Ito'y ginawa bilang isang proyekto sa klase ng ika-10
baitang para sa Ikaapat na Markahan sa asignaturang Filipino.
PASASALAMAT MULA SA MGA MANUNULAT
Unang una sa lahat, taos puso ang aming pasasalamat na nais ipabatid sa mga indibidwal na naging inspirasyon at mga nagbigay ng oras upang makasatuparan ang tagumpay sa paglikha ng maikling kwento. Lubos ang aming pasasalamat kay Bb. Dilangalen sa pag bibigay ng pagkakataon at gabay upang maipakita namin ang potensyal at talento na nakita niya sa amin. Nais din naming magpasalamat sa mga sumuporta at nagmungkahi ng mga ideya at tumulong upang mabuo ang naisulat.
Ang pangkat namin ay nagpapasalamat rin sa mga mambabasa ngayon na nagbigay ng oras upang mabigyan ito ng pansin. Ito man ay hindi gawa ng isang makata ngunit binuhos namin ang aming oras at paghihirap upang makapagsulat nang maayos. Salamat sa inyong oras at sana'y magustuhan niyo ito.
TUNGKOL SA PABALAT
Ang pabalat ng wattpad story na ito ay inilikha ni E. Aggabao.
Napili ang asul bilang pangunahing kulay sa pabalat sapagkat ito ay sumisimbolo sa kalungkutan na maihahalintulad sa maikling kwentong babasahin. Ang silweta ng pangunahing tauhan ay makikita kasama ang mga nakakadismayang mga salita na paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isip— ito man ay sadyang naiisip o hindi.
Simple lang ang disenyo ng pabalat ngunit nauugnay ito sa kasimplihan ng banghay. Nais din ng lumikha ng pabalat na magbibigay ito ng interes sa mga mambabasa.
────────────────────────
BILANG NG SALITA MALIBAN SA PANIMULA: 1911
PETSA NA IPINASA: 05.25.2020────────────────────────
YOU ARE READING
Tatlumpung Minutong Sindak
Short StoryKaramihan sa kabataan ngayon ay maiuugnay ang kanilang mga sarili sa bida ng maikling kwentong ito. Ang mga pangyayari ay kadalasang nagaganap sa isang pamilya kung saan mayroong isang anak na laging ikinukumpara sa kaniyang kapatid o mga kapatid...