Ari's POV
Punyeta, ang sakit ng ulo ko. Minulat ko mga mata ko at medyo nagulat dahil sa hanging chair sa garden pala ako nakatulog.
Sobrang wasted ako kagabi kaya hindi ko maalala na dito na ako inabutan ng pag tulog. Paano ko natiis 'yung lamig dito sa labas sa buong mag damag? Bukod sa kumot ni Noah na naka-cover saakin, naka-hoodies at maong shorts lang ako.
Bed weather na bed weather pa, ang hirap bumangon bukod sa masakit ulo ko. Hay, wala ako maalala sa mga ganap kagabi maliban na lang nung pasimula pa lang ang weekly na get a way sa bahay namin kasama mga pinsan ko, kaibigan nila at iilang kaibigan ko.
There's something odd kahit na wala akong maalala. Fuck it.
"Huy!" Ani Mady, ang bestfriend ko. Umupo 'to sa naka kalat na upuan sa garden. "Bakla ka ng taon, doon ako sa kwarto mo natulog! Sino pala 'yung katabi ko kagabi?!"
"Ako" Ani kuya Mason na biglang sumulpot sa likuran ni Mady, poker face lang siya na sumagot. Wow, normal na normal?
Tumingin ako kay Mady at nakita 'to na namumula ng bahagya kaya nabuhayan ako at napangisi sakanya. Natahimik si Mady kaya napabungisngis ako.
Tumabi si kuya Mason saakin at sumiksik sa kumot.
"Ang lamig Ariya" Sabi ni kuya Mason habang lalong nagsusumiksik sa gilid ko at may papikit-pikit pa.
"Gusto mo dito Mady?" Pang aasar ko.
Pinanlakihan ako ng mata ni Mady na para bang sinasabi nito na tumigil ako.
Well.
"No Ari, I had enough with Mady last night."
Hala ang gaga lalong namula!
Biglang may kumatok sa sliding door kaya napalingon kami ni Mady. si Augustine, may sinasabi.
Sumenyas si Mady na buksan nito ang pinto kaya 'yun ang ginawa niya.
"Saan niyo daw nilagay susi ni Kael? Hahatid niya daw kasi yung girlfriend niya."
"Nasa key holder sa pinto." Ani Kuya Mason habang naka pikit pa rin sa tabi ko.
Itong Mady, ngumingisi nanaman.
"Oh Ari, hahatid lang ni Kael yung girlfriend niya ha?" Bulong ni Augustine saakin bago pumunta sa sala. Hinampas ko siya kaso daplis lang ang umabot.
Humagikgik itong si Mady na para bang narinig ang sinabi ni Augustine kaya inirapan ko 'to.
Nakita ko na tumitingin sa loob si Mady.
"Makahawak sa babae niya kala mo aagawin." Ani Mady habang nakatingin pa rin sa loob. "Feeling loyal, nakipaghalikan naman sa'yo kagabi." Nanlaki ang mata ko at napabangon.
Shit!
"W-what?!"
Nabaling na saakin ang atensyon ni Mady at tumawa 'to ng tumawa.
"Wala kang maalala?"
OMG! Did I hear it right?!
"Poor you!" Pang aasar ni Mady at humalukipkip ito.
"Oh fuck" Napahilamos na lang ako sa kamay ko. "As in ba?"
Tumatawa pa rin si Mady.
"Chinika mo lang saakin kagabi nung nandoon na tayo sa kwarto mo. Papahinga na dapat tayo nu'n gurl! Ewan ko ba sa'yo ba't dito kita nadatnan."
Napa face palm na lang ako.
"Seryoso ba talaga?"
"I don't even know Ari, wala naman ata ibang nakakita. Well, macoconfirm mo lang 'yan kay Kael." Nagkibit balikat ito.
BINABASA MO ANG
Moonshot
Romance"...Halos araw-araw kitang kasama at kaharap pero damn it! Sa lahat ng gusto ko ikaw 'yung mahirap abutin. Ang hirap mo makuha, Ariya. Tama nga sila, moonshot kita." -Kael likewxndy (July 2020)