00:00

22 1 0
                                    

Kinalakihan ko na ang dapat kong makamit ay ang pinakamataas at kapuri-puring parangal. Kung ano ang mas nakakaagaw-atensyon, dapat doon ako. Tumingala ako sa kisame— madilim at blanko, walang mga bituing kumikislap at nakatitig sa akin. Bigla kong naala ang isang yugto ng buhay kong hindi makakalimutan.

Kabataan. Isang panahong simple; dapat lamang natin malaman kung ano ang tama at mali,maraming dapat gawin upang mapasaya at hindi mabigo ang kanya-kanyang pamilya. Mapapatawad kung magkamali, diba nga't ito ang naghahanda sa atin sa kinabukasan?

Sa akin, hindi. Inaasahan na laging mataas ang grado at disiplinado kung hindi'y mapapalayas sa tahanan, itatakwil at sasabihan na hindi ka anak.

"Wala akong anak na palpak tulad mo! 'Wag na 'wag mong ipapakita 'yang mukha mo hangga't hindi ka kasama sa top."

At nakakasakal na. Parang kahit saan ako mapunta, hindi nawawala sa aking isipan ang mga sermon ng aking magulang. Bakit ba kailangang diktahan ang aking mga aksyon? 'Di ba nila nararamdaman kung masaya pa ba ako sa aking mga ginagawa at mga nararamdaman?

Ginawa ko ang lahat, kumapit ako sa patalim upang makuha ang kanilang gusto, kahit na mawala ang sarili kong kaligayahan. Tumayo, ngumiti, at alalahanin kung ano ang magiging bunga ng gagawin ko— iyan ang naging panuntunan ko. Ang tangi ko na lamang kayang gawin ay ang paghingi ng kapalit tuwing natatamasa ko ang dapat.

"Ma! 'pag nakakuha ako nang high distinction, bilhan mo nalang ako nito."

Nalulunod ako sa pansamantalang solusyon; sa materyal na pag-aari na hindi kailanman magdudulot ng ligayang totoo na nagmimistulang kulang sa akin.

Sa aking pagtungtong sa kadalagahan, marami na akong bagay na naiisip hingin, maraming mga hiling na wala akong lakas-loob na bulungin sa hangin.

'Sa pagsapit ng Senior High, maari ko bang hilingin ang pagwalay sa aming tahanan at matuto mag-isa? '

Tatlumpung Minutong SindakWhere stories live. Discover now