05

1.7K 111 56
                                    

"It takes a huge effort to free yourself from memory." Sabi ni Lexi. They are eating their brunch sa bahay ni Ali.

Pagkagising niya ay wala na ito at may nakahanda nang pagkain sa ibabaw ng lamesa. Pinag-uusapan kasi nila si Isaac ang Ex ni Lexi. Isa itong investment banker, one of the leading investment in the Philippines.

"Bumabalik ba? Bumabalik ba ang feelings mo ngayon sa kanya dahil nakita mo na siya?" tanong ko. Kasi kapag mahal mo ang isang tao ay mahihirapan kang kalimutan siya even you broke up years ago. Kahit nga si Lexi at Isaac ay ngayon lang nagkita after two years. Sumagi naman sa aking isipan si Alistair at ang ex nito.

Paano kung isang araw ay bumalik ito. Paano naman ako? Teka bakit ko ba iyon iniisip? Umiling naman ako dahil sa iniisip. Kapag hindi ako ang pinili pabayarin ko na lang ng mana si Ali. But i have this fear alam mo yung mas masakit pa sa salitang wala na kayo.. Yung nireject ka at ayaw na sa'yo.

"Hindi wala naman akong feelings para sa kanya. Gusto ko lang na ipakita na ok na ako...We never get a chance to talk bago ako umalis." Lahat naman siguro tayo nag-iiba ang ugali kapag nasasaktan.

"Ngayong nagkita na kayo gusto mo ba siyang makausap?"

"Okay na ako pero hindi na muna sa ngayon." Tumango-tango ako. It takes time to have a courage to talk about that.

"Saan si Riley?" tanong ni Zion. Naghihiwa ito ng lemon. Ninguso ko naman ang sofa kung saan natutulog si Riley. Nagkatinginan kaming tatlo at agad kinuha ang cellphone para magvideo.

Wag ka kasing matutulog.

Agad kaming tumayo at nagpipigil ng tawa ng bumugad sa aking harapan ang kaibigan na mahimbing na natutulog. Agad pinisa ni Zion ang lemon sa bibig ni Riley. Na siya namang pag gising at ngumiwi ang kaibigan kaya natatawa kaming nagtatakbuhan pabalik sa kusina.

"Shit kayo!" dinig niyang sigaw nito.

"Good morning... Its a prank!"

Lumabas sila ng bahay ni Ali. Dala nila si Mavie at tatambay sila sa gilid ng falls. Nakita pa nila si Heart pero kumaway lang ito sa kanila at nagmamadaling pumasok sa isang silid. Nakita din nila si Isaac na nagbabasa habang nakasandal sa puno.

"Ex mo oh, gusto kang makausap." Zion teases kahit wala namang sinabi si Isaac. Nakita kami ng binata kaya kumaway at ngumiti lang si Lexi.

"Ehem. Ehem. May ubo ako." Hindi natapos ang sasabihin ni Riley dahil hinampas na siya ni Lexi sa braso.

"Hoy. Tama na may nasasaktan.'' Sabi ko pertaining to Lexi. Sino ba ang masaya at masasaktan kapag nakita mo ang taong minahal mo pero niloko ka lang. Shes trying to be nice with him. Lexi glared at me kaya tinikom ko ang na lang ang aking bibig.

"Sabi ko nga.. Sige hampasin mo lang si Riley. Wala kaming pakialam diyan"
Humanap sila ng pwesto at naglatag ng kumot na pamamay-ari ni Ali.

Wala silang makita kayo iyon ang ginamit nila. "Nasabihan mo na si Ali?" tanong ni Lexi sa kanya ibinaba nito ang basket na may lamang pagkain.

"Oo... sanabihan ko kagabi." Hindi ko kwenento sa kanila na mukhang hindi pa nakakamove on si Ali sa Ex nito.

"Paano kung may girlfriend? Edi hindi ikaw ang pipiliin at pakakasalan?" sabi naman ni Riley ito ang may hawak kay Mavie. Late kayo friend, ex na.

"Ako dapat, hindi siya."

"Paano kung siya naman talaga at hindi ikaw?" I can feel a pain in my chest sa sinabi ni Zion. Tinamaan ako ng malupit. Suminghap naman ako.

High Society Club Series 2: Taming The GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon