PROMISE (CHAPTER THIRTY THREE)

81 6 0
                                    

CHAPTER 33 🥀

KEN'S POV 🌻

napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano nang napansin kong may inilalabas na papel si shaneen sa bag niya.

"what's that shaneen?", hindi ko na napigilang tanungin siya.

"secret", sagot niya sa akin sabay ngisi.

"so, now mr. felip john suson a.k.a sir ken suson, gusto kong pati 'tong papel na 'to ay pirmahan mo. palagyan ng autograph mo. wag mo nang basahin yung nakasulat, para sa kaibigan ko 'to. and nga pala, pakisulat yung number mo dyan sa baba", sunod sunod niyang sabi sabay bigay sa akin ng papel.

"are you serious, shaneen?", nagdadalawang isip kong tanong sa kanya. di ko alam kung maniniwala ba ko eh.

"at kelan ako nagloko ha suson? tell me, kelan?", intriga niyang sagot sakin.

"tss", tangi ko na lamang naisagot sa kanya.

agad ko namang kinuha ang ballpen ko at saka tinignan ang papel. bumuntong hininga na lamang ako at saka ko pinirmahan iyong papel na binigay ni shaneen na para raw sa kaibigan niya. at isinulat ko naman sa bandang baba ang phone number ko.

"oh", saad ko sa kanya sabay abot ng papel. agad naman niyang kinuha iyon at saka ngumiti ng napakalawak.

"years passed at ngayon ko na lang ulit nakita yang ganyan mong ngiti", saad ko sa kanya out of nowhere.

napatigil naman sa pag ngiti si shaneen at awkward na tumingin sa akin.

umiling iling na lamang siya at saka muling naghalungkat sa bag niya.

halungkat ng halungkat, sino ba 'to? si dora the explorer? shaneen the explorer? tss

SHANEEN'S POV 🌻

tumatalon ang puso ko sa tuwa kasi sa totoo lang nauto ko si ken.

hindi talaga para sa kaibigan ko yung papel na pinapirmahan ko sa kanya. para sa akin talaga iyon.

gusto niyong malaman kung ano yun? tss, secret!

"years passed at ngayon ko na lang ulit nakita yang ganyan mong ngiti", saad niya sa akin na siyang dahilan para mapatigil ako sa pag ngiti.

tumingin ako ng mala-awkward na tingin sa kanya at saka umiling iling at muling nagkalkal sa bag ko.

nang nahanap ko na ang ibibigay ko kay ken, agad kong inilagay sa harap niya iyon at saka dali daling kinuha ang papel at album na pinapirmahan ko sa kanya at saka tumayo.

"hintayin mo yung text ko mamaya ken. una na ko, byeee", maligalig at nagmamadali kong saad sa kanya at saka ako tumakbo palabas ng mall sabay diretso sa parking lot.

KEN'S POV 🌻

nang napansin kong mukhang nahanap na ni shaneen ang hinahalungkat niya sa bag niya, agad niyang inilagay iyon sa harap ko.

magtatanong sana ako sa kanya kung ano yun kaso pagtingin ko sa kanya, nagmamadali niyang kinukuha ang papel at album niya at saka nagpaalam sa akin.

"hintayin mo yung text ko mamaya ken. una na ko, byeee", saad at pagpapaalam niya sa akin at tuluyan na siyang umalis sa harap ko at lumabas na ng mall.

hinarap ko naman ang bagay na inilagay niya sa harap ko at ng binuksan ko iyon, sobra akong nagulat.

ba't niya ko binigyan ng ganto? hindi kaya.... hindi kaya— aish!

"shaneeeeen!", inis kong saad sa isip ko at saka bumuntong hininga.

to be continue... ano kayang meron sa papel? and ano kaya yung binigay ni shaneen kay ken? HAHAHAHA LT yung susunod na chapter lollis! stay tune po mwaaaa 😚

🍭~

SB19 short storiesWhere stories live. Discover now