Divergent Boundary
Created by: Angelica ClarosDIVERGENT BOUNDARY:
-" occur along spreading center where plates are 'moving apart' & new crust is created by magma pushing up from the mantle."---
"Bakit gusto mo pang makipagkita? Siguraduhin mo lang na mahalaga yang sasabihin mo." Madiing pagkakasambit ko.
Tamad akong umupo sa tabi nya at hindi na nag-atubiling bumaling sa kanya samakatuwid pareho lang kaming nakatulala sa paligid.
"Gusto ko lang malaman, bakit hindi ako ang pinili mo noong panahong ikaw ang pinili ko?" Nang tanungin nya iyon ay napatingin ako sa gawi nya. Pero hindi sya nakatingin sa akin, deretso pa rin ang tingin nya sa paligid.
"Priorities." Sambit ko at ibinalik ang tingin sa paligid.
"Priorities? Ibig sabihin, hindi ako mahalaga kaya hindi ako ang pinili mo?" Napabuntong-hininga na lang ako.
"Mahalaga k---"
"Kung mahalaga ako, bakit hindi ako? Kung talagang mahal mo ako, bakit hindi ako?" At deretso nya akong tinignan sa mata.
"Dahil mas mahalaga ang pamilya ko, Josh! Ikaw, may kaya kayo sa buhay. Kami? Sa akin na lang sila naasa at ayoko silang biguin. Kaya tanong ko sayo, bakit hindi sila ang dapat kong piliin?" Hindi ko na nakaya ang bugso ng aking damdamin.
".. at huwag na huwag mong kukwestyunin ang pagmamahal ko sayo. Hindi mo alam kung gaano ko kagusto na makasama ka habang buhay. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong hagkan ka. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong piliin ka. At hindi mo alam kung gaano kita kamahal."
"Ang hirap namang maging kalaban ang pamilya mo, Trix. Ang hirap." Nahabag ako nang makitang namumula na ang mata ko.
"Gusto kong maabot lahat ng pangarap ko, Josh. At hindi ko maaabot yun kung ikukulong mo ako sa iyo."
"Then, I'll wait for you. Dito lang ako Trix. I'll wait, promise. Hanggang sa maabot mo na ang mga nais mong maabot, dito lang ako. " Determinado nyang sabi. Napangiti na lang ako. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking to.
"Really? You'll wait for me? So, payag kang magkakalayo muna tayo ng ilang taon?" Sambit ko at dahan-dahang pinahid ang mga luhang lumalandas sa kanyang mukha.
"Oo. Basta huwag kang maghahanap ng iba. Kasi ako, hindi ako maghahanap ng iba." Napangiti na lang ako ngunit nawala rin ng may nagtext sa akin.
"Josh, I'm sorry. Kailangan ko na umalis. Si mama nagtext na, hinahanap ako." Pilit akong ngumiti sa kanya. Sabay na kaming tumayo mula sa pagkakaupo.
"I'll stay no matter what happen, Trix. I'll wait.""Okay then. Panghahawakan ko yang promise mo. Goodbye Josh."
"Goodbye Trix, see you again."
At tinahak na namin ang magkaibang daan ng mag-isa. Pinaghiwalay man tayo ng tadhana, alam kong makagagawa pa rin tayo ng daan papunta sa isa't isa.
"We may be bound to be separated from each other. But I know, we'll also converge again together. Not now but soon. Let's just wait and have faith."