MOODY KONG GIRLFRIEND

211 5 0
                                    

ako si josh. 26 years old at may girlfriend akong teacher na sobrang moody. siya si queency. nagkakilala kami ni queency sa school nung 4th year high school kami. transferee kasi siya nun at niligawan ko siya at di rin nagtagal sinagot niya ko. 10 years na kaming magkasama ni queency, pero di pa rin kami nagkakasawaan sa isa't isa.

-----

"love, magpapaalam sana ak--", saad ko sa kanya pero agad niyang pinutol ang sinasabi ko. "pinapayagan kita", sagot niya habang nakatingin sa laptop niya at tinatapos ang powerpoint na ginagawa niya. "magpapaalam sana ako na--", aish, pinutol niya nanaman sasabihin ko. "oo nga. pwede nga, pinapayagan kita", sagot niyang muli. one last try, magsasalita ulit ako. "magpapaalam sana ako love na--", hays, pinutol nanaman niya. "oo, sige. kahit ano pa yan, gawin mo na", saad niya na siyang nagpangiti sakin. "t-talaga? pinapayagan mo ko?", di ko makapaniwalang sagot. "oo nga. sige na, gawin mo na. di pa ko tapos dito sa powerpoint ko", saad niya.

agad na nagpunta ako sa higaan niya at saka humiga. nag oo siya kaya ito, inopen ko ang app kong mobile legends. "welcome to mobile legends! 5 seconds 'til the enemy reach the battle field, smash them!", simula ng laro ko. habang nasa kalagitnaan ako ng paglalaro...

"ayan! ml nanaman! ipagpapalit mo ko ng dahil lang sa ml na yan!", sigaw niya na siyang nagpatayo sakin sa pagkakahiga. "pinayagan mo ko, diba?", taka kong tanong sa kanya. "oo, pumayag ako! pero di ibig sabihin nun na okay sakin yun!", muli niya pang sigaw. agad kong pinatay ang phone ko at saka siya nilapitan.

"oo na, di na po ako maglalaro. idedelete ko na ml ko", saad ko sa kanya sabay yakap sa kanya. "talaga?", tanong niya sakin. "talagang talaga", sagot ko sa kanya. "i love you", saad ko sa kanya sabay halik sa noo niya. "i love you too", sagot naman niya.

-----

"love, ipagluto mo ko ng breakfast", saad niya sakin pagkagising niya. dito kasi ako natulog sa bahay nila ngayon, kaya magkasama kami. "sige, anong gusto mong ulam?", tanong ko sa kanya. "itlog na lang love tapos hotdog", sagot niya sakin. "sige, baba muna ako ha? magluluto lang ako", saad ko sa kanya sabay halik sa kanya bago ako bumaba sa kusina.

nagprito na ko ng itlog at saka hotdog. naghain na rin ako  at tatawagin ko na sana siya para kumain pero andyan na siya. pababa na siya ng hagdan.

"ba't iniwan mo ko sa kwarto?!", galit niyang bulyaw sakin. "h-ha?", taka kong tanong. "eh diba, pinagluto mo ko ng breakfast?", tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. "tsk", tangi na lamang niyang sagot. "itlog? hotdog? ba't walang bacon?!", sigaw nanaman niya sakin. "wala ka namang sinabi ah? ang sinabi mo lang, itlog at tsaka hotdog. love, tulog ka pa ba?", saad ko sa kanya. "che! wag mo kong kausapin! tara na, kain na tayo!", sigaw niya sakin at umupo na siya at nagsimula nang kumain.

hays, kahit kelan talaga napakamoody.

-----

"hoy lalaki! bakit hindi ka nagtext sakin kanina?!", galit na sigaw nanaman niya sakin habang tinatapos ko ang presentation na ipepresent ko sa office bukas. "h-ha? eh kausap ko kasi boss ko nun kanina. di naman ako pwedeng mag cellphone sa harap niya habang kausap niya ko. baka masisante ako", pagpapaliwanag ko sa kanya. "che! di mo na ata ako mahal!", pasigaw na sagot niya sakin at saka dumapa sa kama niya.

saktong pagkadapa niya ay nagulat ako. shit! may tagos siya! kaya pala ganto ang ugali niya ngayon. agad kong pinatay ang laptop ko at saka nagsalita. "l-love, may t-tagos ka", saad ko sa kanya. agad siyang tumayo at kumuha ng undies at napkin niya. bago siya magpuntang cr, hinigit ko ang kamay niya.

"may gusto ka bang kainin? bibili ako", tanong ko sa kanya. wala eh, yun yung naisip ko. kasi diba sa facebook, yung mga babae kapag nagkakaron sila, gusto nila ng fries, burger etc. baka kasi ganun din siya.

di niya ko sinagot at saka pumasok ng cr. pagkapasok niya ng cr... "love, bibili lang ako ha? babalik ako!", sigaw ko at saka lumabas at isinara ang pinto.

bumili ako ng sandamakmak na fries at burger sa mcdo. bumili na rin ako ng doughnut sa dunkin donuts. bumili na rin ako ng milktea. medyo nahirapan ako sa milktea kaya tatlong flavors ang binili ko. chocolate, wintermelon tsaka hokkaido. dumaan na rin ako sa grocery para bumili ng marshmallow tsaka gummy worms at gummy bear, favorite niya yun eh. dumampot na rin ako napkin para sa kanya.

pagkabayad ko sa cashier, agad na kong lumabas ng grocery at saka sumakay sa kotse ko. binilisan ko ang pagmamaneho ko para makarating kaagad sa kanya. pagkarating ko sa bahay nila, agad na kong bumaba at kinuha lahat ng pinamili ko at saka pumasok sa loob.

"oh, josh anak. ba't andami mo naman yatang dala", saad sakin ng mama ni queency pagkapasok ko ng bahay nila. "meron po kasi si queency, ma eh", sagot ko sabay kamot sa ulo ko. "yieeee, sana all", saad naman ng kapatid na bunso ni queency. "hoy, bata ka! manahimik ka dyan", sabi ni mama sa bunso nila. "sige na, josh. iakyat mo na yan sa kanya. baka mamaya, awayin ka pa nun", saad niya sakin at tumango naman ako bilang sagot at umakyat na sa kwarto niya.

pagkabukas ko ng pinto... "san ka galing?!", galit nanaman niyang bulyaw sakin. "bumili lang ak--", pinutol nanaman niya ang aking sasabihin. "nag cr lang ako, nawala ka na! san ka sabi nanggaling?!", sigaw nanaman niya sakin. "bumili lang po ako ng pagkain na makakain mo", sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. "sinabi ko bang bumili ka?!", sigaw nanaman niya. "hindi. pero ganto kasi yung nakikita ko sa facebook. kapag meron yung mga babae, gusto nilang kumain ng kung ano ano kaya bumili ako ng mga 'to", saad ko sabay pakita sa kanya ng mga pinamili ko. "akala ko ganun ka rin sa kanila", muli ko pang saad. "di nila ako katulad! pero, tara! kainin natin yang mga pinamili mo! sayang eh", sagot niya na siyang nagpailing sakin.

aish, jusko! napakamoody talaga.

-----

"love, kita tayo", chat ko sa kanya pagkalabas ko ng office ng boss ko. "sige love, saan? sa dati pa rin?", reply niya sakin. "oo, love. may sasabihin lang akong importante", reply ko sa kanya. "sige love", reply niya sakin at hindi ko na iyon pinansin pa.

pagkarating ko doon, ay sakto rin ang pagdating niya. "queency, may sasabihin ako", basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami papunta sa favorite restaurant namin. "queency?", tanong niya sakin sabay tigil sa paglalakad. "ba't tinawag mo ko sa tunay kong pangalan? ayaw mo na sakin? di mo na ko mahal?", sunod sunod niyang sabi sakin at may mga taong napatingin samin.

"queency, ayaw ko na", saad ko sa kanya. "ayaw ko na, nakakasawa na", saad ko pa sa kanya na siyang dahilan para mapaiyak siya. wala eh nakakasawa na kasi. lagi na lang siyang nagagalit kahit wala naman akong ginagawa. nakakasawa na yung ganto, nasasakal na ko.

lumuhod ako sa harap niya at bahagyang yumuko. "ayoko nang maging girlfriend ka, queency. nakakasawa ka", saad ko sa kanya at saka kinuha ang red na box sa bulsa ko na may lamang singsing at saka umayos ng luhod sa harap niya.

"ayaw ko nang maging girlfriend ka, kasi... gusto na kitang maging asawa", saad ko sa kanya na siyang nagpangiti sa kanya ng sobra. "yieeeee", sigaw at asar ng mga taong nasa paligid namin. akala siguro nila iiwan ko 'tong babaeng nasa harap ko ngayon.

"queency, love. will you marry me?", tanong ko sa kanya. napatawa siya ng mahina at napakalawak ng ngiti.

"hey, i'm asking you. will you marry me?", muli kong tanong sa kanya. "yes, oo. you can marry me", sagot niya sakin na siyang nagpangiti ng sobra sakin. isinuot ko sa palasingsingan niyang daliri ang singsing at saka hinalikan siya at yinakap.

-----

kahit pa gaano kamoody, kabipolar at kaabnormal ang girlfriend niyo boys, wag niyong iiwan. bagkus, intindihin niyo sila. kung talagang mahal niyo girlfriend niyo, di niyo sila iiwan sa ganyan kababaw na dahilan. love them unconditionally. have them permanently. don't take them for granted and don't have them in your life just for temporary.

end~🍭

SB19 short storiesWhere stories live. Discover now