"Mayuri."
"Mayuri."
"MAYURI!""Ay jusmiyo ano ba!? Bat ka ba nang gugulat Adrian?" Sigaw ko sa kanya
"Anong nang gugulat kanina pa kita tinatawag, nakatulala ka kaya di mo napansin." Sigaw niya sa akin pabalik
"Sinisigawan mo ba ako?" Sigaw ko ulit sa kanya
"Anong sinisigawan? Hindi ah nag papaliwanag lang ako." Pahina ng pahina na boses nito ang cute niya kaya napabungisngis ako
"Anong tinatawa mo dyan. Bilisan mo na nga excited na ako maka home run ulit eh namimiss ko na makapasok ng kweba." Binatukan ko siya parang di ako babae at ganyan siya mag salita
"Aray bat ba namamatok ka?"
"Kung makapagsalita ka kase parang di babae kasama mo bwiset ka!" Naka nguso kong sabi
"Wag ka nga ngumuso, nakakagigil eh." Aba!
"San ka naman ng gigigil? Sa ka cutehan ko? HAHAHAHAHAHA."
"Asa ka! Nakakagigil kase mukha kang aso." Sabi niya sabay tingin sa malayo, aray ah! na offend ako don.
Hindi pa kami nakakapasok ay ang ingay na agad sa labas, excited na talaga ako! Ano kaya feeling mag sasayaw sa gitna ng maraming tao, hmm marami kayang gwapo duon? Kay Ivan lang naman ako titingin bat pa ba ako nag tatanong.
"Adrian pare! Chix mo?" Sigaw nung mga naka salubong namin
"Gago! Bat pag sinabi kong hindi popormahan mo?" Ewan ko kung bakit pero nalungkot ako sa sinabi niya seryoso ba siya? Itatanggi niya ako. Tsaka ano nga ba ang pakielam ko wala naman kaming relasyon.
"Oo sana, lakad mo ko pre." Ay bongga kung makapag usap kala mo wala ako dito tsk.
"Sorry pero date ko to eh, hanap ka nalang iba." Natatawang sabi nito sabay akbay sa akin, nanlalaki ang mata na tiningnan ko siya omg! Totoo ba?
"Kinilig ka ba? Wag kang kiligin palabas lang yon manyakis yon alangan naman ipaubaya kita duon." Bulong niya sa akin sabay tinulak ako ng bahagya para mag lakad kami ng sabay. Ang epal naman andun na eh kikiligin na ako eh minsan na nga lang kiligin mauudlot pa, napabuntong hininga ako dahil don at sumabay nalamang sa pag lalakad ni Adrian na bagsak ang balikat.
"IVAN!" Sigaw ni Adrian nung makita niya si Ivan, parang sumaya ang mundo ko ulit ng makita ko si Ivan shit! Ang landi ko. Di ko na alam kung sino ba talaga crush ko si Adrian ba or si Ivan ay wait! Si Ivan lang pala ang crush ko di kasali si Adrian kaibigan ko lang pala si Adrian, kahit hindi kaibigan tingin sa akin ng kupal na yon dahil ang tingin niya sa akin ay isang alalay niya. Who you saken yon pag yumaman ako.
"Mayari!" Tawag sa akin ni Ivan, napakalawak ng ngiti ko dahil sa pag tawag niya sa akin ang gwapo talaga ni Ivan hihi.
"Hi Ivan." Pabebeng sinabi ko syempre dalagang filipina tayo kaya kailangan mahiyain.
He chuckled "Hello mayari." Sabay ayos ng buhok kong naladlad inipit niya iyon sa likod ng tenga ko.
"Ambastos mo naman Ivan! Andito pa ako di mo man lang ako binati." Nag tatampong sinabi ni Adrian kay Ivan, tumawa naman si Ivan ay sinapak nalamang si Adrian sa dibdib, shit teka lang check ko lang baka nahulog yung panty ko dahil sa tawa ni Ivan ang gwapo niya kase habang tumatawa.
"Hanap ka na chix mo dude! Ako na bahala kay Mayari." Sabi ni Ivan sabay kindat sa akin. Tingin ko namumula na ang pisngi ko dahil sa pinagsasabi at ginagawa ni Ivan pa fall.
"Sige dude! Ikaw na bahala kay Mayari, ingatan mo yan ah. Sige na Mayi iwan muna kita kay Ivan ah." Natatawang sabi ni Adrian sabay lakad sa isang table na puno ng mga babae. Napabuntong hininga ako ano ba naman to si Adrian iniwan ako kay Ivan nahihiya ako mag salita baka ma turn off si Ivan crush ko pa naman siya.
"Mayi, labas tayo?" Yaya sa akin ni Ivan makalipas ang limang oras medyo nahihilo narin ako dahil umiinom ako ng alak pero konti konti lang
"TARAAA! Hahahahaha gusto kong sumayaw sa ilalim ng buwan." Hinatak ko si Ivan at tumatakbo kaming lumabas ng club at tumatawa. Huminto kami nung makalapit na kami sa dagat, nilagay ni Ivan ang kamay niya sa bewang ko niyakap ko ang leeg ni Ivan at ipinahinga ang ulo ko sa kanyang dibdib
"Mayari. Matagal ko ng gustong sabihin sayo to simula bata pa tayo at sa tuwing bumibisita ako dito, gustong gusto ko itanong sayo to pwede ba kitang ligawan?" Nagulat ako sa sinabi niya seryoso ba siya?
"Alam mo Ivan crush kita simula pa nung una, bat ka pa manliligaw kung pwede naman kita sagutin agad." Natatawang sabi ko
"Talaga? Ulitin mo nga ang sinabi mo Mayi." Sabi niya ng may malawak na ngiti
"Sabi ko wag ka na manligaw dahil sinasagot na agad kita. Boyfriend na kita Ivan!" Sigaw ko sa kanya natatawa siya sa akin
"Bat mo ba ako vini videohan?"
"Patunay lang para bukas. Sorry Mayi alam kong lasing ka pero mahal na mahal talaga kita." Natatawang sabi niya at hinalikan ako.
Ang saya ngunit ang bigat sa pakiramdam saksi ang buwan sa aming unang halik ni Ivan pumikit ako at dinama ang halik ni Ivan.