Five

9 5 0
                                    

Pumasok na ako sa room namin.

Grabe ang tingin ng mga classmate ko sakin.

Di ko naman sila matanong kasi wala akong close friend don. Si Laurie lang.

Recess time, tinanong ko si Laurie kung anong meron. Bakit ganon sila makatingin sakin.

Tapos ang sabi niya lang,

"Mamaya malalaman mo."

Nagtatampo ata dahil sa nangyari kahapon.

"Btw, sorry talaga kahapon ah, babawi ako mamaya."

"Sakto, may sasabihin din ako e, pero mamaya na rin."

Pangiti niyang sabi.

Sabay kami ni Laurie na pumunta ng canteen at pabalik ng room.

Naging special na kaibigan si Laurie sakin dahil siya lang ang nakakausap ko ng matino sa school nayon. Siya lang nakakasama ko.

Pero lately, naw weirdohan ako sa kanya. Nanglibre siya, tapos pinilit niya yong katabi ko na magpalit sila ng upuan.

"Ayos kalang?"

Tanong ko sakanya.

"Bakit naman hindi? Sobrang ayos nga e, magkatabi tayo."

Pa angas na sabi niya.

Nong nag arte siya na lalaki, I feel relieved.

Pero di ko parin ma intindihan bakit angbait niya sakin lately. I mean, basta iba siya.

Siguro nga di ko pa masyadong kilala.

"Uuwi kananaman ng maaga mamaya?"

Tanong niya sakin.

"Diba mag memeryenda tayo?"

Sagot ko.

"Buti naman naalala mo."

"Basta libre mo. Charot."

Pabiro kong sabi.

"Sige ba."

"Charot nga lang, may pera naman ako."

"Susss bahala ka."

Uwian na, kasabay ko pauwi ang mga kaibigan niya.

Habang nagkkwentuhan sila, dito lang ako sa likuran.

Sanaall kasama yung barkada. Wala na akong balita kela Lance.

Huminto kami sa may mga tindang street foods.

Eh bawal ako kumain non, kaya naghanap nalang ako ng ibang tindahan.

Pinilit panga ako ni Laurie kumain non kahit ngayon lang daw, ayaw ko talaga.

Magf 5 na ng hapon non, kami nalang dalawa ni Laurie ang naglalakad patungo sa mga jeep na sasakayan ko pauwi.

Katabi ko siya habang kinikwento yung tungkol sa mga naging jowa niya.

May isang lalaking ex niya na minahal niya ng sobra, pero naghanap ng iba kaya nasaktan din siya ng sobra.

Simula nong nangyari yon, di na ulit siya nag jowa ng lalaki, puro babae na. Tatlo yung ex niya na babae.

"Kaya pala... Wala kanabang plano na maging pusong babae ulit?"

Tanong ko.

"Depende parin, kung lalaki yung para sakin talaga, edi go."

Deritsong sagot niya.

Siya naman ang bumato ng tanong sakin.

"Eh ikaw? Nagka jowa kana?"

"Nako, hindi pa, gusto ko yung maging first love ko, last love ko narin."

Until I Reported You Again...Where stories live. Discover now