CHAPTER 1

8 1 0
                                    

'Kabanata Isa'

Blythe's POV

"Ano ba yan! Lasing ka na naman!!"

"Wala kang pakealam sa buhay ko!"

Naririnig ko ang sigaw ni nanay at tatay mula sa sala.

Nasa kwarto ako at halos hindi ako makatulog tuwing gabi dahil lagi silang nagtatalo.

Tahimik akong humihikbi habang nilagyan ng headphone ang aking kapatid na lalaki para hindi nya marinig ang nanay at tatay na nagtatalo.

"Matulog ka na." nag-sign language ako sa kapatid ko dahil sya ay mute at hindi namin alam ang dahilan kung bakit.

Naintindihan nya ako kahit may music sya sa kanyang tenga at nahiga sya sa lap ko tsaka sya nakatulog.

Marahan kong tinanggal ang kaniyang headphone tsaka inilapag iyon sa lamesa.

Dahan-dahan ko syan binuhat papunta sa kama ko at inihiga ko sya nang maayos.

Kinumutan ko muna sya tsaka ako huminga nang malalim para palakasin ang loob ko.

Hindi ko na sila matiis dahil walang araw na hindi sila nagbabangayan sa isa't-isa.

Papalapit na ako sa pinto nung pabagsak na bumukas iyon at nakita ko na sinasabunutan ni tatay si nanay.

Nakita ko pa na may pasa si nanay sa gilid ng kaniyang labi.

Lumapit ako sa kanila at inawat.

Nabitawan nga nya si nanay pero pagkabitaw na pagkabitaw palang nya ay sinampal nya ako nang malakas.

"Blythe!!" tawag sakin ni ina.

"Nangenge-alam kasi eh." ani tatay na lasing pa at may hawak pang beer sa kamay nya.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko!!" sigaw naman ni ina kay tatay at nakita ko si Byth na umiiyak na kaya mabilis ko syang pinuntahan.

"Shh..... shh...." pagpapatahan ko rito.

Lumingon ako kay tatay at nanay at nakita ko na nagsasakitan na sila.

Lumapit ulit ako para umawat sa kanila.

"Tama na...... Tama na....... ANO BA!!" biglang sigaw ko para matigilan silang dalawa at mas lalong lumakas ang iyak ni Byth sa likod.

"Kung ganito rin ang ipappakita ng mga magulang ko sa harapan ng kapatid ko at ako......" binitin ko ang sasabihin ko. "...... mas mabuti pang hindi nalang namin nasaksihan ang ganitong eksena nyo." naluluhang wika ko.

Walang sumagot sa kanila pero alam kong galit si tatay sakin.

"Di nyo ba napapansin na andito kami ng mga anak nyo na pinagmamasdan kayo na magbangayan nang magbangayan tuwing gabi?!?!" galit na wika ko na isenenyas ko pa ang sarili ko pati si Byth.

Tuluyan nang bumigay ang mga luha sa mga mata ko at sunod-sunod na itong bumagsak.

"Sorry anak....." naluluhang usal ni nanay sakin.

"Tch! Anong klaseng drama yan?" pormal na tanong ni tatay sa akin tsaka kay nanay.

"Really?!?!" galit kong tugon sa kanya.

Alam kong masama ang sumagot sa mga magulang pero kami ng kapatid ko ang naghihirap dahil sa mga ginagawa nila.

"Drama yun sa inyo tay?!" galit na tanong ko sa kanya. "Kung ganyan din pala ang sasabihin mo ay mas mabuti pa na itikom mo nalang yang bibig mo kesa marinig ko ang mga salitang bibibitawan ng walang kwenta kong tatay!!" sigaw ko.

My Little GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon