Chapter 4

30 2 0
                                    

RAQUEL'S POV

Bakas pa din sa mukha ko ang pagod at puyat, samahan mo na rin yung namamagang mga mata ko.

Habang naglalakad papuntang school namin, hindi ko mapigilan ang maiyak. Agad akong tumingin sa taas nang maramdaman kong patulo na siya.

"kalma raquel! Magiging 'okay din ang lahat!" ani habang pinapalo ang pisngi ko para hindi na muling umiyak.

"Raquel!" pagtawag sakin, napatingin naman ako sa narinig kong boses sa likod.

Si Filomena pala, nang makita ko na siya di ko mapigilan ang hindi umiyak. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, agad akong pumunta sa kanya para yumakap.

"bes! Wag ka na umiyak, gagawa tayo ng paraan. Please! Wag ka na umiyak." sabi ni filo sakin habang yakap-yakap din niya ako at hinihimas ang likod ko para kumalma.

Hindi ko din alam paano kami makakakuha ng malaking pera para sa pag papaospital kay inay

Mga ilang minuto akong nakayakap lang sa kanya habang naiyak, nang maramdaman kong okay na ako saka ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"salamat kahit papaano may masasandalan ako. Pasok na tayo ng school malalate na din tayo." sabi ko habang nagpupunas ng luha at nasinok.

Kahapon lang nangyari ang lahat, ba't parang umaayaw na sakin ang tadhana.

Kahapon pagkatapos naming malaman na may sakit pala si inay sa dugo, ganun ding oras naghanap na kami ng pera. Pinauwi ko na din si filo nun dahil ayoko na maka-istorbo sa oras niya, bukod sa pagabi na din. Tiyak na hahanapin din siya ng papa niya pag hindi kasi siya nakita, bubog na naman ang aabutin niya.

----
Nasa loob na kami ng klase, sa una pangalawa at pangatlong klase wala talagang napasok sa utak ko miski isa. Nasa isipan ko pa din kung paano ako makakatulong kay itay na maghanap ng pera na malilikom para sa pag papagamot sa inay.

"okay class! Good morning!" agad na bungad samin ni sir. Maguio. Di ko akalain na ang bilis ng oras at malapit na kami mag recess.

Agad naman kaming bumati kay sir. Maguio.

"eto na class! Nabasa ko na lahat ng assignment na pinasa niyo. You know what? Na-aamaze ako na ilan senyo na may nakukuhang lesson at ang iba naman ay nagkakaroon ng simpatya." sabi niya habang nakatingin samin at nakangiti.

"alam niyo ba kung bakit ko sinabi sa inyo yun ng paulit-ulit? Teka! may gusto bang sumagot sa kung bakit paulit-ulit kong sinasabi ang topic na 'to?" natatawang anya niya, siguro nga ay na-feel na din niyang may nagsasawa na sa topic niyang mga alipin.

"ako sir!" rinig kong sabi ng kaklase ko, may nag-taas ng kamay sa likod.

Agad namang tumango ang titser namin habang nakangit, tugon niya upang sumagot na ang kaklase namin.

"para sabihin saming alipin lang din kami!" sabi niya at agad namang umalingawngaw ang tawa ng mga kaklase ko sa gunggong niyang sagot.

Napatingin muli ako kay ser, natawa na lamang siya isinagot ng kaklase.

"nope! No, students. Hindi yon." muling higit ng guro namin at natawang muli.

Sa totoo lang sa kanya lang komportable ang buong klase namin, bukod sa pwedeng sumagot ng kahit ano, walang mali at tama sa kanya. Itutuon niya sa mismong topic at bibigyan niya ng makabuluhan lahat ng sinasabi niya at matuto ka talaga sa kanya.

Bata pa si sir. Maguio, 21 years old. May makisig na pangangatawan at maayos na porma kahit uniporme ng school ang ginagamit. Pag ngumingiti at tumatawa ay mahahawa ka din sa mga ngiti niya, katamtaman lang yung balat at semi-kalbo, may pagka-singkit din na matangos ang ilong at manipis na makopang labi ang kanyang itsura.

"kaya ko paulit-ulit na sinabi yon sa inyo para malaman niyong sa panahon na yun ay  kahit alipin ka ay wala kang choice sa pamumuhay na gusto mo. If you see that yung sagigilid kahit na magsumikap siya o hindi, alipin pa din siya sa buong buhay niya kasi ganun na talaga siya simula nung pinaganak siya. " nag-start na siya magbigay ng lesson.

" pero nung sa namamahay pag nagsumikap siya at makita na talagang gusto niya maka-angat sa buhay ay magagawa niya. Kung kayo sa kinatatayuan niyo at naging alipin man kayo san niyo gusto? Di ba sa namamahay kasi walang chance pag pinanganak kang sagigilid. " mahaba niyang eksplenasyon. Ngumiti muli siya at tumingin sa buong klase.

Agad akong napaisip sa mga sinabi niya. Pero hindi ko ma-gets?

" this is what i take in this two types of alipin. Sa panahon ngayon pwede ka ng gumawa ng paraan para mapataas ang pamumuhay mo, mahirap ka man pwede ka pang umangat sa buhay at ganun din sa side ng mayayaman. Ngayong wala ng ganong policy sa panahon ngayon, nawa'y magsikap pa tayo sabihin na nating maging mayaman?" hinto niya at napatango.

" Pwede din. Para sakin ang magkaroon ng komportableng pamumuhay ay sapat na. Ano man ang dinulot sa inyo ng mga nangyare, wag tayong sumuko sa buhay natin. Kung ang mga sagigilid siguro kung may chance sila na hindi maging alipin gagawin din nila at sana kayo din" pagtutuloy niya sa sinasabi niya.

Huminga ako ng malalim pagkatapos niyang sabihin yun.

"kaya aral mabuti mga bata! Ngayon ay iba na ang topic natin." pagtutuloy ni sir. Maguio.

----

Dumating ang sabado at patuloy pa rin kami sa paglikom ng pera. Humingi na din kami ng financial assistance sa barangay at sa city hall. Nagutang na din kami nila itay sa mga inuutangan namin dati, mga lima lang ang pumayag yung iba ayaw na talaga mag pautang bukod madami na kami inutang noon nadagdagan pa mga gagastusin nila.

Binabalak din namin umutang sa paybsiks na nagpapautang ang kaso wala pa kaming nahahagilap miski isa.

Lumapit na din kami ni itay sa mga kamag-anak namin at kumpare ni itay bale mga drivers din sila, konti lang din ang nag pahiram ng pera.

Napaupo na lang ako sa mga isa sa gilid ng kalsada sa pagod at pagkadismaya dahil wala na din kaming malapitan.

"konti pa lang nalilikom natin tay, ano gagawin natin?" agad kong bulalas kay itay. Agad namang umupo na din si itay sa tabi ko at tinanggal yung sumbrero niya. Kita ko sa kanya ang pagod at hirap.

Naiinis ako dahil nakikita kong nahihirapan si itay at wala akong magawa, wala akong trabaho.

" mag-popost na ako sa social media 'tay, wag ka mag-alala gagawa tayo ng paraan. Mapapagamot natin si inay" sabi ko na lang habang nagpupunas ng naglalagkitan kong pawis.

Tinitignan ko lang si itay na nakayuko at paypay ang sumbrero sa kanya, habang nagiisip kung san pa kami pwedeng lumapit at makahiram ng pera.

Nakita ko ang pag-angat ng ulo niya na animo'y nakaisip ng magandang ideya.

"ahh! Si ser, lapitan natin si ser" ani niya habang nakangiti sakin.

"sinong ser?" tanong ko habang nakakunot noo sa kanya.

Loving You Unconditionally Where stories live. Discover now