2 - Unusual

23 2 0
                                    

Ari's POV

Isang buwan na ang lumipas since nung tea na nangyari. Hindi na namin nakita na magkasama si Kael at 'yung Julia. Madalas na rin si Kael sa bahay namin, doon na ulit siya natutulog. Mas madalas ko pa siya makita kaysa sa mga pinsan ko except Noah, as usual. Taong bahay 'yun.

Ang hindi lang nagbago ay 'yung pagkakaroon niya ng babae. Hindi ko man pansinin pero laging natataon na nakikita ko na may mga kahalikan siya at iba iba ang kasama pag may mga lakad siya.

Ngayon ay last day na ng midterm exam, kinakabahan ako dahil medyo hindi gusto saakin ng subject na 'to. Nagreview naman ako kaso hindi ko maintindihan 'yung mga butterfly sa tyan ko.

"Ariyaaa!" Sigaw ni August kaya dinampot ko na yung bag ko at nagmadali na ako lumabas ng kwarto tsaka ako bumaba.

"Careful!" Ani Kuya Qi dahil nagmamadali ako bumaba sa hagdan. Naka puting polo ito at slacks na black, sa pagkakaalam ko ay may presentation siya ngayon para sa kanyang midterm exam kaya gano'n ang suot niya.

Napailing-iling si Noah na nakasandal sa likod ng sofa at nakahalukipkip. Not today y'all! Naghihintay kasi sila saakin sa sala.

"Bagal" Reklamo ni August na anytime ready na lumabas ng pinto.

"Sige na, labas na kayo. May kukunin lang ako." Lumabas na nga sila, kumuha lang ako ng bottled na iced coffee sa ref tsaka tumakbo palabas.

"The heck?" Nalilito ako sa mga 'to, nag kanya kanya sila ng mga kotse. Ngayon pa sinumpong maghiwa-hiwalay ng sasakyan!

Dumeretso ako sa kotse ni Noah para makaalis na. Nung makasakay ako, umalis na ang kotse nila Kuya Qi, Kuya Mason at August.

"Tara na, ba't 'di pa tayo umaalis?" Sabi ko kay Noah na nakatingin sa phone niya dahil narinig ko may nag text sakanya.

Lumingon ito sa kotse ni Kael na hindi pa din umaalis.

"Huy!" Tapos niyugyog ko balikat niya.

"Wait" Ani Noah habang inaawat yung kamay ko.

Tapos tinignan ko din kung saan siya nakatingin. Bumaba si Kael ng kotse niya na may dala-dalang tumblr. Suot nito ang school uniform namin.

Nagulat ako kasi dumeretso to sa pinto kung saan ako nakaupo at kumatok.

Nag panic ako ng bahagya kaya tinignan ko si Noah at pinanlakihan ng mata, nagkibit balikat lang ito.

Ako sadya nito?

Binaba ko ang bintana ng kotse.

"What?" Hindi ako makatingin ng diretso sakanya dahil sa gulat ko.

Tinignan lang ako nito at nagulat ako kasi kinuha niya yung iced coffee na hawak ko.

"Drink this instead" Tapos inabot niya yung tumblr na hawak niya tapos bumalik na siya sa kotse niya at naunang umalis saamin.

Nagkatinginan kami ni Noah.

"Ano yun?" Tanong ko kay Noah.

Nagkibit-balikat lang siya ulit at nag drive na papuntang school. Hindi ko na siya kinulit kung ano yung ganap ni Kael kasi malamang di niya din alam.

Habang binabaybay namin ang daan ay natetempt ako buksan yung tumblr kaya binuksan ko nga at inamoy yung laman, hot choco. Ang bango, nakakaakit yung amoy pero mas kailangan ko ang kape ngayon dahil exam. Bakit pinalitan niya ng hot choco? Tss.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon ko sa ginawa ni Archael.

Pagdating ng parking sa school ay nakita ko na kakababa lang ni Archael ng kotse niya kaya pag baba namin ni Noah ng kotse ay di ko napigilan ang sarili ko na habulin siya para tanungin "Archael, ano 'to?" pinakita ko ang tumblr kaya napahinto ito nung makita ako.

MoonshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon