CHAPTER 7

5 1 0
                                    

'Kabanata Pito'

Shun's POV

Kusang nagmulat ang mga mata ko at puro puti ang mga nakita ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang doctor.

"Gising ka na pala." bungad nya sakin.

'Teka...... hindi pa ako patay?'

"Bakit po ako nandito?" tanong ko sa doctor na nasa harap ko.

"May nakakita daw sayong nakalumpasay sa lupa kaya dinala ka dito sa ospital kasama ang dalawang babaeng ganun din na nakalumpasay sa sahig." pagpapaliwanag nya.

'Dalawa? Pero si Vivy lang naman ang naalala kong kasama ko kanina ah?'

"Isa lang po ang naalala kong kasama ko kanina." mahinang usal ko sa doctor pero batid kong hindi nya iyon narinig dahil hindi man lang nya ako nilingon. "Sino po sila?" yun nalang ang naitanong ko sa kanya.

Di sya sumagot bagkus binuksan nya ang dalawang kurtina na nakaharang sa magkabila kong gilid saka sya umalis.

Nakita ko si Vivy sa kaliwa ko pero pagbaling ko sa kanan may nakita rin akong nakahigang babae doon pero nakatakip sa mukha nya ang buhok nya kaya hindi ko sya maaninag.

Lumapit ako nang bahagya pero unti-unting bumukas ang mga mata nya.

Nagsalubong ang tingin naming dalawa at parang inaaninag nya ang mukha ko.

Natigilan ako nung mapansin ko kung gaano kalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa.

Binalewala ko iyon nung bigla syang nagsalita.

"Nakikita mo ako?" tanong nya sakin.

Kumunot ang noo ko sa tanong nya dahil nagtaka ako sa tinanong nya.

'Bakit naman hindi ko sya makikita?'

Hindi ako sumagot pero tumingin lang din sya sa kanan nya.

Lumayo ako nung bumangon sya at akma syang uupo.

Umupo na sya sa kama nya at tsaka nagtama muli ang mga paningin namin at nagulat naman ako nung bahagya nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"Totoo bang nakikita mo ako?" tanong na naman nya habang malapit parin ang mukha nya sa mukha ko at nakatingin pa sya sa mga mata ko.

Inilayo ko ang mukha nya gamit ang buo kong palad para matakpan ang mukha nya.

Nailayo ko ang mukha nya sa mukha ko at sya naman ay kinapa-kapa pa ang buong katawan at mukha.

Tumayo sya at isinuot ang tsinelas na nasa sahig.

Lumibot-libot sya ng lakad pero hindi sya gaano kalayo.

Nakita kong tumaas ang mga balikat nya at sa tingin ko ay nagulat sya sa kanyang naisip.

Mabilis syang tunalikod saka nagmamadaling may hinahanap kung saan.

"Ano yun?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin sya sa paghahanap sa hinahanap nya.

"Yung libro ko." wika nya habang itinabi ang kumot nya at tiningnan sa ilalim kung andoon ba.

"Anong libro?" tanong ko na naman sa kanya.

"Yung lagi kong hawak-hawak." wika nya pero nung mapansin nyang wala ay napapabuntong-hininga nalang sya at napaupo sa kama nya.

"Shun?" narinig kong tawag sakin ni Vivy kaya lumingon agad ako sa kanya.

"Asan ako?" tanong nya sakin.

My Little GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon