3 - Baby

14 2 0
                                    

Ari's POV

Sabado at maaga ako nagising, hindi ako bumangon agad dahil naaakit pa ako ng kama kaso hindi na ako makatulog ulit kahit na anong pwesto ko kaya nag desisyon ako na tumayo na.

Ginawa ko muna ang morning routine ko bago tuluyang bumaba. 7am pa lang kaya malamang ako pa lang ang gising at sigurado ako, bangag pa mga pinsan ko dahil kagabi.

Tanging mahinang ulan lang ang naririnig ko habang pababa ng hagdan. To my surprise ay malinis ang bahay, malamang ay nag ligpit din sila agad kagabi kahit na siguro lasing na sila dahil si Kuya Qi ang host.

Mas lalong malabo na gumising ng tamang oras niyan ang mga tao sa bahay knowing wala naman sila liligpitin ngayong umaga.

So, good timing kaya na nagising ako ng maaga? Dahil walang ligpitin? I doubt.

Kahit na sa kusina ay malinis na except sa mga bote na nagamit kagabi na nasa sulok at ito na ang sinasabi ko, tambak na hugasin.

Doon ako mapapalaban, iniwan ata talaga nila ang hugasin para may gawin ako. Hmmm.

Nag stretching ako ng kaunti tapos nagpainit ng tubig para sa kape na ititimpla ko tsaka ko binigyan ng pansin ang mga hugasin. Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang dami, buti na lang at nasa mood ako.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ay napahinto ako dahil narinig ko na may nagbubukas ng main door.

"Kuya?" Tawag ko mula sa kusina dahil si Kuya Qi or Kuya Mason lang naman ang posibleng gising ng gantong oras dahil madalas ay nagjojog sila ng ganito kaaga.

Narinig ko na nakapasok na ang kung sino man na nagbubukas ng pinto kanina pero wala pa din ako nakuhang sagot sa pag tawag ko kaya hinayaan ko na lang. Hinintay ko na lang kung pupunta 'to sa kusina or what.

At tama ako, narinig ko ang mga yapak nito papuntang kusina kaya tumingin ako sa papasok ng kusina habang sinasabunan itong baso na hawak ko.

Nachoked ako sa sarili kong laway nang makita ko si Archael, nag katinginan kaming dalawa. Basang basa siya, yung suot niya na jacket, tshirt at shorts habang hawak nito yung sapatos at medyas niya na basa din.

Napalunok ako ng biglang pumasok sa isip ko 'yung text niya kagabi kaya bigla nanaman ako nahiya at umiwas ng tingin at nag patay malisya.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na umalis na din siya sa kinatatayuan niya at lumabas sa garden.

Bakit nga pala nakalimutan ko na nandito siya sa bahay at nag jojog din siya ng ganito kaaga? Hindi ko tuloy alam kung good timing pa ba na nagising ako ng maaga?

Nagmadali na lang ako tapusin 'tong mga hinuhugasan ko dahil ayoko muna siya makasalamuha dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba dapat ko maramdaman sa mga gestures niya. At hindi ko din alam paano ako kikilos pag nandyan siya.

At ayun nanaman, hindi naman ako conscious dati sa presence niya around me! Ano ba 'to?

Kinalma ko sarili ko, nag isip ng mga ibang bagay para madistract ako. Pero kahit na gano'n ang ginagawa ko ay 'yung bilis ko mag hugas ay alam kong halata.

Natapos din ako sa wakas kaya mag titimpla na ako ng kape ko at magkukulong na lang muna ulit sa kwarto ko dahil maaga pa naman- "Shi-" Si Archael na nasa likod ko pala at kaharap ko na ngayon. Topless at nakaboxer na lang ito. Nakahalukipkip, basa ang buhok nito at may iilang namumuong tubig sa dulo ng mga buhok niya at panay tulo sa lapag.

Tanging kabog lang ng dibdib ko iniintindi ko ngayon dahil sa gulat ko na nandoon pala siya.

"Bakit nagmamadali ka mag hugas?" Sabi nito habang di natinag sa gulat ko dala ng presensya niya. Gano'n na ba ako ka-occupied ikalma sarili ko? Ni hindi ko naramdaman o narinig na nasa likod ko na pala siya at parang kanina pa nandodoon, pinapanood ako? Crap!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MoonshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon