Chapter 1

6 0 0
                                    



"Anong sagot mo? Balance kayo?"


"No, hindi balance yung sakin."


"Hala, akin din! Nakalimutan ko pa yung account title nong isa nakakainis!"


Naka-upo ako sa armchair habang nagdo-doodle ng kung ano-ano sa Economics notebook ko habang ang mga kaklase ko ay stress na stress at nagkakagulo matapos ang exam namin sa Accounting.


"Ikaw, Bea nakapag-balance ka?" and then it hit me, I shook my head while playing at my ballpen's lid.


"Nakapag-pasa kayo?" tanong ko mga kaklase kong nagkukumpulan sa harap ko.


Their eyes widened looking straight at me, they are probably waiting for me to say the word joke or just kidding but I didn't. Hindi ako nakapag-pasa sa Accounting. Wala akong prelim sa Accounting, and that is making me crazy. Kinuha ko lang naman ang course na ABM dahil ang sabi ni Aimee Accounting is not about numbers daw, pero ngayon puta! Accounting is not about numbers ONLY it's about numbers, analyzation, memorization and understanding na wala ako!


"Hindi ka nag-pasa? Prelim yon gaga ka." ani Aimee, my buddy. Kinuha nito ang gusot na columnar paper na nasa desk ko at sinuri iyon. Hinayaan ko lang siyang basahin ang papel, bahala siyang intindihin yun.


"Ano to?" kunot-noong tanong ni Aimee habang naniningkit ang mata sa binabasa.


I just shrugged, wala ako masagot kung ano yon. Basta pinaglalagay ko lang lahat ng natatandaan ko —debit, credit at kung ano pa. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinakbit ang kulay pink na bagpack sa balikat, half day lang naman kaya pwede na akong umuwe. Kelangan ko ng hangin, sariwang hangin na wala sa apat na sulok ng kwartong 'to. Puro ledger at calculators ang nakikita ko dito eh.


"Tapsi tayo?" tanong ni Aimee habang sinasakbit nadin sa balikat niya ang bagpack.Ngumiti lang ako kay Aimee at tinanguhan siya, alam talaga ng kaybigan ko ang gamot sa badvibes ko.


Wala naman akong problema kung bumagsak ako sa Accounting , ang problema ko ngayon ay kung san kami kakain ng lunch dahil puno sa favorite naming tapsihan ni Aimee. Wala tuloy kaming choice kundi ang lumipat sa ibang kainan, naglakad pa kami ni Aimee ng ilang minuto bago makarating sa isang fastfood chain. Sikat na kainan ito sa mga estudyante sa school namin, yun nga lang mahal tapos ang liit pa ng servings kaya mas prefer ko padin yung tapsihan sa labas ng gate ng school kahit sira yung electricfan don. Ako na yung umorder para makahanap si Aimee ng upuan.


"314.00 pesos??"


"Yes ma'am." nakangiti nitong iniharap sakin ang screen kaya't wala akong nagawa kundi humugot ng tatlong daan at bente pesos sa wallet ko. HUHU. Apat na kainan ko na yon ng tapsi eh.


Inabot ng babae sakin ang sukli at tray ng pagkain. Ngumiti ako dito bago tumalikod. Nasa secondfloor si Aimee kaya tumaas din ako, nakaupo na si Aimee sa table sa may dulo tabi ng glasswall, nagbabasa ng lecture namin sa Literature —wow studious.


Tiningnan ko ang paligid, halos schoolmate ko karamihan ang nandito ngayon dahil lunch break at halfday lang ang klase, most of them are TVL, RK kase yong mga yon eh. May-iilan ding STEM at HUMSS pero swear kami lang ata ang ABM dito. Napaghahalataan tuloy kaming kuripot este —matalino sa pera.


"Tagal mo gutom na'ko." reklamo nito sakin nang makaupo ako sa harap niya. Binaba nito ang xerox copy ng poem na binabasa.


"Parang hindi ko na kaya." mahinang bulong ko pero sapat iyon para marinig ni Aimee, kunot-noo niya akong tinignan at pinitik sa noo kaya't napasapo ako sa sakit.


Yes it's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon