Reign's Point of ViewNakarating na kami sa favorite restaurant namin. Agad din naming nakita si Yuan na nakapag-order na ng pagkain. Lumapit kami do'n at saka umupo.
"Ang tagal n'yo mga 'te." pabaklang sambit ni Yuan.
"Kingina kasi,ang tagal bumaba ng lola mo." sagot ni Dani,malamang ako 'yung tinutukoy.
Pabiro kong sinapo ang dibdib ko't sabay sabi ng "bakit parang kasalanan ko?"
Patuloy lang kami sa pagkain,nang mapansin kong parang may nakatitig sa'kin sa gawi kong kanan.
Nang lingunin ko ito,mistula akong natigilan.
P-Putcha,pati ba naman dito?
Nakatitig sa'kin si Lincoln,may kasama s'yang dalawang lalaki,mga kaibigan n'ya yata. Nakaupo sila sa isang table,hindi kalayuan sa'min.
Hindi ko na alam kung nagkakataon lang ba 'to o hindi na.
Umiwas ako ng tingin at saka ako nagpaalam kila Dani na magc-cr lang ako saglit. Hindi ko na inantay ang sagot nila sa halip ay agad na'kong tumungo sa cr.
Nang nakalabas na'ko sa cubicle,tumungo ako sa washroom para maghugas ng kamay,alangan maligo ako. Char.
Matapos non ay lumabas na'ko ng cr. Napapitlag ako nang may nakatayo sa tabi ng pinto.
Si Lincoln.
Nakatitig ang kan'yang walang emosyong mga mata sa'kin, 'yung mga matang akala mo mamamatay ka kapag tinitigan mo.
"What a coincidence na nandito ka din." kalmado n'yang ani.
"Hehe,o-oo nga." sambit ko.
"Is this what you call destiny?"
"H-Ha?"
"Just kidding."
Just kidding daw,pero wala paring emosyon 'yung mukha.
"M-Mauna na'ko." nauutal kong wika.
Kingina ba't na ako nauutal kapag s'ya na kausap ko?
Akmang lalakad na'ko nang magsalita s'ya ulit.
"Kailan tayo magkikita ulit?" tanong n'ya.
Dahan-dahan ko s'yang nilingon at saka kunot-noong tinignan.
"B-Bakit?"
"I don't know. I just want to,you know... To know you more."
Hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko o ano.
Pero,he has a point though. Gusto ko din naman s'yang makilala ng lubusan.
"Maybe,friday?" ani ko,tumango naman s'ya.
"Friday it is." aniya at saka lumakad paalis.
Hindi ko alam pero... Para akong namula.
Pft,marupok.
Mag-isa lang akong umuwi ng condo dahil kailangan daw umuwi ni Dani sa kanila,may family gathering daw.
Ayos lang naman sa'kin kung mag-isa lang ako dito.
Gusto ko sanang papuntahin dito si Yuan,kaso baka busy s'ya kaya 'wag nalang.
Naisipan ko munang tumambay sa balkonahe. Nang biglang nag-ring ang cellphone ko,senyales na may tumatawag. Agad kong tinignan ang caller ID.
Si mama.
Nag-aalangan man,sinagot ko na lamang ito. Itinapat ko muna ang cellphone ko sa tenga ko bago magsalita.
"Hello." panimula ko.
["Hello,anak. Busy ka ba this friday?"]
"Hindi naman po."
["Mabuti naman,pumunta ka sa restaurant na madalas nating puntahan. May paguusapan lang."]
"Sige po."
["Reign,magiingat ka lagi."]
Hindi na'ko sumagot pa,sa halip ay binaba ko nalang ang tawag.
Kung ano man ang paguusapan. Malamang hindi 'yon maganda.
"Someone's not in the mood." rinig kong may nagsalita,agad ko itong nilingon.
Si Lincoln.
Nagtama nanaman ang tingin naming dalawa.
"Excuse me?"
"Halata sa itsura mong wala ka sa mood."
"A-Ah,hindi ah."
"Okay." at saka s'ya umiwas ng tingin
"By the way."
Muli s'yang tumingin sa'kin.
"Baka hindi ako matutuloy sa meet-up natin sa friday. Dahil may family meeting kami."
Waw,family meeting. Big word.
"Ayos lang,same situation lang din." aniya,tumango na lamang ako.
At 'yun na nga mga hakdog sumapit na si biyernes.
Kengena.
Papalabas palang ako ng campus nang makatanggap ako ng text mula kay mama,sabi n'ya dumiretso na daw ako sa restaurant. Bilang isang masunurin na medyo tarantado,dumiretso na agad ako do'n.
Nang makarating na'ko sa lugar na pinagusapan,agad akong nilapitan ng waitress at saka sinamahan papuntang VIP room.
Halatang importante 'yung meeting kuno.
Nang nasa tapat na ng pinto,nagpaalam na 'yung waitress at saka umalis.
"Sana naman hindi masayang oras ko nito." bulong ko,bumuntong-hininga muna ako bago pinihit ang door knob at tuluyan nang pumasok.
Pagpasok ko,unang bumungad sa'kin ay isang pabilog na mesa,limang tao ang nakaupo do'n--- sina mama't papa,isang lalaki't babae na kaedad nila. At isang lalaki na parang kaedad ko---
Pakshet,ba't s'ya nandito?
"Reign?"
"Lincoln?"
Sabay naming sabi.
"Magkakilala kayo?" tanong ni mama.
"N-Neighbours actually." sambit ko bago umupo sa tabi ni mama.
Magkatapat na kami ni Lincoln.
Hindi namin inalis ang tingin namin sa isa't-isa.
"I know you're surprised because Lincoln is here---"
"Just go straight to the point." pagputol ko sa sinasabi ni mama,nang hindi man lang inaalis ang tingin kay Lincoln.
Dad fake a cough.
"We've planned to arrange a marriage for the both of you."
YOU ARE READING
Emotionless Eyes
Genç KurguWhen i looked at his eyes... It's different. It's dark... Lonely... And emotionless. Pero ang hindi ko alam,ang lalaking may walang kabuhay-buhay na mga mata... Ay ikakasal sa'kin.