We Will Be Strangers on Monday

561 32 1
                                    


  XXXIII.

We Will Be Strangers on Monday

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa lobby ng ospital. Nai-imagine ko si Joven, may kasamang mga pulis, mga lima siguro, tapos seryoso ang mga mukha at bigla akong ituturo ni Joven at sasabihin: "Iyan ang criminal! Hulihin!"

Tapos ay magiging slow motion ang lahat, habang tumatakbo ako sa mga pulis. Papuputukan nila ako ng baril, at lalong magiging slow motion ang mga bala. Tapos, ibe-bend ko ang katawan ko na parang sa Matrix para hindi matamaan.

Okay, this is not the right time to imagine such things, especially now na nakita kong palapit si Joven. Wala siyang kasamang pulis, o mga FBI agents, o sundalo. He was alone and he looked worried as hell.

Nakalimutan ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, agad akong tumayo at lumapit sa kanya, niyugyog ang mga balikat niya.

"Hindi ko 'yon ginawa," sabi ko. Nagsimulang gumaralgal ang tinig ko. "Wala akong mga bote sa bag. Wala akong mga bote ng lason sa bag. Kung may mga bote man doon, inilagay lang iyon sa bag ko."

I hated how I sounded. Para akong boyfriend na nahuli ng girlfriend niya na nakikipag-sex sa SOGO, sa Victoria, at nagpapaliwanag ako while I'm having an erection. I sounded really really guilty. Siguro dahil iyon sa natataranta ako, dahil alam kong may gustong mag-frame up sa 'kin.

"Hindi ko talaga balak gawin iyon sa Left Brains," sabi ko pa. Naramdaman ko na may mainit ng luha sa mga mata ko. "Hindi ako ang may gawa niyon..."

Blangko ang mukha ni Joven. "I don't have time for this," he said. Binalak niya kong lagpasan pero pinigilan ko siya.

"Maniwala ka naman, o," sabi ko, umaagos na sa pisngi ang mga luha. "Maniwala ka naman. Hindi ko ginawa 'to, o."

"I don't know what to think," sabi ni Joven, sinamahan iyon ng iling. "What if ginawa mo 'to, kasi gusto mo akong gantihan? What if ginawa mo 'to, kasi nga matindi ang galit mo sa 'kin?"

"Joven, hindi ako gano'n..." I said. I felt so helpless. "Alam mo naman 'yon, hindi ako gano'n..."

"Right now, hindi ko talaga kayang paniwalaan agad 'yan," he said. Pagkatapos ay pilit niyang iwinaksi ang mga kamay ko na nasa braso niya. "Don't show up on work on Monday, Maddy. Please. I hate what you did and I don't want to hurt you. And I might... I just might."

Pagkatapos sabihin iyon ay nilagpasan niya ako. Hindi ako nakagalaw. Parang dumilim ang buong paligid para sa akin. Napasandal ako sa pader, pinipigilang tumumba, dahil nanlalambot na ng sobra ang mga paa ko.

Nilapitan ako ni Jess, hinimas ang mga braso ko. "I believe you, Maddy. I believe in you."

That was a good thing, that someone was believing in me. I think that I stopped believing in myself. Kapag kasi iniisip ko na kaya kong huminto sa pag-iyak ng oras na iyon, hindi na rin ako naniniwala.

And I cried in Jess' arms, but it made me feel no better.

***

Joven's POV

A week later, bumalik naman sa dati ang lahat. Nakalagay ang lason sa apple juice. Ang mga uminom lang ng apple juice ang naapektuhan. At positibo rin na ang lason na nasa apple juice ang lason na nakalagay sa mga bote na natagpuan sa bag ni Maddy.

Aaminin kong nagkaroon ng lamat ang reputasyon ng kompanya dahil sa nangyari. Pero sa totoo lang, hindi ko gaanong iniisip iyon. Mas iniisip ko si Maddy, at ang katotohanang hindi ko na siya nakikita sa kompanya.

Left Brainer Community (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon