Drive

33 0 0
                                    

Drive

"Whatever tomorrow brings I'LL BE THERE!!!!"

Pagsabay ko sa kanta ng paborito naming banda ng boyfriend ko. Yun yung paulit-ulit na tumutugtog sa cellphone ko.

Galing ako sa gimik, lasing na lasing na naman ako. Nababalot ng kalungkutan.

Nilukuban ako ng matinding antok pagkahiga ko sa kama. Tulog na yata ako nang may maramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod. Nandito pala yung boyfriend ko.

Inamoy nya yung buhok ko. Hinalikan ako sa tenga. Malambing na bumaba ang mumunting halik sa aking leeg. Nagbigay ito ng kakaibang sensasyon sa aking katawan na nagbigay init sa kabuuhan ko. Nauwi ito sa pag-indayog ng aming mga katawan hanggang sa marating namin ang rurok ng kaligayahan.

Pagmulat ng aking mga mata, wala na siya sa tabi ko. Panaginip lang yata yung nangyari.

Nag-aayos ako ng aking sarili nang napatigil ako. May mga tila pasa sa aking leeg. Napatingin ako sa kalendaryo sa pader.

Isang buwan na nga palang patay ang boyfriend ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Tagay, Lasing Na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon