Gosh! I just remembered something.
Back in high school, uso pa 'yong mga group messages and mga clans. Hindi pa touchscreen mga phones n'on. Uso din maghanap ng text mate sa newspaper.
It was a summer vacation. I was with my ate. While she was doing the cleaning, I was just sitting outside. That time, nakikinig kami sa radyo.
Narinig ko, if mayroon ka daw gusto sabihin o i-announce, message ka lang sa radio station nila. Then, they will read the message for everyone to hear.
I still remember, sobrang bilis sinabi 'yong cellphone number na kailangan i-text. I had to quickly memorize it.
You know what message I sent? Ang sabi ko, "Looking for text mate. 0909 *** ****."
Pagkatapos, binasa na on air 'yong mga messages including the one I sent.
In just a few seconds after my message was read, hindi na natapos ang pagtunog ng cellphone ni ate.
Lumabas si ate at nakita ako na tawa ng tawa.
At syempre, nalaman n'ya na ako ang may gawa. Obvious kasi masyado.
Sobrang lungkot ni ate kasi ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitigil ang mga nagpapadala sa kanya ng mga messages. She had to delete all her messages including the quotes she saved na usong-uso pa noon. Nalungkot din s'ya kasi there's no stopping them.
To get this resolved, naisip n'ya magpalit ng SIM card.
Nalungkot na naman s'ya kasi years na sa kanya 'yong number na 'yon.
After ko ma-realize ang ginawa ko, nakonsensiya ako ng bongga. Huli na ang lahat since the damage has been done.
Nag-sorry ako sa kaniya. Tapos, nag-offer ako na ibibili ko s'ya ng bagong SIM card.
This wasn't enough though to pay for the wrong I did. Ibang level kasi talaga ang sentimental value ng number ng SIM card during that time.
Fortunately, ate was a very kind person. She forgave me after I made a promise not to pull this kind of prank again.
Lol, that's all. Thanks for reading.
Author's note: Kapag may nakita kayong mali tulad ng punctuation marks or spelling, let me know. Okay? I'll edit it.