Katulad ka din pala nila

4 0 0
                                    


Mahal naalala mo pa ba ?
Yung mga pinagsamahan nating kay saya ?
kasi ako "OO" sobrang naaalala ko pa.
Ipinangako mo sa akin na ako lang talaga , na ako lang ang talaga iyong mamahalin,
Ipinaramdam mo sa akin ang iyong kalinga, na sa akin ka lang masaya,
At ako namang si tanga,
naniwala sayong mga salita,
Bakit mahal ? Bakit bigla ka na lamang nagbago ? Akala ko ba hindi iyon mangyayari ? Akala ko ba hindi ka magiging katulad nila ? ngunit Bakit Mahal ? Bigla kana lamang nag iba't naging malamig sa akin,
Iniisip ko, may mali ba akong nagawa ? Kasi kung OO gagawin ko ang lahat Para ako'y iyong mapatawad,
Ngunit naalala ko ang sinabi sa akin nang ating isang kaibigan,
Ika'y kanyang nakitang nakangiti at sobrang saya ....
Ang sabi ko ako ang iyong kasama noong mga oras na iyon ngunit bigla na lamang siyang natahimik . . .
At ako nama'y nakaramdam nang kakaibang pakiramdam,
Bigla na lamang akong nanlamig at hindi mapakali sa kanyang katahimikan ,
Isiniksik ko sa aking utak na mali ang maghinala , na mali ang aking mga iniisip ngunit nang siya'y magsalita ,
Mga pinipigilan kung luha ngayo'y nagsilabasan. Mahal ? Akala ko ba sa akin ka lang sasaya ? Akala ko ba ako lang yung Magpapangiti sayo nang ganun ? Ngunit bakit mahal ? Bakit nasa iba na ? Bakit ? Bakit may iba na mahal ? Mga katanungang nais kung iyong sagutin. Mga katanungang nais kung intindihin nang mabuti.
Ngunit nang ika'y nasa harapan ko na't ika'y nagsalitang "HINDI NA IKAW YUNG DATING TINITIBOK NITONG AKING PUSO . PATAWAD , NGUNIT MAY IBA NA AKONG MAHAL"
Bigla na lamang nagsibagsakan ang mga luhang pilit kung pinipigilan ,ako'y sobrang nanlumo .
Ang dating mahal ako ngayo'y may minamahal nang iba . Ang dating nangakong hindi magbabago ngayo'y nag iba na . Ang dating nagsalitang ako lang ang mamahalin ngayo'y may iba Nang Minamahal . Ang dating masaya't maligayang pagsasama natin ngayo'y nag iba na.
At ngayo'y aking napagtanto na "MAHAL , KATULAD KA DIN PALA NILA."

ImahinasyonWhere stories live. Discover now