Chapter 1

55 1 0
                                    

NAPASANDAL si Sandro sa kaniyang swivel chair nang matapos ang shift sa araw na iyon. It's a long day of being a doctor at mas marami ang patients niya this month.

Hindi naman siya reklamador. Kahit pa nga may iilang pasyente na ayaw nagwawala sa tuwing nakakarinig ng 'operation'. Pineperahan niya lang daw ang mga ito at kapag walang pera ay hahayaan na lang mamatay. He's not like that. Kapag nakita niyang karapat-dapat ang pasyente, siya na mismo ang boluntaryong nag i-insponsor sa mga ito. From the hospital bills hanggang sa maintenance nito. But people don't seem to care.

And he's not the type to explain himself.

Napapitlag lamang siya nang marinig ang tunog ng cellphone niyang nasa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon at agad ding sinagot.

"Yes, hello?"

"Bebe!" Nagulat siya sa patiling bulalas ni Alex sa kabilang linya. "I need your help!"

"Geez! Calm down, Alex. Ang tinis ng boses mo!" Halos mailayo niya ang cellphone sa ingay ng kausap.

"Sandro, kailangan ko ng tulong mo!" Mukhang seryoso na ito. "N-nakapatay ata ako?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kapatid. "What?! Ano bang nangyari? Nasaan ka ba?"

"Dito sa condo ni kuya Darlo. Bilis! Punta ka na!"

Pinatay na niya ang cellphone at saka agarang tinanggal ang lab coat. Mukhang may problema nga yata ang kuya Alex niya.

"I DIDN'T mean to hurt her!" Bulalas ni Alex nang makarating siya sa condo ng kuya Darlo niya.

Napapailing siya habang nilalagyan ng bandage ang sugatang ulo ng babae na nahataw ni Alex ng frying pan. Buti na lamang at may medicine kit sa loob ng unit ni Darlo at agad naagapan ang sugat nito. Hindi niya alam ang kabuuang nangyari o kung sino man ang babaeng ito pero isa lang ang sigurado, nakasakit si Alex.

"Bakit ka ba kasi nandito sa condo ni kuya Darlo?" Tanong niya sa kapatid.

"May pinapakuha kasi si kuya e. Hindi ko naman alam na may tao pala dito. Akala ko magnanakaw kaya kinuha ko agad 'yung frying pan at pinukpok ko s'ya." May panic sa boses ni Alex. "O-okay naman siya, 'di ba?"

He sighed. "Okay lang siya. Buti na lang at gasgas lang ang nasa noo niya. Paano kung napuruhan mo talaga?"

Alex pouted his lips. "Sorry na agad..."

Umupo siya sa couch na nasa tabi lamang ng sofa kung saan niya inihiga ang babae. "Sana kasi kumatok ka muna o kaya nag tanong bago pumasok."

"Bebe, property naman 'to ng kuya kaya okay lang mag labas-pasok ako dito. Isa pa, dati ko nang ginagawa 'yon, 'no?" Umupo rin ito sa tabi niya.

"May pagka-akyat bahay gang ka rin kasi e." Aniya. "Ayan, muntik ka nang may madisgrasya."

"Aysus.. If I know, idol mo kaya ako." Pang aasar nito sa kaniya.

"Hinding-hindi kita magiging idolo, 'no? Hindi ako nanonood ng Dora the Explorer sa edad na twenty nine."

"Oy, ang cute kaya ni Dora!" Bwelta nito. "Lalo na si Boots."

Natawa siya. "Oo, kasi kamukha mo si Boots."

Mahina siyang binatukan ng kapatid. "Grabe ka sa akin, bebe!"

"Stop calling me 'bebe', kuya." May diin sa sinabi niya. Natawa lamang si Alex sa reaksyon niyang iyon.

Maya-maya pa'y nag vibrate ang cellphone niya. Tumatawag ang kuya Darlo niya.

"Yes, kuya?" Sagot niya.

"Sandro, where's Alex? Nasabi na ba niya sa'yo na may babae sa condo ko?" Tanong ng kuya niya na halata ang pag aalala.

"Don't worry, she's fine kuya. Nasugatan lang siya sa noo." Aniya.

"Thank goodness!" Tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan ang kuya niya. "Make sure she's totally fine, Sandro."

"Sino ba 'tong babaeng 'to kuya? Bakit siya nandito sa condo mo?"

"Oh, I forgot to tell you, Sandro. She's your fiance."

"What?!"

★★★

★★★

★★★

Mr. Night

Her Sweetest LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon