Kabanata Isa

18 0 0
                                    


Hmmm ambango ng mga bulaklak dito sa hardin ng mga Flores at ang ganda ng tanawin kitang kita ang karagatan nakakatuwa at ako ang napili na manilbihan sa kanila

"Mayari! Ano ba ang ginagawa mo dyan? Halika dito at ipapakilala kita kay Sir. Flores at sa kanyang anak para makilala mo ang iyong tuturuan." sigaw sa akin ni mama, grabe naman to si mama di man lang pinafeel sa akin yung lugar feel na feel ko na eh lakas maka panahon ng Español mga datingan dito feeling ko ako si Carme—

"Aray naman po mama! Bat nananabunot?"

"Aba! Ineng kanina pa kita tinatawag baka akala mo nakikipagbiruan ako sayo!? Sya sige! Pumaroon ka at maya maya lamang ay dadating na ang anak ni Sir Flores umayos ka Mayuri ah." Banta ni mama sakin

"Opo, ilang taon na ba ang tuturuan ko mama? Six? Fourteen?"

"Ang dami mong tanong Mayi! Tatampalin ko yang bunganga mo kita mong nag aayos ako dito ng mga paso eh pag ako nabagsakan makakatikim ka talaga sakin." Grabe talaga si mama rapper ng taon eh laban na laban lagi.

Nakanguso ako umupo sa hagdan ng mga Flores grabe ang ganda talaga dito. Biglang bumukas ang gate kaya napatayo ako at sinenyasan naman ako ni mama na mag behave ako grabe sa behave mama mukha akong bata gusto ko sabihin yon kay mama kaso nakababa na ang sakay ng sasakyan.

"Magandang hapon po Sir Flores." Bati ni mama napatingin naman sa akin si mama tumakbo ako papunta sa tabi niya at ginaya siya

"Magandang hapon po Sir Flores!" Masiglang bati ko dito namay sobrang lawak na ngiti sa aking labi, ngumiti din ito sa akin at bumati pabalik

"Magandang hapon din Hanan at Mayi. Ang laki mo na Mayi parang dati lang ay nag lalaro ka pa ng putik habang nag aayos ng hardin namin ang magulang mo." Natatawang sabi nito ang gwapo parin ni Sir Flores kahit matanda na siya pero ANO DAAAW!? ako? Nag lalaro ng putik hala! kadiri naman yon!

"Sya nga pala Hanan si Mayi ba ang sinasabi mo na mag tuturo kay Adrian?" Napatango naman kami pareho ni mama sa sinabi ng matandang Flores

"Ano pa ang inaantay niyo ?halika na pumasok na kayo."

Pumasok kami sa loob ng bahay nila at duon ko nakita ang isang lalaki na may mala adonis ang katawan at mukha, hala koya pasukan mo ko ay joke dalagang pilipina ka self kalma kalma, paalalahan ko lang sarili ko ang rupok ko eh hahahaha

"Adrian!" Sigaw ng Nakakatandang Flores

"Bakit pa? Can I have my keys now?" Ay kiss daw lika dito ako nalang mag kikiss sayo

"No. You didn't maintain your grades and we have a deal Adrian." Grabe naman yon di lang na maintain yung grades wala na agad kiss bad naman pala ni Tandang Flores hmp! Di na siya gwapo sa paningin ko ayaw niya ikiss si Adrian

"By the way Adrian this is Mayari siya ang mag tuturo sayo." Halaaaaa!!! Siya yung tuturuan ko? Kiss ba tuturo ko sa kanya? Hmm pwede naman hihi.

"Hi Adonis! Ako si Mayari, Mayi for short ako ang mag tuturo sayo." Napatanga ito habang nakatingin sa akin kumunot ang noo nito.

"Anong Adonis?" Parang nababanas na tingin nito sa akin halaa Adonis ba sabi ko? Sabi ko Adrian diba?

"Wala akong sinasabi na Adonis! Adrian ang sinabi ko bingi ka ba?" Tumingin ito sa akin na parang di makapaniwala.

"Adrian ilibot mo si Mayari matagal tagal narin siyang di nakakapunta dito." Sabi ni Sir Flores

"Nakoo! Wag na po duon nalang ho ako sa may tabing dagat mag lalakad lakad lang po ako." Pag dadahilan ko dahil malapit na ang pag lubog ng araw "Samahan na kita Mayi." Nanlalaki ang mata na tumingin ako kay Adrian hala sure ba siya?

Lumabas kami ng bahay nila habang naglalakad bigla itong nag salita "Mayari goddess of moon in Philippine deity, ang baho naman ng pangalan mo makaluma." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya

"Eh ano naman!? Sinabi ko bang amoyin mo pangalan ko? Eh ikaw nga ang tanda tanda mo na nag papa tutor ka pa  ganyan ba talaga pag laking maynila? Kung ganyan lang din naman pala ang ugali mo turuan mo sarili mo hmp! Bahala ka nga dyan! Kaya ayaw ka bigyan ng kiss ng papa mo eh kase ampanget ng ugali mo!" Sigaw ko dito at tumakbo na ako papalayo.

______________________________________________________________

I hope na di kayo na bored peace out!

Our last danceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon