00:30

14 1 0
                                    


Pagkamulat ko ay napansin kong nakatayo ako sa isang kwartong kasing kulay ng kalangitan. Puno ito ng mga nagkalat na mga laruan at papel na may mga kung ano-anong mga iginuhit. Sa gilid ay may isang batang babae nakaupo sa sahig at gumugihit sa kanyang libro.


"Halika na! Laro na tayo!" Sigaw ng dalawang bata sa labas ng binta. Masayang tumayo ang batang babae at tumatalon ang kanyang kulay tsokolateng buhok habang tumatakbo palabas ng kwarto. Natanaw ko ang librong kanyang iniwan at nakitang may mga maliliit na taong magkawak-kamay ang nakaguhit sa taas ng pahina. Isang nanay, tatay, at tatlong magkakapatid na pinaliligiran ng malaking puso. Dumungaw ako sa bintana at naabutang masayang naglalaro ang mga bata. Ang kanilang mga magulang ay nasa gilid at pinagmamasdan sila.


"Oh, tapos na ba mga takdang-aralin ninyo? May pagsusulit pa bukas si bunso." ang wika ng tatay sa mga anak.


"Tapos na po, papa! Hayaan niyo muna si bunso makipaglaro sa amin," sabay yakap sa nakababatang kapatid, "Magdamag na po siyang nag-aaral sa kwarto niya."


Hinayaan na lamang ng mag-asawa ang kanilang mga anak at nakisama na rin sa kanila. Napangiti ako sa aking nakita. Naramdaman ko ang saya nila at nabalot rin ako sa nakagiginhawang pakiramdam na para bang maraming nakayakap sa akin sa mga oras na iyon. Napalitan ang sakit at pagod ng matiwasay na damdamin. Ramdam ko ang maaliwalas na pagbunga ng hangin. Ang sumusulong na mga ulap sa bughaw na himpapawid. Rinig ko ang maliligayang tawanan ng pamilya sa kanilang bakuran. Ang saya sa lugar na ito, buhay na buhay ang kapaligiran at makulay. Makakahinga na ako ng maluwag.


Gusto kong manatili pa nang matagal rito...

Tatlumpung Minutong SindakWhere stories live. Discover now