Slipinhebenlipis ♪♫

54 1 0
                                    

Slipinhebenlipis

(Play mo yung audio sa taas para may effect kuno.) ↑

"Mag-iisang taon na rin pala.." sambit ko sa sarili habang naglalakad papuntang simbahan. Malamig ang hangin, tahimik ang paligid. Nakikita ko rin ang patay-sinding makukulay na ilaw mula sa mga bahay na aking nadadaanan.

Saylenay..

Napatigil ako nang marinig ang tinig ng tila isang paslit mula sa 'di-kalayuan. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakita. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Olinay..

Nagsimula nang magsitayo ang mga balahibo nang marinig ko ang pangalawang linya ng kanta. Parang pamilyar ang boses na aking naririnig. Binilisan ko ang aking paglalakad.

Oliskam.. Olisbray..

May batang nanggaling sa eskinitang malapit ko nang marating. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa buhok nyang nakatakip dito. May kung anong tumutulo galing sa kanyang buhok. Nang mapagtanto ko kung ano ito, tumakbo ako nang mabilis pabalik.

Ranyonberginmaderenchayl.. Oliimpansotenderenmayl..

May nakita akong matinding liwanag at narinig ko ang isang mahabang busina. Bumagsak ako sa sementadong kalsada. Naimulat ko pa ang aking mata para makita ang batang nakita ko kanina, nakahiga siya sa tabi ko at nakatingin sa'kin. Nilukob ako ng takot nang kinanta nya ang huling linya ng kanta..

Slipinhebenlipis.. Sliiipinhebenlipis..

Siya pala yung batang namatay nung isang taon dahil nabangga ko siya ng motor.

12.21.2014 │ 081610HRS


Isang Tagay, Lasing Na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon