Kahit gulat pa'y hinabol ni Adrian si Mayari, Damn that girl ang bilis tumakbo kaya't hinabol ko ito nung nasa wisyo na ako
"ARAY! Napakasama mo talaga!" Irap nito sakin pano ba naman kase nasabunutan ko
"Anong sabi mo?"
"Napasama!"
"Hindi yan, yung isa pa yung bago ka tumakbo."
"Alin ba don? Ang haba haba ng sinabi ko kanina malay ko ba kung matatandaan ko yon." Irap na naman sa akin nito, napansin kong natigilan siya habang nakatingin sa likod kaya lumingon ako. Si Ivan pala kaibigan ko.
"Buddy! Shot tayo mamaya? Sa club nila Warren." Sigaw nito sa akin
"Sige lang tol kasama ba sila Erica?" Sagot ko dito ng mag kalapit na kame pag kalingon ko kay Mayari nakatulala parin ito tss parang tanga naman to kay Ivan pa talaga natulala halata naman na mas gwapo ako kay Ivan.
"Oo, kasama niya rin mga kaibigan niya nabalitaan din daw kase nila na pinatapon ka dito." Sumimpleng tingin ito sa likod ko sabay ngumisi "Pare si Mayari ba yan? Ang ganda niya parin pala walang pag babago, para parin siyang dyosa." Napakunot noo ako sa sinabi nito
"Paano mo nakilala si Mayari?"
"Ka schoolmate natin yan bago tayo lumipat sa maynila."
"Bat di ko siya naaalala?"
"Ewan ko sayo." Nilampasan ako neto at lumapit kay Mayari "Mayari! Natatandaan mo pa ba ako?" At bigla pa yumakap ang gunggong kay mayari tss "A-ah O-oo naman." Nauutal naman na sagot ni Mayari "Sama ka mamaya? Mag party tayo minsan lang to! Sama ka na." "H-ha? S-sige." Nangingiting sabi ni Mayari kahit na nauutal pa, parang kanina lang ang sungit ng babaeng to sakin tas pag dating kay Ivan ang ganda ng ngiti! Teka anong maganda? Si Mayari maganda? Never! Tss
"Sige, sabi mo yan ah aasahan kita don, sige pre una na ako."
"Sige pre ingat." Naiinis na tumingin ako kay Mayari but my anger faded when I saw her smiling like an idiot dam this girl she's so gorgeous when she's smiling
"Ang ganda mo pag naka ngiti." Biglang nawala ang ngiti nito at inirapan ako.
Halaaaaa!!! Si Ivan ba talaga yon? Ang gwapo niya I kennat ang gwapo niya parin mula noon hanggang ngayon.
"Hoy Mayari! Sobra ka na ah pag kay Ivan nakangiti ka pero pag dating sa akin nakasimangot ka kung di naka simangot naka irap." Mahabang nguso na sabi ni Adrian "ewan ko sayo! Di naman tayo close bat kita ngingitian?"
"Bakit si Ivan? Close din ba kayo? Siguro crush mo si Ivan noh?" Halaa ayan na nga ba ang sinasabi ko binato ko kay Adrian ang hawak ko na sapatos at tumakbo ulit.
Nalaman ni Adrian na may gusto ako sa kaibigan niya, anong gagawin ko?
Habol ang hininga na tumigil ako sa pag takbo pag tingin ko sa dagat lumulubog na ang araw siguro di na ako mag aayos para sa party tutal naka dress naman ako siguro kukunin ko nalang kay Adrian ang sapatos ko.Habang pinapanood ko ang pag lubog ng araw naramdaman kong may tumigil sa tabi ko alam ko na agad kung sino ito base sa kanyang pabango "ang bilis mo pala tumakbo Mayari. Pwede ka na sa track and field." Di ko siya pinansin nakatingin lamang ako sa malungkot na pag lubog ng araw "HOY! Bakit ka umiiyak? Wala naman akong ginawa sayo Mayi." Huh? Ako umiiyak? Dinampi ko ang palad ko sa aking nga pisngi, oo nga umiiyak na naman ako. Di ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita ko yung sunset naluluha nalang ako bigla parang may gusto siyang ipahiwatig na di ko alam.
"Mayi, Halika na dumiretso na tayo sa party para di ka na malungkot." Yaya sa akin ni Adrian ngumiti ako dito at lumakad narin kasabay niya.
"Halika na Adrian excited na ako makita si Ivan." Kinikilig na sabi ko kay Adrian, bumuntong hininga siya at hinawakan ang pulsuhan ko sabay hatak sa akin sa sandaling yon, biglang bumagal ang paligid ko ang ngiti ni Adrian na mapang asar lamang ang aking nakikita. Mga nag liliparang paro-paro sa aking tiyan ang pag bilis ng tibok ng puso ko, bat ganto? Anong ginagawa mo sakin Adrian?
______________________________________________________________
Thank you sa mga nag babasa love you guys! <3