*FLASHBACK*
"Uy! Mga mukhang unggoy, hipon, linta, uod, gagamba in short mga panget. Uuwi na ako"- Natasha
"Grabe ka naman sis! Para mo naman sinabing mga insekto at hayop ang mga kaibigan mo, nakakahurt, ouch"- Geraldin
"Bakit hindi ba?"
"Aba't! Sumosubra ka na talagang babae ka, ano suntukan nalang?"
"Edi, naging Gerald ka din, hahaha!"
"Ewwwww! Pwede ba, it's Geraldin with I.N, huwag ka ngang Gerald ng Gerald dyan" sabay irap niya SA kaibigan
"Pwede ba, kahit anong make over mo hindi mo magbabago ang katotohanang isa kang lalaki *blee*"
"Shut up girl! Kung ayaw mo itapon kita sa ilog at ipalapa sa mga pating"
"Nye! Nye! Nye! pwede ba tumayo na kayo dyan, uwi na tayo"
"Namae naman! Ang KJ mo talaga!"- Anna.
Nasa garden kasi sila at ang lima niyang kaibigan ay nakahiga at nakatingin sa ulap wala pang kakurap-kurap, hindi din siya nito tinitingnan tanging si Gerald este geraldin daw, lang ang tumingin dito pero bumalik din ito sa pagtingin sa ulap. Minsan naiisip niyang kung sino ba sa kanilang anim ang pinakabaliw pero lagi niyang iniisip na siya lang matino sa kanila kahit hindi naman, ang totoo ay pareho silang mga baliw kaya naging matalik na magkaibigan sila...
"Ano ba kasi tinitingnan niyo dyan? Mag gagabi na oh"
"Yun nga hinihintay namin, inaalam kasi namin Kung paano lumalabas ang mga star"- Mishy
Habang nakatingin parin ito sa ulap at di man lang siya tiningnan, napa pokerface na lamang siya sa mga ito.
"Hay! Bahala nga kayo dyan basta ako uuwi na"
"Yan! Dyan ka naman magaling ang mang-iwan sege, wala lang naman kami sayo eh, sege umalis kana"- Louisa
"OO nga, di mo man lang naisip ang nararamdaman namin? Lagi ka nalang ganyan"- Ella
"-_- ano namang drama yan? Naku! Tigiltigilan niyo nga ako, marami ng temang sa mundo, bawas bawasan natin ok? Kaya'y akoy aalis na aking mga mahal na kaibigan para naman kumunti na ang mga may sira sa tuktok... byeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! I LOVE YOU ALL"
sabay bira ng alis nito, sabay-sabay pa siyang tinawag ng mga kaibigan niya kaya lang mabilis na itong umalis para makauwi na rin, kanina pa niya talaga gusto umuwi dahil sumasakit ang ulo niya, di niya nalang sinabi sa mga kaibigan niya dahil alam niyang magiging O.A nanaman sila, tulad noon ng sinabi niya may lagnat siya kaya hindi siya papasok. Nang hapong yun nakita niya nalang ang mga ito nasa kwarto niya may mga dalang bagahi at sabing dun sila matutulog hanggang hindi siya gumagaling, kung absent siya absent din dapat daw sila para daw pare-pareho silang bagsak -,- at ng tinanong niya kung bakit may mga bagahi itong mga dala sabi nila na baka matagalan bago siya gumaling, kaya para daw sure nag dala na lang sila ng mga gamit at swear sa mga oras na yun para siyang masisiraan ng bait dahil sa mga kaibigan niya at ang dami ding kalokohang ginawa ang mga ito sa kanya at ayaw niya na ito balikan pa, past is past daw ika niya ... So ayun naglakad lang siya pa-uwi dahil malapit lang naman ang bahay nila sa paaralan nito, nang malapit na siya sa may kanto may nakita siyang dalawang lalaki, hindi nga lang niya Makita ang mga mukha nito dahil madilim, mag gagabi na rin kasi sa mga oras na yun ang plano niya sana ay hindi na ito pansinin at patuloy nalang sa paglalakad, pero habang papalapit siya ay naririnig niya ang usapan ng dalawa...
BINABASA MO ANG
THE DEAL:Make Her Fall In Love
Roman d'amour* Naranasan niyo na bang pag pustahan ng harap-harapan? Well, kung oo CONGRATS! maiintindihan niyo ako.... Dahil di ko naman matatakasan ang dalawang abnoy na yun - _ - Siguro kaylangan ko ng gawin ang advice ng mga loka-loka kong bestfriends...