CHAPTER 3

7 1 0
                                    

SSG PARTYLIST

ZEBBY's P.O.V

6 years later.

"Anak ingat sa pagpasok!" Sigaw ni Mama na busy sa counter ng Cafe. Magiisang taon narin nung napatayo nila Mama ang pangarap nyang Coffee & Sweets shop na malapit sa University na papasukan ko ngayon.

"Opo! Alis napo ako!"

Pattiessiere Evanghilista

Oh diba antaray ng name ni Mother Dear! Maraming student ang tumatambay dito dahil presko at masasarap ang tinda ni Mama. Kaya nga kapag may natitira everyday ako lumalantak.

"Zeb-zeb tara na!" Pagaaya ni Ellaine sabay hila sakin pagbukas ko ng pinto, halos madapa ako sa ginawa nya.

"Sandali! parang matatanggal braso ko sayo eh!!" Daing ko.

Medyo binagalan namin ang takbo nang makarating na kami sa University kung saan kami nakapagenroll. Parehas kami ng kursong kukunin ni Ellaine dahil pangarap namin maging Surgeon.

"Ayun! doon oh!" Turo nya sa mga nagkukumpulang estudyante sa harap ng bulletin board. " Nandun nakalagay yung room number natin!"

"Anong silbi nung form natin?" akma kong kukunin sa bag ko nang bigla na naman nya akong hilahin.

"Dito na tayo tumingin! pinagdasal ko kagabi na makapabangga sana tayo ng gwapo tapos jowain tayo!"

Natawa ako sa sinabi nya, jowang-jowa ang babaita mars! pero pag may lumapit ayaw naman! Ang gulo nya.

Nakipagtulakan sya sa iba at napakalakas nya parang di babae. "Get out of my way!" Paghawi nya sa nagkukumpulang babae.

Tinitigan lang nila kami ng masama. Ellaine naman!

Napayuko nalang ako sa ginawa nya at hinayaan syang hanapin ang room namin.

"Hanggang dito ba naman ang balasubas mo parin Ellaine!"

"Uy Clover!" Nabuhayan kong tawag sa kanya. Grabe ilang buwan lang pero parang mas lalo syang nagmatured.

Kasama nya rin sila Kambal, Marga, at Pauline.

Nung Senior High kase kami naghiwahiwalay na kami , Si Ellaine, Pauline at Ako nasa STEM. Sila Kamba at Clover sa ABM, Si Margarette ang nagiisa sa HUMMS. Si Krisha naman bigla ring nawala kasabay ni Kazuto wala na kaming balita sa kanilang dalawa.

"At ano namang paki mo ah?" Si Ellaine.

Dinilaan lang sya ni Clover at tumingin sakin. "Same building pero 4thfloor ang room namin sa inyo 3rd madalas kaming dadalaw sa inyo!" Nakangiti nyang sabi.

Simula nung tumungtong kami sa High School lagi na nya kaming sinasamahan ni Ellaine mapabreak time man o uwian, ewan ko lang kung bakit but I didnt mind.

"Di ka namin kailangan ble! Tara na!" Yaya nya samin ni Pauline dahil magkakaklase kami. "Lord naman eh sabi ko po gwapo bakit si Clover pa binigay nyo!" Dagdag pa nito nang makalayo kami.

Perfect TwoWhere stories live. Discover now