Chapter 2

54 1 0
                                    

"MARIA, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ng ate Malinda niya habang siya'y nag iimpake na ng mga gamit.

"Opo, ate. Siguradong-sigurado na po talaga ako. Kailangan ko itong gawin para sa inyo." Aniya habang patuloy na ipinapasok sa loob ng malaking maleta ang mga gamit.

"P-pwede ko namang kausapin si itay na..."

Pinutol na niya ang sasabihin ng kapatid. "Buo na ang pasya ko, ate. Huwag kang mag alala sa akin. Magiging maayos din ang lahat."

Hindi na niya pinagsalita pa ang kapatid at agad na isinara ang maleta. Hinila na niya iyon palabas sa kaniyang silid. Nakasunod lamang ang kaniyang ate Malinda at bakas sa mukha nito ang pag aalala nito sa kaniya.

Nasalubong nila ang kaniyang itay na tila ba nanalo sa lotto at ang ngiti'y abot sa tainga.

"Handa na pala si Maria." Anito at nakita nila ang mag asawang susundo sa kaniya. "Narito na sina ginoo at ginang Lorenzo. Sasama ka na sa kanila."

Nginitian niya ang mag asawa na noo'y nakangiti rin sa kaniya. Mukha namang mababait ang mga ito.

"Halika na, iha." Ani ginang at inilahad ang palad nito sa harap niya. May lalaki namang kumuha sa bagahe niya.

Inabot niya ang palad sa ginang. At sa huling pagkakataon ay nilingon ang kaniyang ate na noo'y hindi makatingin ng deretso sa kaniya.

"Kami na ang bahala kay Maria." Ani ginoong Lorenzo sa kaniyang itay na noo'y abot langit ang kasiyahan.

NAALIMPUNGATAN si Maria nang maramdaman ang kirot sa kaniyang noo. Marahan siyang napa-upo sa sofa na kinahihigaan niya.

"Gising ka na pala." Ani baritonong boses na naroon lamang sa katabing upuan ng sofa. "Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha kita."

"S-sino ka?" Tanong niya. "B-bakit ka nandito?"

Tiningnan siya ng lalaki. "Hindi mo maalala? Ako ang mapapangasawa mo."

Nanlaki ang mga mata niya. Siya ba iyong Sandro Miguel na ikinukwento ng kaniyang itay?

"Bebe, kumusta---" may isa pang lalaki na lumabas mula sa kung saan ang noo'y napatulala nang makita siya. "Oy! Gising ka na pala, bebe girl! Naku! Pasensya ka na sa inasal ko kanina!" Mabilis ang paglapit nito sa kaniya at agad umupo sa tabi niya.

Napa-atras siya at medyo nagalaw ang kaniyang ulo kung kaya't napa-ingit siya nang maramdaman ang sakit roon.

"Kuya, stop terrorizing the poor lady." Sambit ni Sandro. Tumingin ito sa kaniya habang may dala ng basong may lamang tubig. "Pasensya ka na sa kuya ko, ha?"

Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi. Ang bait naman pala ng lalaki. Tinanggap niya ang isang basong tubig at ininom iyon.

"Be, sure ka na ba kay Sandro?" Tanong sa kaniya noong lalaki na kasama nila sa loob ng bahay. "Pwede ka pa naman mag back out."

"Alexander, umalis ka na nga." Hinatak na ni Sandro ang lalaki patayo. Hinila ito hanggang sa may pintuan.

"Bebe! Sabihan mo lang ako, ha! Itatakas kit----" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isarado ni Sandro ang pintuan.

Binalingan siya nito. "Sorry for that, my dear fiance." Nakangiti pa rin ito sa kanya. Umupo ito sa tabi niya ngunit hindi ganoong kalapit.

"H-hindi ko alam na... Nandito ka." Hindi niya ito matingnan. Kakaiba ang dalang karisma ng lalaki. Halatang kayang-kaya nitong paamuhin ang sino mang babaeng makakasama nito.

"Maging ako nagulat na nandito ka." Anito sa malumanay na tono. "I mean, dapat sa condo unit ko sana kayo dumiretso. Pero dito ka dinala sa condo unit ng kuya ko."

"Kilala mo na ba ako?" Tanong niya dito at ibinaba ang baso na may tubig.

Tumingin ito sa kaniya. "Pwede mo bang sabihin ang pangalan mo sa akin?"

"Maria Formoso." Tugon niya. "Ikaw si Sandro Miguel, tama ba?"

Tumango ito. "Nice meeting you, Maria." Anito na nakangiti pa rin. "Gusto mo bang kumain? Ipagluluto kita."

"Ah, hindi na kasi..." Pipigilan sana niya ang lalaki ngunit nakatayo na ito agad bago pa siya matapos sa pagsasalita.

"Huwag kang mag alala, Maria, marunong akong mag luto." Anito at nag tungo na sa kusina at isinuot ang apron na nakasabit lamang sa isang maliit na refrigerator.

Walang dudang gwapo ang lalaki. Maganda rin ang pangangatawan nito. At maamo ang asul nitong mga mata.

Ngunit, may kakaiba lamang sa lalaki. Bakit kahit nakangiti ito sa kaniya...

...tila ba mayroon itong personalidad na hindi niya alam kung ano.

★★★

★★★

★★★

Mr. Night

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Sweetest LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon