2

1 1 0
                                    


Reign's Point of View

Umiwas s'ya ng tingin,at saka naglakad palagpas sa kinatatayuan ko.

Narinig ko namang tinawag ako ni Dani mula sa loob kaya agad na'kong pumasok.

"Ang laki din pala nitong unit na 'to." mahina kong sambit.

Malaki ang living room,sa left side naman ang kitchen at dining,sa right side ay may dalawang bedrooms,malamang may cr din,at sa dulong bahagi ay may balkonahe.

Agad na naming inayos ang mga gamit namin,matapos no'n ay pumunta na kaming living room at saka umupo sa sofa.

"Grabe,talagang nilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa kanila?" hindi makapaniwalang tanong ni Dani.

"Hindi ko na talaga kasi mapigilan." ani ko,agad n'ya akong inakbayan.

Ilang sandali lamang ay may kumakatok sa pinto. Agad na tumayo si Dani upang buksan 'yon.

"Eyyow wazzap madlang pipol!" ani Yuan na nakatayo sa pinto habang may hawak na dalawang plastik na naglalaman ng snacks at drinks. At saka s'ya pumasok.

"Pa'no mo nalamang nandito kami?" tanong ko.

"Tinext ako ni Dani,duh." aniya bago umupo sa tabi ko. "Tsaka hinayupak ka,bakit ka naglayas sa inyo?" tanong pa n'ya.

"As usual,dude." si Dani ang sumagot na nasa kusina habang inaayos ang mga pagkain. Agad naman akong tinignan ni Yuan na parang nagtatanong ng "legit?" kaya agad akong tumango.

"Hala."

"Halaman."

"O s'ya,tama na 'yan. Kumain nalang tayo't manood ng Netflix." ani Dani nang mailapag ang pagkain sa coffee table.


Matapos non ay umuwi na si Yuan,kami naman ni Dani ay nanonood parin ng Netflix.

"Since sabado na bukas. Ano'ng plano natin?" tanong ni Dani.

"Hmm,kain tayo sa labas bukas. Libre ko." sagot ko,tumango na lamang s'ya.


Tulog na si Dani,habang ako nama'y nakatambay sa balkonahe. Nagpapaantok.

Palinga-linga lang ako sa paligid,hanggang sa dumako ang tingin ko sa kanan.

Nakita ko ulit s'ya.

Tahimik lang s'yang sumisimsim sa kan'yang kape,habang nakatingin sa itim na kalangitan.

He still has this emotionless eyes.

Hanggang sa muling nagtama ang tingin naming dalawa.

Ngayon ko lang napagtantong gwapo pala s'ya.

Bahagya kong kinaway ang kamay ko bilang bati,ngunit tumango lang siya't umiwas ng tingin.

Nyek,suplado nga.

Akmang papasok na'ko ulit,nang bigla s'yang magsalita.

"Ikaw 'yung babae kanina 'di ba? 'Yung naka-bangga sa'kin?" walang emosyon n'yang tanong.

Shemz,ang lalim ng boses.

"A-Ako nga. P-Pasensya ulit." nahihiya kong wika.

Ba't ba ako nauutal? Pft.

"What a coincidence... Same school na nga tayo,neighbours pa." walang emosyon n'ya paring sambit,at saka pumasok na sa kan'yang unit.

Weird.

Pero ang gwapo parin!--- yak,lande.

Dahil dinadalaw na'ko ng antok,pumasok na ako't dumiretso sa aking silid.


Kinabukasan,naka-bihis na kami ni Dani dahil nga kakain kami sa labas. Niyaya ko na din si Yuan,kahiya naman sa kan'ya e.

"Antayin nalang kita sa baba." si Dani. Tumango na lamang ako bago s'ya lumabas.

Inaayos ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Nang maalala ko nanaman ang walang kaemo-emosyong mga mata ng lalaking 'yon.

Hays,ba't ko ba s'ya iniisip?

Nang makuntento na'ko sa itsura ko,agad na'kong lumabas.

Nang ila-lock ko na ang pinto,napansin kong may lumabas din sa katabing unit.

Nang lumingon ako,muling nagtama ang tingin naming dalawa.

"H-Hi." i awkwardly said,but he just nodded.

At dahil naiilang na'ko,naglakad nalang ako patungong elevator.



Nang nasa loob na'ko ng elevator,sakto namang pumasok 'yung lalaki.

This is going to be awkward.

Isinara na n'ya ang elevator door,at saka pinindot muna ang ground floor bago tumayo sa tabi ko. Ako nama'y umusog ng konti para may space sa pagitan naming dalawa.

"Med student?" bigla n'yang tanong,lumingon muna ako sa kan'ya bago tumango.

"O-Oo. Ikaw?" ani ko.

"Archi." tipid n'yang sagot tumango na lamang ako. "Name?"

"R-Reign." sagot ko. "And you are?"

"Lincoln."

Then the awkward silence came back.

"I can't deny..." tumingin s'ya sa'kin, "maganda ka." at muling umiwas ng tingin.

N-Nudaw?

Magsasalita na sana ako nang saktong bumukas ang elevator door.

Ngunit bago s'ya lumabas,tumingin muna s'ya ulit sa'kin.

"Nice to meet you. Future doctor." walang emosyon n'yang sambit at saka lumabas na.

Nalaglag ata panty ko. Char.

-valix

Emotionless EyesWhere stories live. Discover now