Reign's Point of ViewHey,i'm Reign Joyceline Rouge. Isa akong 3rd year med student.
Nakabihis na ako't pababa na ng hagdan nang biglang...
"Akala ko ba nagbago ka na,ha?! Bakit nalaman ko nanamang may babae ka?!" sigaw ni mama.
Nag-aaway nanaman sila.
Hays,kailan ba kasi titigil sa pambababae si papa?
Patuloy lang ako sa paghakbang pababa,hanggang sa makarating ako sa pinto.
"Alis na po ako." ani ko,kahit na alam kong hindi naman nila 'yon narinig dahil sa sigawan nila.
"Huy girl! Kanina ka pa tulala d'yan!" rinig kong sigaw ng bestfriend kong si Daniela.
"H-Ha?"
"Hakdog!"
"Tangina mo."
"Kararating mo palang tulala ka na agad."
Nandito na kami sa quadrangle,nakaupo sa bench.
"Nag-away nanaman parents mo?"
Kabisado na talaga n'ya ako,kahit hindi ko sabihin alam n'yang may bumabagabag sa'kin.
"Oo." tipid kong sagot. Bumuntong-hininga naman s'ya,ilang sandali lamang ay niyakap n'ya ako't pinagaan ang loob ko.
"Hoy,Reign." rinig kong may tumawag sa'kin mula sa likod. Kilala ko na kung sino 'yon kaya agad ko s'yang hinarap.
Si Yuan,kaibigan ko. Med student din s'ya katulad namin ni Dani.
"Reign mah prend---"
"Wala ako sa mood ngayon,kaya 'di mo 'ko mabuburautan." pinangunahan ko s'ya,kapag gan'yan kasi ang tawag n'ya sa'kin alam kong mambuburaot s'ya.
Pumunta s'ya sa harap ko na naka-pout at nakahalukipkip ang mga braso--- mukhang namamaktol na bata.
"Mukha kang unggoy." ani ko,natawa naman si Daniela samantalang si Yuan ay sinamaan ako ng tingin.
"Tch,tara na nga! May klase pa tayo,e." aniya.
Agad na kaming tumayo ni Daniela,at nagumpisa na kaming maglakad.
Hanggang sa tumama ang dibdib ko sa kung sino man.
Ang tigas,ah.
Agad kong iniangat ang aking ulo upang tignan ang taong nasa harap ko. Isang lalaki.
Then,our eyes met.
His eyes... It's emotionless.
"P-Pasensya na." mahina kong sambit,pero sapat na 'yon para marinig n'ya.
"Watch where you're going." malamig n'yang tugon at saka n'ya ako nilagpasan.
Suplado. Ako na nga 'tong nag-sorry s'ya pa 'tong mukhang galit.
"Yabang." bulong sa'kin ni Yuan.
Nag-umpisa na ang klase,ngunit hindi ako makapag-focus.
Bumabagabag sa isip ko ang lalaking 'yon--- sa hindi malamang dahilan!
Dahil kaya 'yon sa mga mata n'ya?
O baka 'yung pagiging suplado n'ya
Argh,pakshet ewan!
Nang makauwi na'ko galing university,unang bumungad sa'kin ay ang samu't saring sigawan nila mama't papa sa living room.
Reason:nambabae nanaman si papa.
Punong-puno na'ko.
Pagod na pagod na'ko.
Nakakasawa na.
Sa sobrang galit ko,ibinato ko sa kung saan ang bag ko't sumigaw ng "pwede ba?! Tama na!"
At dahil do'n,natigilan sila't tumingin sa'kin.
"Go to your room,hindi ka dapat mangialam sa away namin ng mom mo---"
"Dapat na'kong mangialam,dad!" giit ko, "dahil rinding-rindi na'ko! Araw-ara nalang ganito! Tuwing gigising ako sa umaga,bago ako pumasok,hanggang sa paguwi... Laging bubungad sa'kin 'yung sigawan n'yo!"
"R-Reign..."
"Sa kakaaway n'yo... Nakakalimutan n'yong may anak kayo,nakakalimutan n'yo ako! Ni hindi n'yo man lang ako tinatanong kung kamusta ako? Kung naaapektuhan ba ako sa away n'yo?" ang lalim na ng paghinga ko dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang lumuha. "Kung hindi na pala kayo masaya sa isa't-isa,ba't hindi nalang kayo maghiwalay?!"
Ilang sandali lamang ay kinuha ko ang bag kong nasa sahig at saka dumiretso sa aking silid.
Agad kong kinuha lahat ng aking damit at inilagay sa aking maleta.
Gusto kong umalis dito... Gusto kong pumunta sanlugar na hindi sila kasama.
Matapos no'n ay umupo ako sa gilid ng kama,at saka tinawagan si Daniela.
"Hello,Dani."
"Gago ka,girl. Sigurado ka sa paglalayas mong 'to?" tanong sa'kin ni Dani nang nasa tapat na kami ng unit ko. Sinabi ko kasi sa kan'ya na samahan n'ya akong mag-book ng condo.
"Oo. Tsaka,ba't may dala ka ring maleta?" tanong ko naman sa tanong n'ya habang nakaturo do'n sa mga gamit na hawak n'ya.
"Obvious ba? Malamang sasamahan kitang tumira dito para 'di ka magisa. And don't worry,alam din naman nila mama." aniya. Hindi ko maiwasang ngumiti.
Nang buksan na n'ya ang pinto,napansin kong may lumabas sa katabing unit.
Nang lumingon ako,nagtama ang tingin naming dalawa.
Those emotionless eyes,it's very familiar---
Oh,shit.
K-Katabing unit ko lang 'yung lalaking nabunggo ko kanina.
-valix

YOU ARE READING
Emotionless Eyes
Teen FictionWhen i looked at his eyes... It's different. It's dark... Lonely... And emotionless. Pero ang hindi ko alam,ang lalaking may walang kabuhay-buhay na mga mata... Ay ikakasal sa'kin.