Best Man
"Bro, wag ka ngang umiyak para ka namang bakla eh!"
Lumingon ako sa lalaking nasa gilid ko nang bigla niya akong tapikin sa balikat.
"Bro this is it...the big day..dapat masaya lang" sabi pa nito habang nakangiti.Siya si Andy, ang pinsan ko,ang karamay ko at tropa sa lahat ng kalokohan.Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko at pilit na ngumiti.
"Oo nga, tama ka"
Isang sandali pa'y tumugtog na nga ang paborito kong kanta...ay hindi ...paborito pala namin ng pinakamamahal ko.
[Now playing: Forevermore ]
Bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isang babaeng nakasuot ng bistidang puti,may hawak siyang bulaklak habang ang mukha niya'y natatabunan ng puting belo. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa amin..nakangiti habang umiiyak.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng napahagulgol.Hindi pa rin ako makapaniwalang ayun na siya at naglalakad.Handa ng maikasal.
Ang babaeng ito,saan nga ba kami nagsimula?
Patuloy sa pagdaloy ang pinipigil kong mga luha habang inaalala ang lahat.Time: June 28,2000
Pareho kaming anim na taon noon."Hoy bata, gusto mong lollipop?" Tanong ng isang bata ng minsang madapa ako sa tapat ng bagay nila para bumili. Tinignan ko siya at biglang nandiri ng iabot niya sa akin yung lollipop na nalawayan niya na.Mayroon siyang limang lollipop pero mas pinili niyang ibigay yung nalawayan na.
"Kadiri ka naman, nalawayan mo na kaya..yak!"
Pinandilatan niya ako at saka tumakbo."Kung ayaw mo 'di wag..hmmp"
Mula noo'y palagi na siyang nagsusungit sa akin. Sa tuwing napapadaan ako sa bahay nila binabato niya ko ng eroplanong papel.
Hanggang sa....
Time:September 13 2001
"Waaa..yung tsokolate ko!!"
Papauwi na ako sa bahay ng makita ko siyang napapapadyak sa gitna ng kalsada habang umiiyak.Nahulog pala lahat ng tsokolateng binili niya dahilan ng pagkadurog nito matapos masagasaan ng sasakyan.At dahil sa gitna siya ng daan umiiyak,gumawa ako ng paraan para patahanin siya.
"Hoy bata ...sayo na lang to oh" sabay abot ng sobrang tsokolate na nabili ko.
Tumigil siya sa pagiyak at bigla bigla na lang ngumiti ng malaki.Hinablot nito ang tsokolate sa kamay ko at nagliwanag ang mukha niya.
"Mag bestfriends na tayo mula ngayon ah?"
Nagulat ako nong una ,pero pumayag na rin ako sa pag aakalang hindi na niya ko ulit babatuhin pa ng eroplanong papel.
Hindi ko akalaing...tototohanin niya iyon.Lagi na siyang nakadikit sa akin mula noon. Magkapit bahay lang kami kaya palagi na siyang nasa bahay.Nakasanayan ko na lang hanggang sa lumaki kami.
Pero...hindi ko talaga inaasahan na darating sa punto na...
Time: December 26, 2010
Labing-anim na taon kaming dalawa.Isang malaking pagsubok ang dumating sa akin ng...mamatay ang papa ko dahil sa car accident.I was crying the whole time while kneeling above his grave ng bigla akong yakapin ng mahigpit ng best friend ko.
"It's okay Aries, sure naman ako masaya na si Tito sa langit eh...wag ka na naman umiyak,.nandito naman kaming lahat eh..nandito ako para sayo" nakangiti siya ng sinabi niya iyon.From that moment I suddenly felt na isa siyang anghel na ipinadala ni papa para alisin lahat ng sakit na nararamdaman ko. That very moment..bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig siya sa akin.
PRESENT
Pinahid ko ang luha ko habang patuloy siyang paglalakad ng dahan-dahan.Mula rito'y kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya. God..I'm really inlove with this woman.
Bigla ko tuloy naalala ang araw na iyon.
Time: June 28,2013
Hindi ko na talaga maitatago pa ang nararamdaman ko para sa kanya kaya...I decided to confess in a different way..."So pano nga kung mainlove ako sayo?" Bigla na lang itong lumabas sa bibig ko ng minsang magsimba kami.
Lumingon siya akin at biglang tumawa.
"Baliw ka..anong pinagsasabi mo dyan??" Sabay iwas ng tingin.
"So pano nga???" Gusto ko na talagang umamin nun kaso bigla naman siyang ngumiti ng matamis sa akin.....at....niyakap ako ng mahigpit..na mahigpit.
PRESENT
"Hays!..nakakatawa ka naman eh,ba't kaba umiiyak dyan ha?"
Napabalik ako sa ulirat ng makita ko na siya sa harap ko.Niyakap niya ako ng mahigpit at marahang tinapik ang likod ko."Wag ka namang umiyak ano ba....inaagaw mo ang atensyon na dapat para sa akin hmmp!"
I just smiled a bit and hug her....Tears pooled from my eyes.I really love her so much.
"Bro....puwede ko na bang kunin ang bride ko?"
I cried....hard....as I let her go...from my arms.
I saw her smiled at me before she happily went to Andy.....her beloved groom, but before they could even go....Allea turns her head to me.
"You're the best man ever....bestfriend"
"Yeah...I'm the best
man".And it hurts...
-The Endless-
YOU ARE READING
ENDLESS LOVE SERIES
RomanceDifferent kind of characters. Different kind of stories but has the same message. A love stories with ENDLESS LOVE.