Endless Love Series 002

22 17 1
                                    

Remind Me

"Sir, saan na po kayo..malapit na pong dumating ang client"

Napakamot na lang ako ng ulo ng marinig ang pagtawag ng assistant ko.That is my first client pero mukhang mabubulilyaso pa.Lintek naman oh.

Kailan pa kasi uusad ang traffic na 'to? Kanina pa 'ko naghihintay para makatawid na pero wala.Tirik na tirik ang araw at heto ako sa dulo ng pedestrian lane,tagatak ang pawis habang hinihintay ang nalalapit kong parusa dahil ang kauna-unahan kong kliyente bilang abogado ay mawawala na lang na parang bula sa mga kamay ko.Kainis.

Nagliwanag ang mukha ko nang makitang nag-uumpisa ng tumawid ang mga tao sa gilid ko.Lumakad na rin ako.... ng mapansin ko ang isang babae sa gitna ng pedestrian lane, may hinahanap na kung ano.Siguro'y nabunggo siya kanina ng mga nagmamadaling tao.
Napakunot noo na lang ako at hindi na siya pinansin gaya ng ginagawa ng ibang mga tao.Matapos kong makarating sa dulo ng pedestrian lane, parang may nagtulak sa aking lingunin siya .

Nanlaki ang mata ko ng makitang naroon pa rin siya.Siya na lang ang natitirang nandun at dahil maliit siyang babae,baka hindi rin siya makita ng mga driver ng sasakyan.

Nataranta na ko ng tuluyan nang mag-redlight at hindi pa rin siya umaalis..so i did it....the last thing in my mind na 'di ko inaakalang gagawin ko.

"NABABALIW KA NA BA?" Sigaw ko sa kanya matapos ko siyang hablutin papunta sa kabilang dulo ng pedestrian lane.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang siyang sa akin kaya mas diniinan ko ang hawak sa braso niya saka siya niyugyog.Parang bigla na lang sumabog ang galit ko sa kanya.I don't even know why.

"Muntikan ka nang masagasaan!!..ano bang hinahanap mo?..Hindi ka ba nag-iisip...baliw ka ba?" I know I sound exaggerated but I just can't control myself anymore.

Hindi pa rin siya sumagot.Nakatingin lang siya sa akin.

"Sumagot ka ng---"

"Sean?"

Bigla ko siyang nabitawan.

"Wait...Do I know you??" Naguguluhang tanong ko sabay tanggal ng kamay niya sa mukha ko.

Nabura bigla ang ngiti niya sa mukha.
Huminga muna ako ng malalim at saka tumingin sa relo ko.Nawala sa isip ko ang appointment ko.Pwede pa siguro  akong humabol.

Tumingin muli ako sa kanya.

"Bahala na...sige na miss...may kailangan pa pala kong puntahan."

Yumuko siya.

Tumalikod na ko para umaalis nang magsalita uli siya.

"S-Sige...M-Mag-iingat ka...masaya ako..na nakita ulit kita"

Sandali akong natigilan pero mas pinili kong magpatuloy.Nang makita kong wala namang sasakyan ay umalis na ko ....ngunit bago pa ko makarating sa dulo....

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa paligid...

Awtomatiko akong napatigil. Kumabog ng husto ang puso ko kasabay ng pagtindig ng balahibo.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng ingay....at naestatwa na lang ako ng makita ang nangyari.

Sa isang iglap, nakita ko na lang ang sarili kong nakaluhod habang hawak-hawak ang isang duguang babae.

"H-Hindi namin s-sinasadya...ang bilis ng pangyayari...t-tumatakbo lang kami...ta-tapos....tapos"
Rinig ko ang sigawan at hiyawan ng mga tao sa paligid namin.

"Na-Naitulak ko siya...p-patawad....patawarin mo ko..."

Rinig kong hagulgol ng isang estudyante sa gilid ko.Nakaluhod siya't umiiyak...pero...wala akong reaksyon...

Tulala lang ako habang titig na titig sa babaeng hawak-hawak ko ngayon.

Nagmulat ng mata ang babae.Itinaas nito ang kamay hanggang sa dumapo ito sa mukha ko.Hinaplos niya 'ko sa pisngi at saka siya pilit na ngumiti.

"M-Masaya ....masaya talaga 'ko... na nagawa kong mahawakan ka ..ka-kahit ...sa...huling sandali...m-mahal ko" Ngumiti siya sa akin..habang dahan-dahang bumaba ang kamay niya.

Sa isang iglap,sumakit ang ulo ko.Parang binibiyak.

Isa-isa kong nakita ng malinaw ang mga imaheng ilang taon ng nagpapahirap sa pagtulog ko.Isang imahe ng babae...na nakangiti sa  direksyon ko.

I slowly remembered it all.

From the time I met her...when I court her....and love her..We we're happy back then...until that accident...

Where I lost my ability to see.

I lost my sight.

Nakita ko sa ala-ala ko kung paano ko sinubukang tapusin ang lahat ng dahil dun. How can I be a lawyer if I'm blind.

I was devastated and suicidal but....she's there..

She never left my side.

"I will be your eyes" she said,pero hindi non nabawasan ang sakit na nararamdam ko.I can't believe that in just one snap ...all of my dreams are gone. So I  tried to stop the pain...I overdosed myself...

And that was the last thing that I remembered.

Tumulo ang luha ko nang maalala ko ang lahat.

No it can't be...

Tumingin ako sa kabuuan niya at doon ko lang napansin.

A walking stick on her left hand.

I cried.

She sacrificed everything... Even her sight.

But what did I do in return?
Nothing....I even forgot everything about her..

Niyakap ko siya ng mahigpit at doon humagulgol..

Kasalanan ko....Kasalanan ko lahat...

"Patawarin mo ko .....mahal ko"

-The Endless-

ENDLESS LOVE SERIESWhere stories live. Discover now