PROLOGUE

11 1 1
                                    

Someone's POV

Narinig ko nang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase.

Inayos ko ang mga gamit ko bago ako tuluyang lumabas ng silid.

Sinalubong pa ako ng mga kaklase ko pero tumango at tinapik ko lang sila.

Nagmamadali akong lumabas sa school dahil magbubukas pa kami nang aming tindang coffee shop.

Dahil sa pagmamadali, ay hindi ko namalayan na may mababangga pala ako pero di ko sadya.

"Sorry." paghingi ko ng paumanhin doon sa nabangga ko pero di man lang nya ako pinansin.

'Tch! Weird....'

Aalis na sana ako nung makita kong may naiwan syang notebook sa.lapag kaya kinuha ko iyon saka lumingon sa likod at nakita ko sya sa bandang malayo.

Tumakbo ako nang mabilis pero sadyang malayo na talaga sya.

Dahil doon ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa nakikita ko na malapit na ako sa kanya.

Nakita ko syang bumaba ng hagdan nung sa underground street kaya mabilis ko syang sinundan.

Pagkaliko ko ay wala na sya sa paningin ko kaya bumaba ako.

Hinanap ko sya at nahinto ako sa paglalakad dahil sa sobrang pagod at ang masklap ay umulan pa talaga.

Tumakbo ako at niyakap ang notebook nya para di ito mabasa tsaka ako naghanap ng masisilungan.

Nung makahanap ako ay mabilis akong sumilong doon saka ko pinunasan ang notebook na hawak-hawak ko.

Hinihingal akong naghantay na tumila ang ulan.

Naramdaman kong may tumabi sa kanan ko kaya nilingon ko iyon.

Nakita ko syang nagbukas ng payong at nung naangat nya iyon ay nakita ko ang bracelet sa kanyang kaliwang kamay na bahagya kong ikinagulat.

"Y-You." mahinang naiusal ko habang nakatingin parin sa pulseras nya.

Hindi ko makita ang mukha nya sapagkat natatakpan ng kanyang paying ang kaniyang mukha.

'Ang pulseras na iyon.......'

Natauhan ako nung umabante sya saka sya nakatalikod na umalis.

'Hanggang ngayon ay di parin kita makalimutan huh?'

Nanatili akong nakatayo doon at naramdaman ko nalang na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

'Hanggang ngayon ay mahal parin kita.......'

'........my little ghost.'

***

Author's Note:

Noong 2016 ko po ito nasimulang isulat sa papel dahil nakahiligan ko na ito simula pa nung bata ako.

Napansin ng ate ko ang mga gawa ko kaya ipinaubaya ko sa kanya na basahin nya iyon kaya inerecommend nya itong app na ito dahil daw kapag pinublish ko daw ito dito ay marami raw na makakabasa.

At first, syempre nahihiya ako pero dahil nakahiligan ko na ito ay naisipan kong pumayag nalang kaya sana magustuhan nyo.

Tsaka po may mga favor po ako......

One: Sana po walang NEGA comments po dyan dahil affected si author masyado......

Two: Sana po suportahan nyo po yung story ko kahit boring...... huehuehue.

Three: Slow Update po ito kaya po wala pong magrereklamo kapag matagal po akong magpublish.

Four: NO COPYING po ng story kahit po sabihin ny pa pong assuming ako at hindi naman po masyadong sikat ang storya ko at iyon po ang sogn kung bakit nakakacopy dahil hindi SIKAT....... at sinasabi nilang sa kanila para mas sumikat ito.

Five: Aware naman po ako sa mga mali ko po sa storya kaya po sana wag nyo po akong pagsabihan na madaming mali kasi po inuulit ko po AWARE po ako.

Six: Expect the wrong grammars and the typos....

Please vote on this story kung nagugustuhan nyo.....

Yun lang po muna maraming maraming salamat po.....

Warning:

Ang storyang ito ay kathang isip lamang. Anuman ang pagkakahawig nito sa totoong buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

My Little GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon