Biro

17 0 0
                                    


Nakatayo ako ngayon sa harapan ng lalaking dating pinapangarap ko at minahal ko. Habang nakatingin sa kanya napangiti ako ng wala sa oras. Naalala ko pa dati yung sinabi niya sakin.

Kung di lang naman tayo magkakatuluyan sa huli magpapari na lang ako ganun kita ka mahal . Sabay tawa nito.

Napatawa na lang din ako sabay tingin sa kanya . Mahal na mahal ko din siya , di ko kayang mawala siya pero sa mga nagdaang araw , buwan at taon may mga bagay talagang di mapipigilang mangyari , May mga bagay na kahit gaano ninyo katatag maghihiwalay at maghihiwalay pa din kayo sa huli .

Samantha Zin Grey , Tinatanggap mo ba si Drake Astenn Andrada bilang kabiyak ng iyong puso ?

Ngumiti ako sa kanya sabay lingon sa taong pakakasalan ko , Yes , sa taong minamahal ko sa kasalukuyan , sa taong makakasama ko ng pang habangbuhay .

Yes Father , I Do.

And I now Pronounce you Husband and Wife.

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kung nakangiti sya samin , batid kung masaya na sya sa tinahak niyang landas .

Congrats . Usal nito .

Yes , Yung taong mahal na mahal ko noon ngayon ay isa ng alagad ng Dios. 
Hindi man kami nagkatuluyan sa huli alam namin na pareho kaming masaya sa kung anong meron kami ngayon.

Mabuhay ang bagong kasal.

ImahinasyonWhere stories live. Discover now