CHAPTER 2

7 1 0
                                    

GOODBYE

Zebby's P.O.V

"Zebby Anak gising na!" Binago ko ang posisyon ko dahil inaanok pa'ko. Ano bang meron di pa naman tumutunog alarm clock ko ah! "Nanjan na yung mag-aayos sayo! bumangon kana!"

Oo nga pala!

Napabalikwas ako sa sinabi ni Mama palabas na ito ng kwarto ko kaya sinundan ko na, dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Papa, nagaalmusal na ito at nakauniporme na. Akala ko ba sasama sya sa graduation?

"Good Morning anak!" nakangiti nyang bati sakin, ngumiti lang ako at umupo na sa tabi nya.

"Akala ko po ba sasama kayo sa graduation?" Malungkot kong sabi sabay kagat ng madiin sa hotdog.

Oo papa! nagtatampo ako! kasalanan mo kaya suyuin moko. 3rd grading palang sinabihan ko na sya, na sumama sya!

"Sino bang may sabing hindi?" Tumingin ako sa nakangiti nyang mukha. Ayun oh biglang gumwapo si Papa sa paningin ko!

"Yehey!" Napataas ako ng dalawang kamay sa tuwa, napangiti naman si Mama sa harap ko.

"Pero bago yun! May regalo ang Mama at Papa sayo!" Masaya kong kinagat ang hotdog na kanina'y pinanggigigilan ko! Napatingin ako sa kanya.

"Talaga po?"

"At dahil mabait na bata ang dalagita ni Papa!" Pathrill na may dinudukot si papa sa ilalim ng mesa, si mama naman ginawang tambol yung mesa. Pathrill! "Charan!"

Nilabas ni Papa ang isang malaking pack ng----- dog food? Anak ng--- anong gagawin ko dun? kakainin ko ?eh wala naman kaming aso!

"Papa naman eh! anong gaga---!" natigil ako sa pagsasalita sa ngiti nila mama, teka! bumili sila! AAAAAGGGHHHHH

Tumakbo ako palabas ng pinto at nakita ang isang tuta malapit sa gate namin, nilapitan ko ito at tiningnan ang hotdog nya!

Naninigurado lang! ayoko kase ng babae!

"Nagustuhan mo ba anak?" Tanong ni Papa na nakasandal sa pinto. I smiled.

"Opo! Salamat po!"

"Naku! mamaya mo na sya kunin jan, baka malate kapa maligo kana!" Nakanguso akong tumayo at tumungo ng cr, nadaan ko pa yung stylist sa sala. This isnt the last day na magkikita kami dahil babalik sya.

Natapos akong maligo at dumiretso sa kwarto nakatapis lang ako dahil baka malagyan ng kung anong powder ang uniform koo, kinulot nya ang buhok ko at kaunting koloreta lang sa mukha dahil hindi bagay sakin ang makapal. Nang matapos na kami nakabihis na din si Mama at si Papa kaya pala naka-uniporme ay dadaan muna ito sa trabaho pahkahatid samin sa resort.

30 minutes nalang maguumpisa na. Agad kaming sumakay sa kotse at inihanda ang sarili. Eto na yun! Sana maging masaya ang araw na'to kahit aalis sya.

Di nagtagal nakarating na kami at isinuot ang toga, natuwa si Papa dahil napakaespesyal daw ng trato saming special A dahil sa toga namin.

Perfect TwoWhere stories live. Discover now