Pareho Civil Engineer ang dalawang kuya ko, habang teacher naman ang isa ko pang kuya.

Ako lang ang nagtrabaho sa labas ng bayan namin. Dahil na rin ito lang ang malaking Hospital sa Bicol at dito din ako dinadala ng puso ko.

"mauna na ako rain, ingat ka pag uwi" pagpaalam ni Kiko. Katrabaho ko. Gaya ng ibang Government agency, Alas cinco din ang uwi namin maliban sa medical staff na may rounds.

binigyan ko siya ng tipid na ngiti at tumango. Mamaya pa akong 6:00 uuwi dahil nag apply ako ng flexi. Iba sa normal na pasok ng office na 8 am. ay 9:00 ako pumapasok at 6:00 naman umuuwi.

Palagi kasi akong nalelate pag umaga. Huwag kayong mabibigla kung sabihin ko sainyong ang inuupahan ko ay malapit lang dito sa hopital ha? tulog mantika kasi ako. Mabuti na lang ay mabait ang head ko.

Hinintay ko si Persues. Boyfriend ko. 6:00 din kasi ang labas niya, Tatlong taon na din siyang Medtech dito. Dalawang taon ang agwat namin.

Pareho kaming taga San Andres. Halos mag lilimang taon na din kaming magkarelasyon. Nung una, Nasuntok pa si Persues ni Kuya Mikee ang panganay kong kapatid noong nagpaalam kami kila mommy at daddy na titira kami sa isang bubong dito sa San Antonio. Pero dahil na rin may tiwala ang magulang ko kay Persues ay walang nagawa ang mga kapatid ko.

"Hon, sorry medyo natagalan ako." Hinimas niya ang kaniyang batok habang hawak-hawak ang kanyang bagpack.

"Tara?" dagdag niya.

Bago kami umuwi ng apartment. Nag withdraw muna kami dahil na rin pumasok na ang sahod. Pupunta kami ngayon ng Mall para mag grocery.

Madami dami ding tao. nagpapanic buying na ata dahil sa bali-balitang Mag aannounce ng Lockdown ang Presidente. halos nagkakaubusan na rin kasi ang mga de lata. Kaya madami dami na din tuloy kaming binili at baka nga magkaubusan ng stock.

Natagalan kami sa grocery bago makauwi ng apartment. Nang nakapag bihis kami pareho ay nagluto na si Persues. I don't know how to cook. Maswerte talaga ako dahil talagang masipag ang boyfriend ko dahil na rin parehong magulang niya ay OFW kaya mag-isa lang siya mula noong nagkolehiyo ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lockdown Pag-ibig (Coming Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon